Chapter 14:
Save
Ilang araw narin ang nakalipas simula ng makulong ako sa bodega at ito na ako ngayon papunta punta na ng mall. Nagyaya kasi si summer. At kuntatanungin nyo kung anung nangyari sa tatlong nambully, ayun inaway ni summer at pinasuspend ni clarence ng 2 weeks at community service.
Buti nga sakanila mwahahahaha
"ouwy buds ano nginingiti ngiti mo dyan mag-isa ha?"
"wala" masama bang ngitian ang sinapit ng mga 'yon
"Asus buds kilala kita siguro may nangyaring nakakakilig no? nung niligtas kanya... Oi, aminin.... 'Kaw kasi kwento mo na"
Grabe naalala ko naman 'yon
Forever i'll be your savior
Waaaah! Nababaliw na ata ako kahit panaginip ko lang 'yon kinikilig ako. Teka, panaginip nga lang ba? Ah ewan ang gulo....
"w...wala ah" naiwas ako ng tingin kasi feeling ko umiinit yong pisngi ko pagnaaalala iyon.
"sige na nga sabi mo eh! Oh, di wala ng nangyari kaya ka nagblublush ngayon" nang-aasar nitong sabi
*screech*
"WHAT THE HELL!?"
"Ow" sabi ko habang hinihilot ang nauntog kong ulo sa biglang paghinto namin
Aish, buti at walang dugo.
"ayos ka lang buds?" Nag-aalalang sabi ni summer
Tumango lang ako sa kanya "sensya na ha? Mukha kasing naflat tire tayo"
"ok lang"
Bumaba na kami at chineck ang mga gulong.
Flat nga. Aish, ang malas naman talaga oh
"tara buds hanap muna tayo kung saan natin pwedeng ipagawa yan"
"oi, teka buds peram ng phone mo?"
"lowbat e. 'yong iyo ba?"
"na kay kurt pa"
No choice
Sinimulan na nga namin maglakad.
Ano ba naman kasi tong nahintuan namin? Parang wala naman atang halos dumadaan dito. Hay, kasalanan ni summer may pashortcut shortcut pa kasing nalalaman e.
Habang naglalakad kami may humintong van sa harap namin at lumabas at mga hindi ko kilalang lalaki at bigla nalang akong hinablot at sinakay ng sapilitan habang si summer ay nakikipaglaban pa sa kanila.
"summer sa likod m....o" naibulong ko nalang bago ako tuluyang nawalan ng malay dahil sa itinakip nilang panyo sa bibig ko.
Clarence POV
"Problema?" tanung ko sa nakabusangot habang nagdadrive na si kurt
"iyong isip bata mo kasing pinsan sinipa ba naman ari ko"
Natawa naman kami ni jude sa sinabi nya.
"lintik baka hindi na ako magkaroon ng anak nito"
"hahahaha, asan na ang pinagmamalaki mo dating charms kurt? bakit di tumabla? wahahahaha"
"ulol"
*ring ring ring*
"hello.... fuck.... is she okay?.... where?.... ok ok" at ibinaba na ni jude ang tawag
"dude sa st parish hospital tayo" sabi nito kay kurt
Napakunot naman ako ng noo.
Sino? Ospital? Bakit? Ano na naman kayang nangyari?