Chapter 18:
He's my teacher
Nrilla POV
Ilang linggo na rin ang lumipas simula ng magkabati kami ni clarence pero parang mas lumala pa ang mga kalokohan nya.
"hon" at binack hug nya ako
"Talk to my hand" ayaw ko syang kausapin kita na nga nyang problemado ako nakikisabay pa sya.
"hon, sorry na"
Ah! ganun "Ayoko! Lumayas ka sa harap ko ewan ko sayo"
Sino ba namang matutuwa kong itapat ang alarm clock malapit sa tenga mo at patunugin habang natutulog ka.
Umalis ako sa pagkakaakap nya at nagdabog na pumunta sa harap ng tv.
"ouwy, hon! Sorry na promise hindi na uli kita bibiruin ng ganun"
Nagcross arms ako at swinitch ang tv.
Bahala sya sa buhay nya.
Humarang sya sa harap ng tv.
"Alis nga dyan" at tinutulak ko sya
"ayaw! kausapin mo muna ako" akmang aalis na ako ng bigla nya akong hinila at niyakap
"bitawan mo nga ako Timothy Clarence Suarez" siguro naman ramdam na nya na sobra na ang inis ko sa kanya
"No, mrs suarez, hanggang hindi ka nakikinig sakin"
Sinubukan ko pang magpumiglas pero dahil malakas sya napabuntong hininga nalang ako.
"fine, i'll give you 30 secs" okay! I give up
"kasi naman hon ang hirap mong bangonin tapos nabalitaan ko pa na may bagsak ka" at itinukod nya ang ulo nya sa balikat ko.
Naman kikiligin na sana ako kaso binanggit na nya 'yung big problem ko kaya napabusangot nako.
"kaya naisip kong magvolunteer na maging teacher mo" nakangiti na sya sakin
What!? No, ayoko nga napakastricto kaya nyang magturo.
"Ayoko nga! May kasalanan ka pa sakin 'no?" At umirap ako sa kanya habang kumunot naman ang noo nya.
"sige ka, isusumbong kita kila tita"
Aba at nang blackmail pa ang loko.
"hindi mo naman 'yan kayang gawin" paghahamon ko sa kanya.
Ngumisi sya ng nakakaloko "try me" at nagsimula na syang magdial sa phone.
Holy shit! Hindi nga ata sya nagbibiro.
Sheez! What to do? What to do?
"hello tita~" bago pa sya makapagsalita ng iba ay inagaw ko na palayo yung phone nya sa kanya at agad na pinatay.
"Don't you dare" at tinuro ko pa sya ng daliri ko
"i wont say it in three conditions" at binitin nya ang sasabihin nya
"at ano naman 'yun?"
"first, accept my apology. Second, be my student and lastly kiss me"
"What!? No way" bahala sya sa buhay nya
"bahala ka isusumbong kita" at madali nyang nahablot ang phone nya sa kamay ko at nginisian ako ng nakakaloko
"fine, oo na" napipilitang sagot ko bago bumulong ng "black mailer"
"Narinig ko 'yun" sagot nya habang kinukuha na nya ang kanyang mga libro
"yeah! whatever"
Nang ilapag na nya ito sa sa center table.
Halos lumuwa ang mata ko sa kapal ng mga libro.
"Read that" at umalis na ito habang nakatanga pa akong nakatitig sa mga makakapal na libro.
Hay! Makapag-umpisa na nga at sinimulan ko nang buklatin ang isang libro.
Nakakatatlong pa nga lang ako ay agad ko na agad itong sinukuan.
Wala pumapasok sa utak ko.
Bumalik na si clarence na may dalang pagkain.
Tamang tama! Gutom na 'ko.
Hihingi na sana ako sa kanya ng bigla syang magsalita "kung gusto mong kumain sagutan mo muna 'yan" at may binigay syang papel
"balance the equation and recognized LEORA and GEROA"
Napanganga nalang ako ng makita ko 'yung papel sa harap ko.
OMYGOD! Mukhang mali ang disesyon kung sya ang magturo sa akin.
*after 2 hours*
"Hoy! Nrilla walang mangyayari dyan kung tititigan mo lang 'yan"
Ayoko na po! Suko na ko.
Kada sagot ko kasi laging may side comments sya tulad ng ulit, mali! Ulitin mo uli, damn! mali nanaman.
"Hay! Naku nrilla ang simple na nga nyan naubos pa ang 10 pieces ng papel na andyan kauulit" natatawa tawa pa sya
Sige lang manlait ka pa.
"ewan ko sayo" at inirapan ko sya at tumayo na ako pero hinila nya ako pabalik.
"hindi ka makakaalis dito hanggang hindi ka natatapos"
"What!? Thats unfair" angal ko
"but thats life" sagot nya kaya napasibangot nalang ako "now do this"
Ano pa bang magagawa ko?
Okay! Nrilla kaya mo 'yan. AJA
Pinapalakas ko ang loob ko bago ako magsagot.
tik tak tik tak
Mga ilang oras din ang lumipas bago ko ipasa ang sinagutan kung papel kay clarence.
"i'm impress" at ngumiti sya sakin
Nakakuha kasi ako ng 7/10 sa mga pinasagutan nya.
Three mistakes lang ako. Big achievement!
"and for your reward"
Uh? May reward ako! Ang galing naman
"Close your eyes" at ipinikit ko ang mga mata ko tulad ng sabi nya at maya maya may kung ano nang dumampi sa labi ko.
Parang alam ko na ang reward ko.
Isang kiss, tulad ng ikatlo nya favor kanina.
As he was kissing me i encircle my arms on his neck and answer to his kisses with same intensity.
At first it was slow and passionate kiss but lately parang naging intense na ito.
Kasi mula sa labi naglakbay ang mga halik nito papunta sa leeg ko.
Which tickles me.
But when we realize what we are doing ay agad kaming napahinto at naglayo.
Ang awkward na tuloy ng atmosphere
Lumipas ang ilang segundo bago binasag ni clarence ang katahimikan "sorry! I lost control, promise it won't happen again" lumapit sya sakin at inakbayan nya ako.
"Come on! Let's eat i know you're hungry" at nginitian nya ako
![](https://img.wattpad.com/cover/12389059-288-k504873.jpg)