CHAPTER 5:
New classmates
Pagising ko ay naligo muna ako at nagbihis ng uniform bago ako lumabas ng kwarto ko at pumunta sa may dining room.
Araw ng lunes ngayon kaya tapos na ang sabado't linggo ng pahinga dahil kelangan ko ng pumasok..
Pagpasok ko palang sa dining room ay nandun nang nakaupo si clarence sa dining table at umiinom ng kape at may hotdog,itlog at ham sa tinapay na nasa harap nya.
Mmmmm....Ang yummy naman ng breakfast nya.Pero sorry nalang sakin dahil late naku magcoffee at bread nalang ako.
Kasi naman sila mama ee umalis na kahapon.Odi wala nang magluluto ng almusal.
Pumunta ako sa kusina at kumuha ako ng mug at nagtimpla ng kape tapos kumuha ako ng tinapay at pinalamanan ko muna iyon bago ako bumalik at inilapag iyon sa lamesa.
Pagkalapag ko sa mesa ay tumayo na agad si clarence.
Kinuha nya yung bag nya sa may sofa saka na sya umalis.
Anyare dun?Mukha ata syang nagmamadali.
Umupo ako at humigop ng kape.
Bakit lasang maalat na mapait?Yucks,Ampangit ng lasa.
Dinagdagan ko pa ng asukal yung kape ko at saka hinalo ko.
Tinikman ko yung kape kung nagbago na ang lasa pero ganun parin ang pangit talaga nakakasuka.
Wait a minute!Something's fishy...
Kinuha ko yung lalagyanan ng asukal at kumuha ako ng unti saka ko tinikman.
"Pweh!Ang maalat!"sabi ko pagkatapos kung ibuga yung kape.
Diba hindi naman maalat ang asukal?
Napakunot ako ng noo tapos napatayo ako sabay sigaw ng "PAPATAYIN TALAGA KITANG DEMONYO KA!"
Kaya pala sya nagmamadali kasi may ginawa syang kalokohan.
Kinuha ko yung mug na may lamang kape at ibinuhos ko sa may lababo.
After nun ay kumuha ako ng cereal at gatas.
Ibinuhos ko yung gatas sa may cereal.
Magcecereal at tinapay na lang ako..
Pagkaupo ko sa mesa ay cheneck ko yung oras sa phone ko.
Time check 6:45.
Oh!My message ako..
From:bestbuds
Buds!!!Sunduin na kita dyan!Sabay na tayong pumasok....love you....
Ibinack ko na agad pagkabasa ko ng message at saka ako nagsimulang kumain.
After a minute natapos narin akong kumain.
Since nakabihis naku kinuha ko nalang yung bag ko sa kwarto ko saka na ako pumunta sa may gate at naghintay kay summer.
Mga ilang oras din ang lumipas bago dumating si buds.
"antagal mo"kako sa kanya pagkasakay ko ng kotse nya
"sorry,natrapik kasi ako ee"sagot nya bago nya paandarin yung kotse nya.
"Anung problema?Bakit mukha kang masama ang timpla?"tanung nya
Napansin nya siguro na badtrip ako ngayong araw...
"Panu ba naman kasi may demonyong nagpalit ng asukal at asin."