MEBINMF 21 - Goodbye ChanChan Oppa.

96 0 0
                                    

Anica's pov:

Nilalagnat, puyat,  pagod, at,malungkot. Hay buhay.

Sumandal muna ko sa headboard dahil nangangawit na ang likod ko. Wala kaming taping sa isang linggo pa. Sakto nga e, nilalagnat pa ko.

Kinuha ko ang laptop ko at unang punta ko ay sa fansite ng WGM.

Kapopost palang ng wedding namin. Hindi ko na pinanood at diretso agad ako sa comments.

^Why  Anica took so long to answer 'I do'?  ^

^Anica is such a b**ch^

At kung ano ano pang masasamang comments ang natanggap ko. Naiyak ako agad.

Kasalanan ko. At alam ko yun. Kung alam ko lang na ganto ang mangyayari.

Josh's pov:

I recieved a text from my dad. Parang ngang hindi text e. Parang death threat na.

Hindi kasi kami close, kadalasan away kaagad kami pag nagkikita. Si mommy? Siya ang superwoman ko. Mama's boy. Oo, e ano naman? Sobra kong mahal ang mama ko.

Text message:

I've heard the news na may ni-rape ka raw? Ang tanga mo naman. Ano bang nangyayari sayo ha? Layuan mo yang babae mo ha! Buti nalang at wala ka ng girlfriend. Umayos ka lang Joshua! Layuan mo yang babae mo. Mapapatay kita, nakakahiya ka. Wag mong maulit to ha? Tatanggalan kita ng mana! At by the way, pumunta ka dito sa bahay.  May paguusapan tayo.

End.

Galing noh? Mas iniisip niya pa yung kahihiyan kaysa saakin. Mapapatay? Sige lang. Para matapos na 'tong paghihirap ko.

Nagbihis na ko at pumunta ng mansion ni Dad. Poker face at ni hindi ako natutuwang nandito ako. Buong buhay ko, kontrolado niya.

Everything change so fast.

"Mabuti naman at dumating ka kaagad." Bungad niya sakin. Nasa office niya ko at nakita ko si mom at nginitian ko siya. I miss her.

"Ano ho ba yung paguusapan natin?" Tanong ko. Minsan, tinatanong ko kung bakit hindi niya ko tinatrato bilang anak. Palaging si Jam ang gusto niyang kasama.

Si Jam ang nakakababatang kapatid ko. Babae siya, at dalawang taon lang ang tanda ko sakanya.

Gaya ni Dad, hindi kami close. Palaging nagaaway dahil sa tingin niya ay inaagaw ko sakanya si Mom. Parehas sila ni Dad kung ituring niya ko.

"May tutulungan tayong kumpanya. Malapit na silang bumagsak dahil sa dami ng utang. At tutal, ikaw ang susunod na magmamana ng mga pagaari ko. Ikaw ang tutulong sakanila." Naguluhan ako sa sinabi ng tatay ko. Ako?

"Paanong ako dad?" Kahit hindi kami close ay niri-respeto ko parin siya. Yun ang turo sakin ng Mommy ko.

"Ikakasal ka sa unica hija nila." Nanlaki pa lalo ang mata ko.

"Ano?! Hindi pwede!" Sabi ko.

"Pwede Joshua. Ikakasal ka sa ayaw at gusto mo. Pero don't worry, hindi pa yon kaagad. Next year pa, You'll meet her next next month. Masyado siyang busy sa trabaho at wala pa siyang kaalam-alam na ikakasal siya sayo." Hindi, paano na lang si Anica? Pano kami ikakasal kung ganito ang sitwasyon ko? Hindi ba talaga kami para sa isa't isa?

"Okay, I have to go. May meeting pa ko." At lumabas na si Dad sa office niya. Mom immediately hug me.

"Hush," at pinapat ni mom ang likod ko.

"Ma, pano nalang kami ni Anica? Hindi ba kami para sa isa't isa?" Ako.

"Anak, hindi ko alam. Tanging diyos lang ang nakakaalam kung siya nga ang itinakda para sayo o iba. At kung kayo nga ang itinadhana, magkikita't magkikita kayo. Gagawa ang diyos ng paraan." Iniisip ko palang na ikakasal ako sa taong hindi ko kilala at mahal. Para kong mamamatay ng biglaan. Hindi ko yata 'to kaya.

My EX-Boyfriend is now my Fiance ~REWRITING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon