MEBINMF 25

51 0 0
                                    

"Beb!" Kanina pa kasi siya sa kitchen. Parang carrot milkshake lang ang pinapagawa ko.

Buhay Reyna ako simula ng ikasal kami ni Beb. Palagi gusto niya siya ang kikilos para sakin.

Kaya ayan, inutusan kong gumawa ng carrot milkshake habang nanonood ako ng spongebob.

"Beb!" I yelled once more.Pero NR parin ako. Ano na bang ginagawa nun?

I paused the movie.

Tumayo na ko mula sa sofa at pumunta ng kitchen. I was about to yell pero napangiti nalang ako sa nakita ko.

High volume ang music kaya hindi niya ko marinig. Ang ingay din ng machine. At gamit niya ang rilakuma print apron ko.

Pumunta ako sakanya and hug him from behind. I put my head on his shoulders at nakita ko namang ngumiti siya.

It's been a year simula ng ikasal kami. Masaya kasi nakikita ko siya araw - araw, oras - oras , at Minu -minutong binibigay ng diyos para samin.

Paggising ko siya agad ang makikita ko at manglalambing naman siya. Sabay kami mamili ng kung ano ano. Siya yung tigaluto ko (hindi ako marunong magluto).

Kadalasan tahimik sa bahay kapag wala siya dahil may trabaho na siya. Manager ng company ni Dad na dapat ako ang hahawak pero si Beb na ang pinaghawak ni Dad since Magasawa naman na kami.

Anak? Gusto na namin magkaroon, Yung may magka kalat sa loob ng bahay, May magiingay, May mangigising samin tuwing umaga. May makakasama ako at aalagaan tuwing wala si Josh sa bahay.

"Meron pa ba?" Then he handed me the milkshake. Napangiti ako. Dayoff niya ngayon and yet pinapagod ko siya. Supposed to be rest day niya.

"Wala na. You want?" Agad siyang umiling. Para siyang trumpo sa loob ng bahay sa dami ng utos ko. Hindi naman ako ganto dati. Tumutulong naman ako. Iba talaga ang ngayon dahil buong araw na kong nakaupo sa sofa at nanonood ng spongebob.

"Let's sleep?" Aya niya matapos namin inomin ang milkshake niya.

"Una ka na. Huhugasan ko muna to." He kiss me on the forehead before going to our room. Tama naman sigurong ako naman ang gumawa neto.

Pero may parte ng katawan ko na ayaw ko kaya iniligay ko nalang sa dishwasher. Seriously Anica, Wala ka ng ginawa.

Pumanhik na ko sa kwarto at wala si Josh sa kama. Rinig ko ang pagpatak ng tubig sa bathroom.

Wala akong ginawa mag hapon pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Humiga na ko at binalot ang sarili sa comforter. Gusto ko ulit makita si Spongebob.

"Di ka pa matutulog?" Bungad niya. Umiling lang ako at kinuha ang remote control sa sidetable.

"Spongebob nanaman?" Josh. Sabay tabi sakin at umunan naman ako sa dibdib niya.

"Ang cute niya kaya." I smiled. Lalo na kapag nasa crusty crabs siya. Ang cute niyang magluto ng burger patties.

"Seriously Anica? Ang weird mo ngayon." tinignan ko naman siya sa sinabi niya.

"Hindi ka fan ng cartoons pero gustong gusto mo si Spongebob. Hindi ka veggie eater pero nagpagawa ka ng carrots and strawberry milkshake. Anong trip mo?" He laugh a little.

"Buntis ka ba?" Natigilan ako sa sinabi niya. Buntis? Possible?

"I don't know." I whisper. Pero may nararamdaman ako na kailangan kong magingat. At merong nasa tyan ko kahit hindi ako busog.

"Sleep. Kailangan NIYO yun."He emphasize the word 'NIYO'.

I just smiled at umunan sa dibdib niya. Pinapakiramdaman siya. Gusto ko na ring malaman kung bakit ako ganto.

My EX-Boyfriend is now my Fiance ~REWRITING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon