MEBINMF 14 - Knowing the truth

137 0 0
                                    

Jeremy Jade's pov:

Ngayon ko lang nakita si Josh na ganyan kasaya. I mean simula nung mamatay si Anica. Ngayon ko nalang ulit nakita ang ganyang mukha. Bakit kasi hindi pa aminin ni Aisha na siya si Anica.

"Bhie." -Erl. Sabay pisil ng kamay ko na nakainterwind sa kamay niya.

"Hmmm?" sabay tingin ko sakanya.

"Bakit ba hindi pa aminin ni Aisha yung totoo?" -Erl. Nagsasayaw kasi ang dalawa sa gitna habang yung iba kumakain pa.

"Hindi ko rin alam." We just watch them until magayaan na silang umakyat sa kwarto nila. Sa una nagulat kami at medyo naging green ang utak pero sinabi naman nila na hiwalay sila ng kama. xD

"Bhie, lakad lakad muna tayo." -Erl. Maglalambing nanaman siya.

"Sure. But, bhie malamig sa labas." nagulat nalang ako dahil hinubad niya ang coat niya at nilagay sa balikat ko.

"Tara na?" -Erl. Gagawa at gagawa talaga siya ng paraan para lang makuha ang gusto niya. I'm really to have this man. In our 10 years relationship. He cheated on me. Once. Yes, totoo ang nabasa mo. Naghiwalay pa nga kami nun pero sinuyo niya ko agad. And I give him another chance. Simula nun pag nagtatampo ako sinusuyo niya agad ako. Hindi niya hahayaang sumikat ang araw na nagtatampo parin ako.

"Jade." -Erl. Nagulat ako sa pagtawag niya sakin. First time niya kong tawagin sa pangalan ko.

"Yes, Bhie?" -Ako. He look at me. I can see in his eyes na kinakabahan siya. Teka? Ano nanaman ang gagawin neto?

"Alam mo bhie. Ang saya saya ko kasi hindi na tayo naghihiwalay, at ayokong mangyari yun. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala ka pa sakin. Bhie, I think I've found my girl. And that's you. Bhie, nasa tamang edad na tayo. Hindi na tayo bata. Bhie, gusto ko ng makasama ka although kasama kita araw-araw pero gusto ko yung ikaw agad ang makikita ko paggising ko. Pag papasok ang sa opisina ikaw yung magaayos ng damit ko at ng kailangan ko." he stopped. Wait,nagpo-propose na ba siya?!

"So, Ayoko ng maging boyfriend mo." What?!

"Ano?! Sabi mo kanina hindi mo kaya kung mawawala pa ko. Them ngayon, makikipag---"

"Shhh. *Put his thumb on my lips* ang slow talaga bhie." Aba! Ako pa ngayon ang slow! -,-

Lumuhod siya sa harapan ko na siyang kinagulat ko. "Ano ba Erl Ken ha?! Tumayo ka nga jan!" Pero hindi niya ko pinansin. Hinawakan niya ang kamay ko at may dinukot. Isang maliit na box.

"Bhie." Yun nalang ang nasabi ko. Ang slow mo talaga Jeremy Jade!

"Will you be my wife? Will you marry me?" At don palang tumulo na ang luha ko. I'm really happy to have this man infront of me.

"Ofcourse, Yes!" Then tumayo na siya at nilagay ang singsing sa kamay ko. I wrapped my arms around his neck then kiss him. We will start our happy ever after. :)

Camille's pov:
After taking shower ay lumabas na ko. Tsk, ang kalat ni Rica. -,-

"Hoy. Ano ba yan?!" Sabi ko. Pano ba naman kasi nagkalat ang mga unan sa lapag.

"Wait! Ayieeee. Hihihi. Kyaaaaa!" Ano bang nangyayari dito sa babaeng 'to?!

"Baliw ka ba?" Sabi ko. Sabay pulot ng mga unan.

"Tsk. Camille! Napaka ano mo! Kinikilig yung tao dito e." Sabi niya. Tsk. Magkatext pala sila ni Inigo. Di nalang magkita e noh? Nasa kabila lang naman si Inigo e.

"Bakit ka kaya nagustuhan ni Daniel?" Tanong niya. Aba!

"Anong sabi mo?!" Sabi ko sabay pamewang. Sinisimulan nanaman ako ng babaeng 'to.

My EX-Boyfriend is now my Fiance ~REWRITING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon