MEBINMF 7 - The Operation.

106 0 0
                                    

Note: BASAHIN ANG AUTHOR'S NOTE SA BABA. IMPORTANTE! DAHIL PAG HINDI BINASA. MAGUGULUHAN KAYO. YUN LANG :)

Josh's pov :

Operation na niya ngayong araw. At wala siyang alam sa mga nangyayari. Madalas, nagwawala siya sa sakit ng ulo niya. Naawa ako, masakit din sakin na makita siyang nasasaktan. Sana ako nalang yon. Para di ko siya nakikitang nahihirapan.

Nandito na rin ang mommy't daddy niya. At hapon ang schedule ng operation ni Anica. Sana makaya niya. Alam kong kaya niya yun. Kasi malakas siya. At nandyan ang diyos para sakanya.

Marami nang nalalagas sa buhok niya. Aware siya dun, pero. Wala siyang alam kung bakit. Madalas niyang tinatanong sa doktor niya kung bakit. Pero ang sinasabi lang ng doktor ay :

"Dahan-dahan lang sa pagsusuklay hija."

Tango lang lagi ang sagot niya. Pero naguguluhan parin siya.

Tanghali na ngayon at pinapakain na namin siya ng marami. Sabi ng doktor niya pakainin na namin siya ng marami dahil maraming oras siya matutulog unlike sa normal na tulog niya.

"Grabe naman ngayon! Tataba ako neto e *pout* kayo a!" Pabirong reklamo niya. Mamimiss ko siya. I know, hindi naman siya mawawala pero mamimiss ko yung boses niya. Yung kakulitan niya.

"Para maka recover ka anak." paglalambing ng mommy niya.

"Mommy, Ano po bang sakit ko? Bakit nandito ko sa ospital?" Eto nanaman ang tanong niya. Palagi siyang ganto. Hindi naman namin alam kung anong isasagot.

"Wala kang sakit anak." sabi ng mommy niya.

"E bakit po ako nandito? Bakit po naka-dextrose pa ko? Ang daming nakakonekta sakin. At nalalagas na po ang buhok ko." Humina na ang boses niya at napayuko siya. Ang dating medyo makapal niyang buhok ay ngayon at manipis na. Nalalagas na kasi.

"It's now the right time to say the truth ma." sabi ng daddy niya. Heto na, dito na ko natatakot. Kung anong magiging reaksyon niya.

"Wha-what truth?" Naguguluhang tanong ni Anica. Nilapitan ko na siya at niyakap.

"No! Tell me the truth mom! Dad!" Sige niya. No this can't be.

"Anica, anak. May brain tumor ka." tinignan ko ang reaksyon niya. Natatakot siya. Kinakabahan.

"Kailan pa?" Tanong niya.

"We don't know. The time na umalis kayo kasama sila Josh. That's the time na. Nalaman na namin ang totoo." May tumulo nang luha sa mata niya. Ito ang pinaka ayaw ko e. Masakit makita siyang ganto.

"Kaya ba sumasakit ang ulo ko? Kaya ba nalalagas na ang buhok ko? Kaya ba nandito ako sa ospital? Kaya ba pakiramdam ko wala na kong pwedeng gawin?" Umiiyak na sabi niya.

"Anak, maaagapan naman ang sakit mo e. Kaya magpapaopera ka." sabi ng daddy niya.

"No! Ayoko! Hindi ako magpapaopera. Josh. Natatakot ako!" Iyak niya.

"Shh, I'm here. Kakayanin mo yan." sabi ko.

"E pano pag hindi? Ayoko! Natatakot ako." iyak niya at sobrang higpit na ng yakap niya sakin.

"Kakayanin mo yan. Malakas ka diba? Matapang ka. Kakayanin mo yan. Nandito ako at ang parents mo. Maraming nagmamahal sayo Anica. Kaya please? Kayanin mo." hindi na siya nagsalita. Pakiwari ko at magiisip siya. Maya maya'y bumulong siya saakin na inaantok siya kaya inihiga ko na siya.

"Everything will be fine Anica." Sabi ko bago siya matulog.

After 1 hour..;.

Isang oras ko na siyang pinagmamasdan. Maganda parin siya kahit na... MEDYO nakakalbo na siya.

*TOK TOK TOK*

"Pasok po." Nasa canteen kasi si Tita at Tito. Nagugutom na raw. 

"Uhm, Mr.Hwang?" 

"Ako nga po." 

"Good. Tulog siya. Ooperahan na siya." nabigla ako. Kakayanin niya 'to.

"Bakit po? Operation na po ba?" tanong ko. 

"Oo hijo. Labas muna at mamaya'y may kukuha ng bed niya then. Ooperahan na siya." I smile and then umalis na ko. chinecheck ng doktor lahat ng ichecheck before the operation. 

Tinawagan ko si Tita at Tito at papunta na raw sila. Umupo ako sa waiting chairs dahil nakapasok na ang siya sa operating room. 

"Hijo, What happened?" tanong sakin ni Tita. 

"Nasa loob na ho siya." sagot ko. 

After half hour.... 

"Sino ang kamaganak ni Ms.Song?" tanong ng doktor niya. 

"Kami ho." sagot ng tatay niya. Tumayo na ko at nanlumo ang doktor. 

No this can't be..... 

"I'm sorry to say this pero. Hindi ho kinaya ng pasyente. She died 4:36 pm." Bakit ngayon pa? Kung kailan.... KAMI NA.

---* 

MsYeol: Hi guys! OMG. I miss updating. Exams po kasi at ngayon lang nagkafree time. Sorry for the short sad lame UD. 

This is the BIG REVILATION! 

Charot. 

Gusto ko lang po sanang sabihin na. Magpapalit na po ng characters. Ito na po: 

Stephanie Anica Song as Taeyeon Kim

Joshua Schandler Hwang as Baekhyun 

At yun parin yung iba. Nawala lang si Andrew Kim. At si Racel Yoo. Gets niyo ba? Ang pumalit kay Andrew at Racel ay si Joshua Schandler Hwang. gets niyo? Kung hindi naintindihan PM me. Please? Gusto ko kasing maintindihan niyo. 

Yun lang. 

MsYeol ♥ JS 

XOXO. ♥

My EX-Boyfriend is now my Fiance ~REWRITING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon