W.A*b2 - 3

2.8K 74 2
                                    

"I've missed more than 9,000 shots in my career. I've lost almost 300 games. 26 times I've been trusted to take the game-winning shot and missed. I've failed over and over and over again in my life and that is why I succeed." – Michael Jordan

CHAPTER THREE

***

Enrique @ Wild Angels Island (Heaven's Island before)

"WELCOME home, Enrique!" nakangiting bati sa akin ni Lance. Tinanggap ko ang palad niya. "Or should I say... boss?" he grinned.

"You're the boss here, wag mong ipasa iyan sa akin, loko ka, ha?" sinuntok ko siya sa panga sumadsad siya, tumayo siya at ginantihan ako ng suntok na tumama naman sa sikmura ko kaya napayuko ako.

"Hindi ako nagpapatalo boss!" nakangising sabi ni Lance.

"That's why I need your ability. Your leadership and skills are more than I expected," umayos na ako ng tayo.

Tinapik niya ako sa balikat at niyakap siya. "You're the man Enrique!"

Pumasok na kami sa loob ng isla. Wala na ang mga arena at inayos na rin ang mga bodega. Wala ng tere-teretoryo kaya malaki na ang nagbago sa loob.

May mga gusali narin sa loob kung saan bawat membryo ay may kanya kanyang silid. May malaking bulwagan kung saan sila nagsasanay sa pakikipaglaban.

May pinatayong bagong gusali kung saan ang control panel ng Organisasyon. Sinalubong ako nina Aljun at Peter at itinaas ang kanang braso, itinaas ko rin ang akin bilang pagbati.

"Kinu-kumusta ka sa akin ni Alice, Aljun," sabi ko dito.

"Pakisabi heto at gwapo parin. Kapag niloko siya ni Andrew, pumunta lang kamo siya dito at re-resbak ako,"

"Haha! Asa ka dun," si Peter.

Inilibot nila ako sa loob ng isla. May mga teenager na mga kalalakihan ang nagsasanay. Nilapitan ko sila, at yumuko sila ng makita ako. Itinaas nila ang kanang braso na noo'y may maliit ng nakatattoo sa mga braso nila.

"Kumusta kayo dito?"

"Ayos lang boss!"

"Wala bang nang-aapi sa inyo dito?"

"Wala bossing!" sagot nila.

"Baka naman tinatakot lang kayo? Wag kayong mag alala kayang kaya ko silang lahat!"

Tumawa ang mga binatilyo at nagpatuloy na ang mga ito sa pag-eensayo. Pumasok kami sa loob ng hindi pa tapos na control room. "Natanggal niyo na ba ang bombang nakatanim sa islang ito?" tanong ko sa kanila.

"Hindi pa boss, pero na deactivated naman iyon," sagot ni Peter.

"Kahit na, okay na iyong sigurado tayo."

"Bakit boss? May problema ba tayo sa Hunters Group?" si Lance.

Umiling ako. "Wala tayong problema sa kanila pero mas mahalaga parin iyong nag iingat tayo. Lalong-lalo na ngayong nasa islang ito ang mga bata natin."

Tumango sila. "Sige boss, kakausapin ko si Jefferson tungkol sa bomba," sagot ni Lance.

Sinamahan nila ako sa magiging silid ko, dumapa ako sa kama pagkapasok sa loob at idi-nial ang number ni Celen. "Hi, lady in red."

Celen: (chuckled) Kailan ka uuwi?

Enrique: Kadarating ko lang kaya dito?

Celen: Eh, sa miss na agad kita.

Enrique: Alam ko namang patay na patay ka talaga sa akin, eh.

Celen: Lakas mo, ah?

Tumawa ako. "I love you... mag-aral ka ng mabuti diyan, ha? Isang lingo lang akong mawawala."

Wild ANGELS 2: The Lost Identities (PUBLISHED UNDER DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon