W.A*b2 - 5

2.5K 103 14
                                    

"The best time to plant a tree was 20 years ago. The second best time is now." – Chinese Proverb

CHAPTER FIVE

***

NAKABALIK sa Pilipinas si Kendry kasama si Jefferson to investigate Samantha Benidez. If she was the girl that they've been hunting and thought killed on their last operation. At habang nandito si Jefferson sa Pinas ay pansamantalang si Green ang namumuno sa Hunters Group sa Spain.

Busy naman si Joshua sa mga iba't-ibang katauhan nito para makapasok sa kuta o grupo ng ibang private agencies. Specially The Seekers, ang agency na mahigpit na katunggali ng WEDA para magmanman.

Matuling lumipas ang mga araw at buwan. Sa Wild Angels Island pansamantala naglalagi si Jefferson at doon din nila pinag-paplanuhan kung paano muling makita at mahanap si Samantha Benidez. Minsan naman ay pumupunta sila sa resort ni Winston kung saan na niya ginawang official na headquarters ng WEDA. Napag usapan narin ang bombang nakatanim sa Isla at kung paano ito matatanggal sa ilalim.

Si Elsa ay nagpatuloy sa pag aalaga kay Inang Simang, pero hindi na nito kinaya dahil narin sa katandaan kaya hindi nagtagal ay payapang namaalam na ito. Kaya naman bumalik na sa Manila si Elsa, sa piling muli ni Kendry at nagpasyang tutulong sa panibagong mission ng Black Dragons kasama ang WEDA—to find Samantha Benidez.

Sina Andrew at Alice ay nagsisimulang mamuhay ng normal just like they wanted to be. They do dating and celebrate their first-ever monthsary to be called and noted. They are living together, dahil wala pa sa plano nila o ni Alice ang marriage dahil hindi pa siya ayos sa biological mother niya, but she continued helping her little sister Cheche.

Binigyan din niya ng sariling pwesto sa palengke ang Inay niya, sympre hindi alam ng Inay niya na siya ang nagbigay. Kinausap din niya si Ponce at umamin na siyang siya si Alice na tinangkang gahasain nito noon. Pinagbantaan niya itong papatayin sa oras na saktan muli nito ang kanyang Inay lalo na si Cheche, at nangako naman itong magbabagong buhay na.

Habang si Belle ay nagsisimula ng sumikat dahil sa kanyang Jewelry Shop. Sarili ba naman niyang ginawang modelo? At unti-unti ng bumubuti ang kanyang Mommy Bisty sa Mental Hospital. Todo rin ang suporta niya sa studies ni Celen.

Si Enrique naman ay personal ng nagtuturo sa mga bagong Black Dragons members. Once a month siyang pumupunta sa Isla para kumustahin at magturo ng mga basics sa bagong recruit. Nakipag-ugnayan na ang Organizations kina Winston at Delly na may tinayong Foundation o Charity para sa magiging future ng mga kabataang gustong mag aral sa kursong gusto nila.

At ang naisipang business ni Alice ay ang magtayo ng paaralan kung saan niya magagamit ang kanyang pagka Black Angel. Magtatayo siya ng University for the brats, jerks, may records sa NBI na mga estudyante, at mga kabataang hindi na kayang kontrolin ng kanilang mga magulang. Mga kabataang ilang ulit ng na kick out ng iba't ibang University at higit sa lahat mga estudyanteng akala siguro maisasalba ng pera nila ang grades nila. At suportado naman siya ni Andrew na nagpresentang maging isang guro kung saka-sakali. At sympre, approve kami sa balak nila.

"Anong ipapangalan mo sa University?" Andrew once asked Alice.

"Hmm..." she grinned. "FSSUO," she answered.

Andrew frowned. "FSSUO?"

"Yeah. For Stupid Students University Only!"

"Crazy!" Alice giggled when Andrew reached her waistline and tickled her.

"How about... Black Wings Academy?"

"Nice idea!"


Wild ANGELS 2: The Lost Identities (PUBLISHED UNDER DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon