W.A*b2 - 4

2.5K 74 5
                                    

"Don't limit yourself. Many people limit themselves to what they think they can do. You can go as far as your mind lets you. What you believe, remember, you can achieve." – Mary Kay Ash

CHAPTER FOUR

***

Kendry @ Underground Jail of Hunters Group-Spain

"MALEGEYENG pagdeteng here, Kendry!" masayang bati ni Jefferson Eskinos sa akin. Niyakap ko siya sabay tapik sa likod.

"Nice to see you again, Jefferson. Winston can't make it here. His wife is pregnant and he wanted to take good care of her twenty-four-seven!" I grinned.

"That's good to hear that. I am so happy for them. Anyway, c'mon I'll show you around."

Nagmasid ako sa paligid. Malaki at malawak ang base nila na nasa limang palapag na gusali, hindi pa kabilang ang dalawang palapag na nasa underground kung nasaan ang kanilang monitors room, and control panel ng buong group. Nakikita din doon ang jail kung nasaan nakakulong ang mga bigating sindikato all over the world, at ang ilang lider ng mga mafia na nahuli nila saan man panig ng mundo at nakita ko doon si Samuel Villonco na isa sa mga sindikato sa Pilipinas.

"What will happen to them?"

"Die," Jefferson answered. May ibinulong dito ang isang kasamahan sa salitang Spanish, tumango si Jefferson at muling hinarap ako. "Let's talk later, we have an emergency operation right now," umatras na siya papunta sa labas. Napatingin ako sa mga monitor, at nakita ko ang isang silid na puno ng mga kababaihan habang nakahiga sa mga kanya-kanyang higaan. May mga tubong nakakabit sa mga katawan nito at mga monitor sa gilid.

"Who are those women?" I asked at tinuro ang isang monitor. Napatingin doon ang isang nag momonitor.

"They were sex slaves victims. We are trying to save them and erase their memories from what they have been through hell with Syndicates and Mafias."

"How long did it takes? And what will happen to them right after their memories are gone?"

"We have an Institution for them, they will be placed as a new person. We are making new data for them and after they can live like normal people just like what they were before."

I nodded and sighed. "Can I go to underground jail?"

"A moment, Sir!" may kinausap ito sa cellphone at pagkatapos ay tumayo na ito para samahan ako sa ibaba. Sumakay kami sa isang elavator pababa, mas pumailalim pa iyon. At ng bumukas lahat natuon ang atensyon sa amin. Lalo na si Samuel, sa kabilang side naman ang mga babaeng bilanggo kabilang na ang ina ni Enrique na si Lanie.

"You may go," sabi ko dito.

Yumuko ito at muling pumasok sa elevator. Lumapit ako sa silda at senenyasan si Samuel na lumapit sa akin. He grinned and spitted the gum.

Kumapit siya sa bakal. "Nagkita rin tayo muli, Kendry. Buti naman at napadalaw ka dito? Na miss mo ba ako?"

"Bagay talaga sayo ang lugar na ito," ngumisi ako. "At hindi ka na makakaalis pa dito. Dahil dito kana mamamatay Samuel."

Humalakhak siya ng malakas, at hinarap ang mga kakusa nito. "Did you hear that? He said, we are going to die here and there is no chance for us to escape here! Ha-ha!" nagsitawanan ang mga ito pati na ang mga kababaihan sa kabilang silda.

Anong nangyayari sa kanila? Lumapit ang ilan sa bakal at binalak na hablutin ang damit ko. Mabuti nalang at nakaatras kaagad ako.

"Fuck you!" sabi ng isang kalbo at lahat puro tattoo ang katawan. Nagsunuran ang iba dito sa pagmumura sa akin.

Wild ANGELS 2: The Lost Identities (PUBLISHED UNDER DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon