♥ 5

6 1 0
                                        

HEART 5
Bia's P.O.V.

Okay? Weeks passed pero sheet! Hindi ko pa rin makalimutan ang halik na iyon. Kasalanan ko ba na malambot yung..yung labi niya. Ugh! Bwisit!

Hmph! Totoo nga ang sinasabi nila. First Impression Lust. Tss.

Siguro may pagnanasa 'yong lalakeng iyon sa akin kaya hinalikan niya ako. Aba aba, hindi niya ba alam na mahal ang precious lips ko. Peste, magbabayad 'yong lalaking iyon. Kahit gwapo pa siya! 

Bwisit, nakakagutom namang mag-isip doon sa lalakeng 'yon. Paspecial siya ah, special child.

Naglalakad na ako papuntang canteen nang may nadetect ang beautiful eyes ko. Syet! Tama! Good Eyes, siya nga iyon. Siya 'yong lalakeng may pagnanasa sa kagandahan ko.

Act Normal. Act Natural Bia. Taas-noo akong naglakad at syempre, with poise. Oh gosh, sana hindi siya papasok sa canteen.

Napatigil kaming dalawa nang sabay kaming papasok sana sa canteen. I cleared my throat, ladies first dapat. Papasok na sana ako pero nagkataong papasok din siya kaya hindi kami makapasok! Bwisit. Pati pa naman sa canteen ay binabagabag niya ang kagandahan ko!?

"Mauna ka na nga! I definitely don't want na magkasabay tayong papasok." maarte kong sabi at umirap. 

"Sino bang may sabi na sasabay ako sa'yo? Mas lalong ayoko." Aba! Anong sabi nitong nilalang na ito?! Nang makapasok siya ay pumasok na rin agad ako at mabilis na tumakbo sa linya para maunahan siya. 

Naramdaman ko namang nasa likod ko lang siya. Inayos ayos ko ang buhok ko, baka mamaya ay makaturn-off naman sa kanya. Teka tekaaaa! Wait a minute! Ba't ba ako nagpapaimpress sa special child na iyan. Eww. 

"Uhm, Kuya, isang lasgna, isang slice ng mango float at isang smoothie." sabi ko doon sa tindero nang panahon ko na para mag-order.

"125.00 po lahat miss." Okaay. Pagkapa ko sa aking bulsa, hala ka omygash! Naiwan ko ata ang wallet ko. No no no. Baka may extra money pa ako. Chineck ko lahat ng bulsa ko at pati na rin ang bra ko (de joke lang) peor wala! Ohmy!

"A-ah. He-he. Kuya, pwede ba mamaya na lang ang bayad?" tanong ko at nagpakyut gamit ang precious pouty lips ko.

"Hindi pwede miss. Manghiram ka na lang." sabi ni Kuya. Sinulyapan ko ang nasa likod ko at seryoso siyang nakatingin sa akin. Nakakunot pa ang noo niya. Naku! Maaga siyang tatanda niyan. Hmph. Pero ayokong manghiram sa kanya. No way!

"Kuya, I'll give my payment mamaya na lang please? Naiwan kasi wallet ko. I'll give 100 extra tip!" 

"Hindi po talaga pwede. Manghiram na lang po kayo. Ang taas na po ng pila oh!"

"Pero Kuy--!" Nagulat ako nang may lumapag ng 200 pesos sa mesa. Rich kid! Pero... Paglingon ko ay nakita ko ang seryosong mukha nung lalake. 

"Bayad sa pagkain niya." seryosong sabi ni special child. Nakita ko namang nagtwinkle ang mata ni kuya. Pssh.

"Oh ayan naman pala eh! Sige na, marami pang estudyante."

teka teka! Binayaran niya ako?-- I mean ang pagkain ko?

"Isang ham and cheese sandwhich atsaka mango shake." rinig ko na sabi ng lalake. Tinitigan ko yung lalake at sa gulat ko ay tumitig din siya sa akin. Ano? Titigan na lang tayo? 

"Babayaran ko na lang mamaya." I said at umirap. Umalis na kaagad ako doon at agad na hinanap si Ellana. Asan na ba yung babaeng 'yun? Puno pa naman lahat ng lamesa. Teka, may isa. Pupunta na sana ako doon ng makita kong umupo yung special child. Owwwkay. 'Wag diyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bottled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon