Syempre, batian na ng Happy Birthday :) yung day na to' may speech kami, graded recitation.. So, ayun, bandang hapon, t;apos na kami mag-lunch. Ehh mahaba pa naman ang break namin, hanap kami tambayan.. So, naisipan namin sa 8th floor nalang kasi wala masyado tao dun minsan, edi naghanap kami ng mauupuan. Pag talikod ko, nakasalubong ko nanaman si Billy syempre kasama niya si Carlo ang kanyang bestfriend. Lol.
Nagulat ako O.o :"">
Pag labas ko nung pinto, inaasar na ko ng tropa ko kasi andun nga daw si Billy. :P syempre, ganda nanaman ng araw ko. Hahaha! Ayuuun..
Nag-iintay na kami ng elevator, nagbago na isip nila. (Gulo lang namin eh noh. Pero okay narin kasi nakita ko siya. LOL)
Anyway, habang nag-iintay kami, bigla sila lumabas sa pinto, nag-iintay din sila ng elevator. Etong mga tropa ko.. Inaasar ako. Hahaa! Nagparining yung isa kong tropa na si Bebs sabi ba naman niya "Happy Birthday naman dyan oh! :D"
So, pag talikod ko.. Dapat siguro kakalabitin ako ni Billy.. Pero binati niya ko :""> shet e. Saya talaga ng araw ko. =)))) yung smile niya. Emeged leng :""> lol.
Malapit na yung elevator nila, humirit pa yung tropa kong si Nics. Nagparinig din. Sabi ba naman "Kuya! Sa Shakey's daw po mamayang 5:30. Kita kits! :D" tawa kami. Lakas pa naman ng boses nun. =)))
Sila Billy natawa lang din sa sinabi. :)) pero alam ko na nun na hindi yun pupunta. Mahiyain kasi? Or ewan? Basta..
Ganito kasi.. Konting info about him (Stalker ko talaga. Hahaha!)
Snob yun or mahiyain. Ganyan minsan yan. Magulo. :)) minsan, hindi mo alam kung sino una mamansin. LOL. Pero mabait naman siya. ;)