Chapter 1: The Players

11.6K 45 14
                                    

Minsan sadyang mapaglaro ang tadhana sa mga taong nasanay sa isang mapaglarong pag-ibig ngunit hindi ibig sabihin ay hindi na sila marunong magmahal ng totoo kaya naman ito ang kwento ng dalawa kong mahalagang kaibigan na ako ang naging saksi sa mga pinagdaan nilang buhay pag-ibig.

Unahin na nating ipakilala ang pinakamaganda sa iskwelahan namin na Lira University sa Taft Manila; siya ang babaeng hindi mo magawang lapitan dahil sa mga naghihiyawan mga istudyanteng iniidulo siya pero naging kaibigan ko si…

“Saya.” Tawag ko sa kaniya na halatang napipilitan nalang siyang ngumiti sa mga ito.

        Si Saya Redcliff ay isang simpleng babae na maganda ang istado sa buhay dahil marami silang hanap-buhay at isa na ang Sweet Hana-Mochi na kilala sa mga flower arrangement at Japanese sweets. Hindi rin naman siya katulad ng ibang may kaya o mayayamang tao dahil sa kaniyang awrang ‘loner’ pero kahit ganoon ay may karisma siya na lumalabas lang sa tuwing natitripan niyang pumorma na minsan ng mumukhang modelo at lalo na sa mabilis niyang umintindi o tumanda ng isang aralin mapa-academic o non-accademic man iyon. Dahil roon ay madaming nakakakilala sa kaniyang abilidad at mabait na pag-uugali sa mga taong nakakasalamuha niya sa bahay man o sa loob at labas man ng iskwelahan maliban na lang sa itinatago niyang istado sa buhay.

“Rikuto!” tawag din niya sa akin habang papalapit. Halatang nagmamadaling lumayo sa mga fans niya. Katuwa siyang panuorin.

        At may pag-uugali rin siyang mainisin sa mga taong makukulit at nakakaasar lalo na sa mga mapilit na tao pero ang hindi nawawala sa kaniya’y ang pagiging pranka o pagiging totoo sa mga sagot niya sa bawat tinatanong sa kaniya na minsan nasasabihan na siyang pilosopo kahit minsan praktikal lang siyang mag-isip.

“Buti nalang dumating ka. You’re my savior.” Bulong niya sa aking habang nakapulupot ang braso niya sa akin na parang isang bata at nakahinga na din siya ng maluwag kaso hindi pa din siya nilulubayan ng mga fans niya. Buhay nga naman ng mga sikat noh?

        Mayroon din siyang pag-uugaling malambing sa mga taong gusto niyang pakitaan nito at iilan lang ang mga iyon ngunit pag-ayaw niya, huwag mo nang pilitin dahil sobra siyang mairita na iisipin mong may dalaw siya kahit wala naman talaga.

Sa paglalakad namin sa pasilyo ng skul patungo sa aming klase, hindi pa din kami nilulubayan ng mga fans niya kahit malapit na ang umpisa ng mga klase namin. Sa pagpasok namin sa aming klase’y mga nakadungaw lang pintuan at bintana kaya naman ang mga kaklase namin inaasar si Saya dahil sa pagiging sikat niya.

“*sigh, nothing new…” bugtong-hininga niya sa buong klase na dahilan ng tawanan ng iba.

Sa sinabi ni Saya lumapit na ang homeroom president namin at pinakiusapan ang mga istudyante na lubayan muna siya dahil oras na sa klase. Sa sinabi ng presidente namin, umalis sila kahit napipilitan na. samantala, nanahimik na naman si Saya dahil sa nangyari pero nang tapikin ko siya…

“Ganyan ang sikat…” puri ko sa kaniya’t nagtungo na ako sa aking upuan sa may bandang likod na malapit sa bintana dahil doon sa sinabi ko kahit papaano ngumiti siya’t nanahimik muli habang hinihintay ang guro namin sa umaga na Filipino.

 Sa pagtapos ng mga pang-umagang klase, nagsimula naman ang lunch break namin na dahilan naming dalawang magtungo sa kantina at tulad ng nakasanayan ay heto na naman ang mga fans ni Saya. Bumuka ang daan ng mga nagkukumpulang istudyante sa kaniyang pagdating kaya agad naman siyang nakabili ng kakainin namin. Ngayong naghahanap kami ng upuan, may nagbigay sa amin ng mauupuan dahil tapos na din silang kumain kaya naman kami na ang gumamit.

“Grabe ang sikat. Bumubuka ang dadaanan tapos may magpapaupo, aastig.” Sabi ko sa kaniya na medyo nang-aasar na may halong inggit.

“Hay naku, Rikuto ‘wag mo nang pangaraping maging sikat sa simpleng dahilan. Minsan kasi nagiging dahilan iyon ng inggitan at away ng hindi naman dapat.” Seryosong sinagot niya sa akin na naiintindihan ko ang kaniyang ibig sabihin.

Game Over  [2 B EDIT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon