Busy ako sa pag-aayos ng mga dadalhin kong pagkain para sa pinakamasungit na babae na nakilala ko sa balat ng earth hmp- kaunti may mabait naman siyang puso lalo na pag tulog pero pag gising ay akala mo bubugahan ka palagi ng apoy.
Ang sungit niya kasi dinaig niya pa ang menopause na matanda!
"Oh Isabella hija, ito na ang mga lalagyan ng ibang pagkain na niluto mo." Nahinto naman ako sa pag-iisip tungkol kay dragon ay nilingon si Nanay na mayordoma o masasabi kong nag-aalaga sa kay dragona simula bata pa ito.
Medyo nasa late 50's na kasi si Nanay Helen pero mahahalata mo ditong sobrang aktib pa.
"Salamat po Nanay Helen." Ngumiti naman siya sa akin at tinulongan ako sa paglalagay sa isang malaking supot nitong mga pagkain.
"Nako siguradong matutuwa ang asawa mo nito hija lalo na at masasarap lahat ang niluto mo na eksaktong paborito niya pa."
Napakamot naman ako sa ulo ko sa pagkasabi ni Nanay Helen sa salitang "Asawa".
"Eh Nanay hindi ko siya asawa po tsaka isa pa ang asawa po ay hindi ka pinapatulog sa sofa nu at hindi nanakit hmp! Katampo nga yung dragon na yun eh, diba dapat po magkatabi na kwarto matulog ang mag-asawa?" Inosenteng tanong ko kasi diba usually pag mag-asawa na daw kuno kayo ay magkatabi sa kama.
Iba kasi yung trip ni dragon at palagi niya nalang ako pinapatulog sa sofa kasi masikip daw sa kama at ang baho ko pa daw.
Yuck ako mabaho?Ang bango ko nga eh tsaka ang sabon ko is surf na bareta at shampoo ko naman ay rejoice yung komersyal sa tv ba na "haba ng hair nag rejoice ka ba ghurl" ganun hmp.
"Pagpasensyahan mo na ang batang yun hija at ganun lang talaga yun, ikaw nalang ang umunawa sa ugali niyang paiba-iba." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Nanay Helen lalo na at nakita ko sa mukha niya ang bahagyang pagkalungkot?Eh?May problema ba si Nanay?
Pero teka ano daw?Bakit ko naman yun siya intindihin na kung mismo ang sarili ko nga minsan ay di ko maintindihan hmp!
Bahala na kamo siyang umintindi sa sarili niya total gurang na siya!
Sa naisip ko ay bigla naman akong napahagikhik na ikinataka ni Nanay Helen.
"Oh at bakit ka tumatawa riyan?Mag bihis ka na doon at baka kanina pa naghihintay ang asawa mo sa opisina, nako ang batang ito anong oras na.."
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabing oras ni Nanay at agad na lumingon sa kulay gintong orasang nakasabit sa ding-ding.
Time check: 10:30 am
Nang makita ko ang oras ay dali-dali na akong nagpunta sa taas kung nasaan ang kwarto ko na guest room kung saan katabi ng kwarto ni dragona.
Huhuhu bakit ngayon ko lang naalala na 11:00 am ang lunch break niya at hindi 11:30?Huhu paktay ka self sermonan ka nanaman nun mamaya ng apoy!
Pagkatapos ko magbihis ay dali-dali naman akong bumaba at agad na nagpunta sa kusina para kuhanin ang mga niluto ko.
"Nanay una na po ako babye po."
"Magpahatid ka na kay Eduardo hija!"
Rinig kong sigaw ni Nanay habang ako naman ay hindi nalang sumagot pa at nagmamadaling hinanap si Mang Eduardo na asawa ni Nanay Helen slash driver/bodyguard ni dragona.
"Tay hatid niyo po ako sa Johnson's Empire Company Tay huhu.."
Parang nabigla naman ito sa pagsulpot ko sa likod niya sabay hawak sa kanyang bandang puso bago ibinaba ang dyaryo na kanyang binabasa.
YOU ARE READING
My Naive Wife
RomanceGirlxGirl - SLOW UPDATE Marian Isabelle Mercado- Disesyete anyos na isang napaka inosenteng probinsyana na may pagka slowpoke, naive, manhid o tatanga-tanga. But despite all of that hate compliments about her ay may taglay siyang kagandahan na mapap...