Chapter One

6K 311 132
                                    

Marian Isabella

Nag-iimpake ako ngayon sa aking mga damit, panty at baby bra. Alam kong wala naman akong dapat pagtakpan pa aking dibdib sapagkat ito ay isang pader lamang. Pero huwag kayong magbubuot sa akin okay?

Hindi nga ako nagbubuot sa inyo kahit walang laman yang inyo hmp!

Inilagay ko naman ang mga damit ko sa aking magic bayong na isang sipa nalang ay paniguradong mawawasak na. Parang isang hulogan nalang talaga to laspag na hays.

Pagkatapos kong maipasok ang mga damit ko ay kinuha ko naman ang mga ibang gamit ko sa loob ng kwarto ni Lolo kasabay nung mga picture frame niya kasama ako.

Bigla naman akong nalungkot nang makita ang mukha niyang sobrang laking pagkangiti na ultimo gilagid niya ay makikita na habang ako naman ay naka pogi sign sa litrato.

Hindi po ako lalaki at lalong wala akong Talong. Bebengka po meron ako okay?Hmmp!

Nakakalungkot lang isipin ang biglang pagkawala ni Lolo.

Pumanaw na kasi siya noong dalawang linggo na ang nakalipas. May hika kasi ang Lolo ko at sakit sa atay sa lakas nitong uminom at manigarilyo. Ayon nga isang araw habang nagliligpit ako nang panggatong di kalayuan sa aming bahay ay bigla nalang nagsisigaw si Aleng Tessmosa na may kasamang nakakarindi na tili na ayon nga ay nakita niya si Lolo kong nakahandusay sa sahig habang inubo na may kasamang dugo.

Siyempre bilang ako ay isang mahinang nilalang na takot sa dugo ay muntik na mahimatay. Buti na nga lang hindi natuloy kasi nga dumating yung ambulansya na aakay sa katawan ni Lolo ko na wala ng buhay.

Nung mga oras na yun ay sobrang umiyak ako na may kasamang uhog. Hindi ko kasi matanggap na yung kaisa-isang tao na bumuhay at nagpalaki sa akin ah iiwan na ako dito sa mundong ibabaw- este ibaba pala kasi nga diba nasa lupa tayo?Hmm sana magets niyo ako.

Ayon nga pero sabi niya naman sa akin nung di pa siya deds ay mag-iingat daw ako palagi at alagaan ko daw ang sarili ko. Noong mga panahong yun ay may kutob na talaga ako sa totoo lang ngunit hindi ko nalang pinansin pa. Nag-usap lang naman kami nun na kung ano-anu pa ni Lolo ko.

Tinignan ko naman uli ang litrato bago pinahid ang luha ko at kinuha sa maliit niyang cabinet ang sulat na sinabi niya sa akin noong buhay pa siya.

Kinuha ko naman ang maliit at kulay dilaw na papel habang nakapasok ito sa maliit na box. Kunot noo ko naman itong tinignan lalo na at may pagkaluma na ito. May alikabok rin kasi.

Paano kaya nakapasok yung alikabok sa loob samantalang nakasarado naman diba?Isipin niyo nga at sagutin niyo ako.

Lumabas naman ako kaagad sa kwarto ni Lolo at pumasok sa kwarto ko para kunin ang aking mahiwagang bayong at binitbit ito palabas habang dala-dala parin ang maliit na box.

Umopo naman ako sa upoang kahoy dito labas para basahin ang nakasulat. Agad ko namang binuklat ang papel at sinimulang basahin.

Mahal kong Apo na Tanga minsan hehe

Unang salita palang agad na nalukot ang mukha ko sa nabasa. Tsk nakakainis din ito si Lolo minsan eh akala mo naman hindi bungal.

Sa naisip ko ay napahagikhik naman ako bigla habang nakatakip ang kamay sa aking bibig na kasing baho ng kanal char-char lang gud oy!

Inayos ko naman ang opo ko at sinimulang basahin ang nakasulat sa papel.

Mahal kong Apo,

Bago ang una at huli ay nagpasalamat ako na ngayoy nasa langit na ako kasama si San Pedro at ang kanyang panabong na manok charot Isabella apo, ang sasabihin ko lang ay mag-iingat ka palagi. Apo, pasensya ka na at mukhang maauna na ako dito sa itaas. Hindi na kasi nakayanan ng katawan ko ang labis na sakit na nararamdaman ko. Oo Apo, may sakit ang Lolo mo at iyon ay inilihim ko lamang sa'yo. Ayaw ko rin kasing mag-alala ka sa akin sapagkat sa ating dalawa simula nung lumaki ka na sa akin ay sa ikaw na ang kumakayod simula nang maging baldado ako. Mahal na mahal kita apo kaya ayaw ko na mag-alala ka pa sa akin.

My Naive WifeWhere stories live. Discover now