//Ang pagmamahal daw ay isang siklo sa buhay kung saan may makikilala ka, magkakamabutihan kayo, magliligawan, magiging magsyota, magkakalabuan, masasaktan ka, magkakahiwalay kayo, magmumukmok ka, makakamoveon, may darating ulit at babalik na naman mula umpisa.
Paikot-ikot lang kung tutuusin. Pero umiikot lang sa dalawang aspeto: magmamahal ka at masasaktan.
Noon di ko rin gets kung anong sense ng punyemang pag-ibig na yan. Ano yun? Magmamahal ka para masaktan? Sino bang gagong tao ang gustong masaktan? Diba wala?
Pero sa paglipas ng panahon, sa patuloy na pag ikot ng mundo at pag alis-dating ng mga tao sa buhay ko, may isang bagay akong natutunan: hindi mabubuhay ang tao ng walang pagmamahal. Parang oxygen na kinakailangan sa paghinga. Parang puso na kinakailangang tumibok para mabuhay. Parang medyas na walang sapatos. Parang kutsara na walang tinidor. Parang strawberry jam na walang strawberry.
Kaya pag nagmahal ka dapat handa kang masaktan. Dahil walang permanente sa mundo. Lahat nagbabago. Lahat nawawala. Lahat lumilisan. Hindi tulad ng mga nababasa sa mga love story book o fairytale story na laging may happy ending, may happy ever after. Dahil sa totoong buhay isa lang ang totoong ending: masasaktan at masasaktan ka talaga.
Hindi siguro tamang sabihin yun ang tadhana. Siguro, yun talaga ang katotohanan ng buhay. Ang kailangan lang natin gawin ay tanggapin ito.
Naiintindihan mo ba ko? O sige na nga. Basahin mo na lang ang diary ko. Para maintindihan mo ko. Labyu!
//.
Di ko alam kung san ba ko dadalhin nito. Basta ang alam ko lang nagpopped out of nowhere ang ideya ng diary na to. Sana maayos ko ang ganap. Tatapusin ko muna to at i-oonhold ko muna ang mga story kong nakabinbin.
Feel free to share your thoughts anyway! Im a newbie kaya please bear with the errors. Haha.
Labyu!
@shaicoticraine :)
BINABASA MO ANG
Diary ng Brokenhearted (Para kay Ex)
General FictionPara sa lahat ng nagmamahal, minamahal, na friendzone, na kimzone, nabigo, lumuha, na depress, nasaktan pero nagpapakatanga, martir at lahat ng nabubulag sa pag-ibig. Eto na. Eto ang diary mo. #WhoGoat