Entry no. 2

83 2 0
                                    

Dear Ex,

Late na kong nagising ngayon. Kaya ang ending, di na lang muna ako pumasok. Naisip na naman kita.

Masyado kasi akong nasanay na andyan ka. Yung maaga kang pupunta sa apartment ko para gisingin lang ako at sabay tayong pumasok. Yung kikilitin mo ko hanggang sa pakiramdam ko mamamatay nko sa kakatawa. Tapos bubuhatin mo ko papasok sa banyo at bubuhusan ng tubig. Grabe ang saya ko noon. Ang sakit lang, kasi alaala na lang yun ngayon.

Nasan ka na ba?

Nasan na yung lalaking nangako sakin na kahit di man ako naniniwala sa forever e ipapakita saking meron nun? Nasan na yung yumayakap sakin pag nalulungkot ako twing naaalala ko si nanay? Nasan na yung solid fan ko na laging nanjan para sumuporta sa mga achievements ko? Yung kakantahan ako para lang mapangiti ako? Yung kahawak kamay ko? Nasan na? Nasan ka na?

Alam ko sinabi ko sayong kaya kong wala ka. Na di lang ikaw ang lalaki sa mundo. Na walang akong paki mawala ka man sa buhay ko. Pero sinungaling ako.

Di ko kayang wala ka. Oo nga at di lang ikaw ang lalaki sa mundo pero ikaw lang ang gusto ko. At sobrang nasasaktan ako ngayong wala ka na sa buhay ko.

Di ko matanggap.

Di ko matanggap yung katotohanang wala ka na. Yung wala nakong kasabihan ng walang kamatayang "ilove you". Yung wala nakong kayakap pag malungkot ako. Yung wala ng hahawak sa kamay ko at magsasabing "kaya mo yan" pag kinakabahan ako. Wala na.

Wala ka na.

Ang hirap palang magpanggap na okay lang kahit hindi. Pakiramdam ko di lang iba ang niloloko ko kundi pati sarili ko. Sobrang gulo ng buhay ko. Di ko alam pano aayusin, pano lilinisin. Paano ba?

Paano ba magpatuloy ng buhay ng wala ka? Nasanay akong sa bawat araw na ginawa ng Diyos kasama kita. Nasanay akong ikaw yung laging nanjan. Masyado akong nasanay sa presensiya mo na ngayong wala ka na, hinahanap tuloy kita. Pakiramdam ko, di ako buo pag wala ka.

Ang hirap pala ng wala ka.

Ang hirap pala. Sobra.

Di ko ata kaya.

-

Diary ng Brokenhearted (Para kay Ex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon