Entry no. 3

36 0 0
                                    

Dear Ex,

Nakita kita kanina. Ang laki ng ngiti mo habang nakaakbay ka sa hipong yun at magkaholding hands kayo tulad ng ginagawa natin dati tuwing magkasama tayo.

Ang unfair lang.

Habang ako - nahihirapan, nasasakatan, gabi gabi ka iniiyakan - nagpapakasaya ka lang pala kasama ang isang hipon na ngayon ko lang nakita.

Siguro nga sexy sya. Malaki ang boobs nya at napakakinis nya. Pero maganda naman ako di hamak sa kanya. Makinis din ako at may maipagyayabang din nnaman ang boobs ko.

Pero bat ganun? Bakit all those years na magkasama tayo pinagpalit mo lang sa anak ng dagat na hipon na yan? Bakit all those years ngayon mo lang napansin na di pala ako yung gusto mong forever ng buhay mo?

I mean, pwede naman two days after maging tayo o two weeks o two months pero bakit two years mo kong pinaasa? Okay sana kung mas maaga aga kasi sana di masyado masakit. Hindi yung ganito na halos di ko na alam pano pa ko hihingi at mabubuhay na away ampeg sayo.

Grabe ang sakit.

Dumaan kayo sa harapan ko pero ni hindi mo man lang ako tinapunan ng tingin. Habang yung punyemang hipon na yun tumingin sakin at umismid. Hah! Kala naman nya. Anak pa rin sya ng dagat! Pangit pa rin sya at di nya ikinaganda kung naging kayo man. Bwisit!!!

Habang papalayo kayo, may na realize ako. Kailangan na kitang i let go kahit mahirap. Kahit masakit.

Paalam na.

Mahal kita.

-

Diary ng Brokenhearted (Para kay Ex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon