Entry no. 1

110 1 0
                                    

Dear Ex,

Ang hirap pala ng ganito. Yung gustong gusto kitang makita at makausap pero di ko magawa. Yung gusto kitang yakapin hanggang makatulog ako pero wala ka. Yung gusto kitang itext pero alam ko namang di ka magrereply.

Pwede bang dito ka na lang ulit sa tabi ko? Namimiss ko na kasi yung pangungulit mo, pang aasar mo, pag aalala, pag aalaga at pagmamahal mo. Yung ngiti mo twing nakikita mo ko; yung tawa mo twing inaasar mo ko; yung simangot mo pag di kta nasipot sa usapan natin; yung bawat anggulo ng mukha mo.

Miss na kita.

Di ko alam na ganito pala kasakit yun. Alam mo yun? Expected ko na naman na mangyayari at mangyayari talaga to pero di ko namqn expected na this soon. Di man lang ako tinext ni kupido. Yan tuloy, ang sakit sakit hanggang ngayon.

Ako yung taong matapang e diba? Bago kita nakilala, bumuo ako ng pader para sa sarili ko at sa mga lalaking tulad mo. Sabi ko, hinding hindi ako matutulad kay nanay na nagpakatanga't namatay dahil sa letseng pag-ibig na yan. Pero ng dumating ka, unti unti yung gumuho.

Iniba mo ang life's perception ko. Sinira mo ang mga plano ko. You came out of my schedule. And maybe that's why you also left out of my schedule. Di ako handa. Di ako naging girl scout. Kaya masakit. Wala kong dalang first aid kit. At hanggang ngayon di pa rin ako nati-treat.

Naging mahina ako. For the first time since namatay si nanay, umiyak ulit ako, naghina ulit ako. Dumating ka kasi sa punto ng buhay ko kung saan di ko na makilala ang sarili ko. Kung saan wala nang ako.

Nang dumating ka, binigyang buhay mo ulit yung namatay kong mundo. Ikaw yung naging ilaw ko, sayo dumepende ang buhay ko. Kaya ngayong wala ka na, di ko maisip isip kung pano ulit bubuoin ang pagkatao ko.

Wala na namang ako.  Gumuho na naman ang mundo ko.

Pero mahal pa rin kita.

Kaya ang sakit parin.

Ang sakit.

Sobra.

Bumalik ka na.

-

Diary ng Brokenhearted (Para kay Ex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon