HBS V: Love Me

78.4K 893 23
                                    

Copyright © 2015 Sinyorakate/ Diyosangwriter.

No portion of this book may be reproduce or transmitted in any form or by any means without written permission from the original copyright holders. This book is a work of fiction. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

HOT BACHELOR SERIES V: Love Me

SIMULA

Sabi nila katangahan ang pagmamahal ng sobra pero masusukat mo ba kung sobra o hindi ang pagmamahal na binibigay mo? Kapag ba sobra na tutunog ang puso mo at sasabihing tumigil ka na? Hindi naman 'di ba?  Bakit ganun? Bakit parang mali? Bakit parang kasalanan ang pagmamahal?

Nagmahal ka lang naman. Walang mali doon 'di ba?

Akala ko dati magiging fairytale ang story namin ni Uno o kaya katulad ng nababasa ko na pagkatapos ng isang napakalaking heartbreak ay marerealize niya na ako ang mahal niya at hindi si Ysa o kung sino mang babae pero naranasan ko na lahat ng klase ng heartbreak mula ng minahal ko siya at magpahanggang-ngayon, hindi parin ako ang laman ng puso niya.

Titigil na ba ako? Paano? Pwede ko bang turuan ang puso ko na h'wag na siyang mahalin pa?

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Napapagod na ako. 

Gusto ko rin naman na maging masaya para sa kaniya kasi napakasaya niya kay Ysa pero bakit dinudurog ang puso ko? Bakit ang sakit sakit?

"Tanga ka ba talaga, Hera? Tara na. Iuuwi na kita" Sabi sa akin ni Kristian pero nanatili parin akong nakatayo at pinapanood ang taong mahal ko kasama ang taong mahal niya. Yeah, mahal niya. Painful isn't it?

Gusto ko lang naman kasing mahalin niya ako. Gusto ko lang naman maging masaya sa kaniya. Kailan ba magiging ako?

"Why can't he love me, Kristian? Bakit hindi nalang ako!" sabi ko sabay ng pagpatak ng luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Ilang beses ko din naman kasing sinubukan na tanggalin ang nararamdaman ko pero mahirap dahil kahit anong ikot ng mundo ko bumabalik balik ako sa kaniya. Bumabalik ako parati sa kaniya. Sino bang gustong masaktan? Sino bang gustong magpaka-martyr? Sino bang gustong magmukhang tanga sa mata ng ibang tao? Wala. 

"Hindi ba ako maganda? Kristian anong meron si Ysa na wala ako? Anong meron sa lahat ng babaeng minahal niya na wala ako at bakit hindi niya ako mahalin katulad nila? Nagmamahal lang naman ako pero bakit ang sakit sakit na?" halos pabulong ko nalang na sinasabi ang mga katagang iyon. "Bakit hindi niya ako makita? Bakit hindi ako?"

Maya maya ay naramdaman kong niyakap niya ako. Ayoko na. Sawang sawa na akong masaktan.

"May mga bagay talaga na kahit ibigay mo ang lahat, kahit makipagpatayan ka para lang makuha at kahit isakripisyo mo na lahat ay hindi parin mapupunta sa'yo. Tama na, Hera. Sumuko ka na. Wala ka ng laban" 

Kahit kailan naman hindi ako nagkaroon ng laban. Kahit kailan naman hindi niya ako tinignan katulad ng tingin niya sa ibang babae. Ako lang si tanga na umaasa at nagmamahal parin. Gusto kong isigaw iyon kay Kristian pero pagod na pagod ako. 

Parati nalang akong umaasa na mapapansin rin niya, umaasa na maambunan niya ng pagmamahal, umaasa na ako naman at umaasa na mahalin niya.

"Why can't you stop? You look so stupid, Hera! Tama na!" tinignan ko siya ng masama.

"Nasasabi mo 'yan kasi hindi mo alam kung anong nararamdaman ko! Nasasabi mo 'yan kasi kahit kailan hindi ka pa nagmahal katulad ng pagmamahal na nararamdaman ko. Nasasabi mo 'yan kasi tingin mo laro lang lahat! Nagmumukha akong tanga pero hindi ko naman ginusto 'to!" pinalis ko ang luha ko at inirapan siya.

"You think that? You're so stupid Hera Artemis?" napatitig ako sa kaniya ng sabihin niya 'yon. 

Pain is mirrored in his eyes na para bang sobra sobra na siyang nasasaktan. Muli kong pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng palad ko habang nakatitig parin sa kaniya. Kitang kita ko ang sarili ko sa kaniya. Kitang kita ko si Hera, ang babaeng sobrang tanga pagdating sa pag-ibig.

"Kung gaano ka nasasaktan, Hera. Doblehin o triplehin mo ang sakit na nararamdaman ko. Kasi hindi ko magawang sabihin sa kaniya na mahal ko siya kasi may mahal siyang iba" nakatitig lang siya sa akin habang sinasabi ang mga katagang iyon. Gusto kong umiwas ng tingin pero di ko magawa. Parang may humihila sa akin na tignan siya at pakinggan ang mga sasabihin niya.

"Bakit ba kasi tumitingin ka pa sa iba, hera? Narito ako na kaya kang mahalin, triple ng pagmamahal mo sa kapatid ko! Hindi ko alam ang nararamdaman mo? Hindi ko alam kung paano magmahal? T*ng*na, Hera. Mahal na mahal kita pero kailan mo nakita 'yon? Habang nagpapakatanga ka kay Uno, nagpapakatanga ako sa'yo. Ang manhid mo." 

Kumurap ako ng ilang beses. Para akong naputulan ng dila dahil wala akong masabi. 

"Kung may tao mang alam kung ano ang nararamdaman mo, ako 'yon Hera. Kasi kahit gaano na ako nasasaktan  habang tinitignan kang nakatingin sa iba, heto parin ako at nagmamahal sa'yo. Para akong baliw na umaasa na sana balang araw, iiyak ka rin sa akin hindi dahil nasasaktan ka ni Uno kundi dahil masaya ka sa akin, na kapag niyayakap mo ako ay hindi dahil umiiyak ka kundi dahil mahal mo ako. Kung tanga ka, anong tawag mo sa akin?"

"Nandito ako, Hera. Mahal ka at baliw na baliw sa'yo pero hindi mo magawang makita. All I want is for you to Love me pero wala kang ginawa kundi mahalin siya. Ngayon sabihin mo sa'kin. Hindi ko ba alam ang nararamdaman mo? Ang pagkakaiba lang natin, kahit gaano kita kamahal, hinding hindi ko ipipilit ang sarili ko sa'yo kasi alam kong kahit na kailan ay hindi ako sasapat sa'yo."

"K-Kristian..." hindi ko alam ang sasabihin ko. 

Nawalan ako ng boses ngunit patuloy na bumabagsak ang mga luha ko. Impit akong napahikbi ng pumatak ang luha sa mga mata niya. Bakit hindi ko nakita?

"My father told me not to feel jealous. Masama daw kasi iyon but you know what, selos na selos ako kay Uno hindi dahil sa kung anong meron siya, kundi dahil mahal mo siya at kaya mong gawin ang kahat para sa kaniya."

Dela Marcel IV: Kristian FourthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon