Two

28.4K 623 11
                                    

Chapter Two


Tinitigan kong mabuti ang singsing na nakasuot sa palasingsingan ko. Ayaw nitong matanggal. Simula ng magising ako sa ospital pagkatapos ng aksidente ay ito at ito lang ang bagay na hindi nawala sa akin. Ano kayang meron dito? Misteryo parin kasi sa akin ang katauhan ko. Hanggang ngayon ay ang alam ko lang ay ang pangalan ko at may anak akong tatlong taong gulang palang. Kahit ano kasing sabihin nila about sa akin ay hindi ko maramdamang nangyari sa akin 'yon.

Even this place does not have the sense of familiarity. 

"Tinitignan mo na naman iyan" lumingon ako kay Tita Maira bago bumalik sa pagtitig sa singsing.

"Kapag nakikita ko po kasi siya parang hinihila niya ako na muli siyang tignan. Parang may pinapahiwatig siyang hindi ko maintindihan" bumuntong hininga ako at tsaka binaba iyon.

"Tandaan mo, hija. Lahat ng bagay may dahilan. Kung wala ka pang naaalala hangang ngayon, ibig sabihin ay hindi pa Niya pinahihintulutan iyon na malaman mo. Makakaalala ka rin" hinawakan ni Tita Maira ang kamay ko at kiming ngumiti.

Nang magising ako ay siya na ang nakita ko at may anak na ako. Isang taon mahigit akong naka-coma kaya hindi ko daw naaalala ang mga nangyari. Tuwing nakikita ko ang anak ko. May mga blur na alaala akong nakikita. May boses na naririnig hangang sa sumakit ang ulo ko. Ganoon palagi.

"Hinahanap ka na ni Kian, hija" tumango ako tsaka inipitan ang buhok ko bago lumabas.

Maging ang tatay ng anak ko ay hindi ko maalala. Wala lahat. Minsan iniiyak ko nalang ang frustrations ko pero kapag nakikita ako ng anak ko ay itinitigil ko kasi nagagalit siya. Ayaw niya daw kasi akong umiiyak.

Bumaba ako at agad kong nakita ang anak kong nakaupo sa mesa at nakasimangot. Kunot na kunot ang makapal niyang kilay. Minsan ay nagtataka ako kung bakit parang asul ang mga mata niya. Hindi ko alam kung saan nakuha. Sa ama niya kaya? Ibig sabihin ba noon ay foreigner siya?

"Mama! Stop staring and sit beside me!" madiin nitong sabi. Hindi ko alam kung saan nito napulot ang pagiging bossy nito. Mainitin ang ulo nito, napaka-baba ng pasensiya. Ayaw nitong hinahawakan ako ng mga lalaki kahit na bata o matanda.

"Yes, Baby" sagot ko at umupo sa tabi niya. Hindi siya tulad ng ibang bata. Ayaw niyang nakikipaglaro at sa akin niya lang pinapakita ang mga batang galaw niya. Minsan naiisip ko, mas matanda pa siya sa akin kung mag-isip.

"Mama hindi na po ako baby!" asar niyang sambit. Tumawa ako at ginulo ang buhok niya. 

Tahimik lang kaming kumaing tatlo nila tita. Siya lang kasi ang nakamulatan kong pamilya. Wala na daw ang Mommy at Daddy ko. Nag-iisa daw akong anak at si Tita nalang ang pamilya ko. Marami akong tanong pero kapag sinisimulan ko ay dinadaan niya ako sa malalalim na salita hanggang sa pagod na daw ito o nahihilo at ano pang ibang dahilan.

"Mama, I'm done" ngumiti ako dahil tapos na din ako at maging si Tita.

"Mukhang marami ata ang tao sa Hidalgo Resort ngayon. Maaari mo bang kunin sa sekretarya ko ang Financial report ng buwan? Sumasakit kasi ang balakang ko" mabilis akong tumango. Nagpatawag ng maid si Tita at sinamahan ako ni Kian na pumunta sa Hidalgo Resort.

May malawak kaming Hacienda. Pagpasok mo ay unang bubungad sa'yo ang manggahan namin bago ang bahay. Sa likod ay ang nakahilerang bahay ng mga alagang kabayo. Kumuha ako ng isa at inangkas si Kian. Medyo malayo kasi ang resort. Dadaanan mo pa ang napakalaking palayan bago mo matatagpuan ang malaparaisong lugar ng Santiago na kung saan makikita ang falls. Nanggagaling ang tubig sa mataas na burol na hangganan ng Rancho Hidalgo. Ang falls at ang lawa sa baba nito ay pinatayuan namin ng maliliit na cottage at ginawan resort. Marami naman ang turistang dumarayo kaya kahit papaano ay kumikita kami.

"Mama sandali lang!" mabilis kong hininto ang kabayo at kunot noong tinignan si Kian.

"Mama, ibaba mo po ako" siryosong sabi niya kaya naman ibinaba ko na siya. Tatanungin ko sana siya kung anong gagawin niya ng bigla itong tumakbo doon sa batang babaeng nakaupo sa damuhan at umiiyak. Kunot noo ko silang tinignan.

"Bata, Bakit ka umiiyak?" tanong ng anak ko.

"Ayaw nila ako sama. Ayaw nila ako kalaro" sabi nito sabay turo sa mga batang naglalaro di kalayuan. Napansin kong naningkit ang mga mata ni Kian at nilahad ang kamay sa batang babae.

"H'wag ka ng umiyak. Ako nalang kalaro mo. Tahan na. Mamaya punta ka doon sa malaking bahay. Hanapin mo ako doon at maglalaro tayo-"

"Pero sabi ng Nanay ko bawal ako doon. Hindi daw pwede pumunta doon dahil baka magalit ang mga amo-"

"Tsk. Pupunta ka doon mamaya. Hihintayin kita. Kapag hindi ka pumunta tatanggalin ko sa trabaho ang nanay mo, understand?" walang nagawa ang batang babae kung hindi tumango. Ngumiti ako at lalapitan sana sila ng bigla nalang sumakit ang ulo ko. Huminto ako at pumikit.

"Hera! Tama na! Nasasaktan ka na! Hayaan mo na si Kuya! Let him be happy. Masyado ka ng selfish!"

"Hindi pwede Kristian! Hindi! Akin lang siya, akin lang. Bakit ba hindi niya ako magawang mahalin? Ano bang mali? Ano bang kailangan kong gawin? Do I need to change everything I am para magustuhan niya lang?" umiyak na sabi ng babae. Niyakap ito ng lalaki.

"No! Tanggapin mo na hindi ka na niya mahal! Iyon, Hera ang gawin mo!" kumawala ang babae pero hindi ito makaalis.

"Sabi mo tutulungan mo ako, eh. Sabi mo gagawin mo lahat para mahalin ako ng kuya mo! Nangako ka, Kristian! Nangako ka!" sigaw ng babae.

"Nangako ako pero hindi ko na kasalanan kung hindi ka talaga niya mahalin. Ginawa mo na lahat! Wala na tayong magagawa kung iba ang mahal niya. Kahit anong gawin mo kung ayaw tumibok ng puso niya para sa'yo, wala kang magagawa-"

"Mama? Mama anong nangyayari sa'yo?  Mama bakit ka namumutla!" huminto lang ang blur na nag-appear sa utak ko ng marinig ko ang boses ni Kian. 

Naramdaman kong yumakap ang maliliit nitong braso sa akin. Yumakap din ako sa kaniya na parang sa kaniya humuhugot ng lakas pero ng muling sumakit ay hindi ko na napigilang hindi mapatili.

Iyak ng iyang ang anak ko habang yakap yakap ko siya.

"Mama! Mama, what's wrong? Mama" iyon nalang ang narinig ko bago tuluyang kainin ng dilim ang buong paligid ko.

Dela Marcel IV: Kristian FourthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon