Chapter Four
"Ano na namang ginagawa mo dito?" singhal ko ng pumasok ang lalaking may asul na mata.
Simula ng gabing iyon ay hindi na niya ako tinantanan. Kung hindi ko siya makikita sa resort ay pupunta naman siya dito sa bahay. Kahit pinagbawal kong pumunta siya dito ay nakakahanap parin ito ng paraan para makapasok.
Sumandal siya sa pintuan ng kwarto ko at tinignan lang ako na para bang nagbibiro ako sa paningin niya. Sumilip ito sa loob kaya napalingon din ako. Tulog na tulog si Kian habang yakap yakap ang stuffed toy nito.
"He's not yours" sabi ko na.
Pinangungunahan ko na siya dahil iyon ang parati niyang dinadahilan tuwing pumupunta siya. Na anak niya si Kian at dinadalaw lang niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ka-gaan ang nararamdaman ko sa kaniya na para bang matagal na kaming magkakilala. Minsan ay mas magaan pa ang pakiramdam ko sa kaniya kaysa kay Tiya. Natatakot lamang ako dahil baka kunin niya sa akin ang anak ko.
"Paano mo ipapaliwanag ang pagkakahawig niya sa akin? Parehas kami ng mata Hera-"
"Heart ang pangalan ko! Heart Hidalgo at hindi Hera!"sabi ko pero dumilim ang mukha niya at hinawakan ng mahigpit ang magkabilang braso ko. Napa-igik ako sa sakit pero hindi ako umarya. Ayokong isipin niyang natatakot ako sa kaniya.
"Hindi ko alam kung bakit Heart ang pagpapakilala mo sa amin. Hindi ko din alam kung bakit ka nagpapanggap na wala kang naaalala, Hera pero isa lang ang alam ko. Iniwan mo ako kahit na nagmakaawa ako sa'yong wag mo akong iiwan. Umalis ka kahit sinabi ko sa'yong ayokong mawala ka. Tinago mo ang anak ko kahit alam mong pangarap kong magkaanak sa'yo! Pangarap kita, Hera! Ano bang ginawa ko para saktan mo ako ng ganito?"
Gusto kong mapaatras dahil sa takot sa kaniya pero hindi ko magawa dahil hawak niya ako. Yumuko siya at at bigla nalang tumulo ang luha niya. Kumurap kurap ako at hindi ko alam kung bakit sinisigaw ng isip kong hawakan ko siya at aluin. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan akong nakikita siyang nagkakaganiyan. Kung sana naaalala ko talaga siya. Kung sana...
"Hindi ako nagpapanggap. Hindi kita kilala. Hindi kita maalala. Wala akong naaalala. Nagising nalang ako sa hospital tapos sabi ni Tita ay pamangkin niya ako at may anak ako. Kung sana naaalala kita. Kung sana nga kilala kita at ang mga nangyari pero hindi. Hindi ko alam kung bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko sa'yo pero natatakot ako." tumingin siya sa akin at napakagat nalang ako sa labi ko ng makita ang basang basa niyang pisngi.
Pumunta doon ang kamay ko at pinunasan ang pisngi niya. Pumikit siya ng dumampi nang kamay ko sa pisngi niya. Napaatras ako ng maramdaman ang kuryente ng dumikit iyon pero hindi ko nagawang tanggalin ang kamay ko dahil pinatungan na niya iyon ng kaniyang kamay at mas lalong idiniin sa kaniyang mukha.
"Ipapaliwanag ko sa'yo lahat. Ang Tita na sinasabi mo ay hindi mo Tita, Hera. Hindi kayo related at matagal ka ding hinahanap ng totoo mong mga magulang pero-"
"Anong pinagsasasabi mo? Patay na ang parents ko. Si Tita nalang ang-"
"Hindi ko alam kung anong ipinakain niya sa iyo para maniwala ka pero hinanap ka ng mga magulang mo. They died recently because of an accident but they looked for you. Namatay sila na hindi ka man lang nila nakikita. Everyone thought that you're dead." umiling iling ako at nanghihinang umupo sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Nagulat ako ng umupo siya sa harapan ko at ilahad ang cellphone niya. HIndi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa kaya ako lumingon sa kaniya. Tinignan niya ang cellphone at nilapag sa legs ko. Nakita ko ang mukha ko doon- babaeng kamukhang kamukha ko. Nakangiti ito habang nakayakap sa kaniya mula sa likuran dahil naka-piggy back ride ang babae. Maigsi ang buhok nito at hindi kagaya kong mahaba. Nilipat ko iyon at nakita ko ang sarili kong yakap ang isang medyo matandang babae na kamukhang kamukha ko at isang lalaking medyo matanda din na nakaakbay sa amin. Marami pa ang larawan na iyon at habang tinitignan ko iyon ay lalong lumalakas ang nararamdaman kong paniwalaan siya.
"Ikaw si Hera Artemis Go. Anak ka ng isang Chinese businessman. Nag-iisa ka nilang anak kaya ng mawala ka ay halos mabaliw na si Tita sa kakahanap sa'yo. Kung totoo mang nawala ang memorya mo, maniwala ka kasi sa lahat ng tao ako ang kahit kailan hindi bibitaw sa'yo at hindi magsisinungaling sa'yo." tinignan ko siya at binalik ang tingin sa cellphone. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.
"Suot mo pa pala?" napatingin ako sa kaniya ng sabihin niyan iyon. Tinignan ko ang tinitignan niya at ang singsing na suot suot ko ang tinititigan niya. Kumunot ang noo ko at inangat iyon.
"Bakit? Anong meron sa singsing na ito?" tanong ko sa kaniya.
Tinitigan niya ako at bumuntong hininga. Hinawakan niya ang kamay ko at nagulat ako ng dalhin nito iyon sa bibig at halikan kung saan nakalagay ang singsing.
"Ano bang ginagawa mo!"
"Ako ang naglagay nito sa kamay mo." sabi niya.
Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya at sa singsing ng pabalik balik. Siya ang fiancé ko?
"Hindi mo alam na nilagay ko ito sa kamay mo. Ayaw mo itong tanggapin kaya ko nilagay ng palihim." sabi niya na lalong nagpakunot ng noo ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko.
"Bakit ko naman hindi tatanggapin? Ang ganda ng singsing" sabi ko.
Malungkot itong ngumiti at tumitig sa akin. Para itong nagdadalawang isip na sabihin kung ano man iyon. Tumayo ito at iyon ang ikinagulat ko. Kinuha niya ang cellphone at hinalikan ako sa noo bago lumapit kay Kian at hinalikan rin ang noo bago pumunta sa balcony kung saan ito umakyat kanina. Doon lang nag-sink in sa akin na aalis na siya. Agad akong lumapit at hinawakan siya sa braso ng mahigpit.
"Marami pa akong tanong. Kailangan mo akong sagutin." sabi ko pero umiling siya tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniya.
"Ako ang may hawak nito at hindi ikaw, Hera. Kung gusto mong malaman lahat sasama ka sa akin ngayon pauwi ng Manila. Kasama ang anak natin. Kung gusto mong malaman lahat, willing akong sabihin at dalhin ka sa lugar kung saan nangyari ang mga nangyari pero isa lang ang kundisyon ko. Sumama ka sa akin dahil hindi ko iyon magagawa dito-"
"Paano ko malalaman kung nagsasabi ka ng totoo!" sabi ko. Tumitig siya sa akin at humarap bago tinuro ang puso ko.
"Sabihin mo man sa hindi alam kong naniniwala ito. Kaya man kaming kalimutan ng isip mo, hindi kami kayang kalimutan nito. Mararamdaman mo naman kung totoo, Hera." napahawak ako sa puso ko na mabilis ang tibok.
Noong si Tita ang nagsasabi sa akin ng tungkol sa sarili ko ay hindi ito nangyari. Ni hindi ko nga maramdaman ang familiarity sa mga bahay at lugar na kinukwento niya pero itong lalaking ito na may asul na mata, wala pang isang buwan kong kilala pero ramdam na ramdam ko na totoo ang mga sinasabi niya. Natatakot lang ako kasi paano kung totoo nga.
Namatay ang mga magulang ko kakahanao sa akin. Ni hindi ko man lang sila nakita.
"I don't have all day, Hera. Sasama ka o hindi?" kinagat ko ang labi ko at tumingin kay Kian at sa buong kwarto.
Hindi ko maramdaman na at home ako sa bahay na ito. Natatakot ako pero nararamdaman kong tama ito. Pumikit ako bago tumango. Sana lang tama ang desisyon ko.
Ngumiti siya. Muli kaming pumasok sa kwarto. Gamit ang cellphone niya ay tumawag siya.
"Fix his things- wait. Hindi na pala. Bukas na bukas din ay ibibili ko siya." nanatili akong nakatitig sa kaniya. Lumapit siya sa akin. Aatras sana ako pero nahagip niya ako.
"Thank you for coming back to me, Hera."
BINABASA MO ANG
Dela Marcel IV: Kristian Fourth
BeletrieDela Marcel Series: Kristian Fourth Dela Marcel Story by Diyosangwriter Cover by CookieMallows