Cleo
Kanina pa ko imbiyernang-imbiyerna dahil sa kakulitan nina Melissa at Sandra. Paano naman kasi sa dinarami-dami ng puwedeng pagtripan ng mga ito sa araw na iyon ay ako pa ang napagkatuwaan ng dalawa. Kaya naman sa halip na nagmimeryenda ay heto ako at hinahanap ang mga ito. Malalagot talaga sa akin ang dalawang iyon.
Nakasalubong ko pa nga sa pasilyo si Nikka na isa ko ring pinsan.
"Did you see Mel and Sand, Nik?" tanong ko.
"No, baka nasa garden sila. Bakit? May ginawa na naman bang kalokohan ang dalawang iyon?"
"Sinabi mo pa," konsumisyon na saad ko.
"Bakit ano na naman ba ang ginawa ng mga malditang 'yon?" tawang -tawang tanong ni Nikka.
"Kinuha lang naman nila ang paborito kong bag," medyo inis na saad ko.
"And why?" curious na tanong nito.
"Kinukulit kasi akong makipag-date sa kaibigan daw nila."
"And?"
"I said no, kaya hayun tinangay ang bag ko."
"Really," amused na reaksyon ni Nikka
"Nakakapikon na nga, kapag ako hindi nakapagpigil sasabunutan ko ang dalawang 'yon," napipikon na saad ko.
"Bakit kasi hindi muna lang pagbigyan, after all it just a date," saad nito.
"What! No way, hindi ko naman kilala kung sino ang gusto nilang ipa-date sa akin malay ko ba kung drug adik iyon o di naman kaya psychopath," buong igting kong pagtanggi.
"Kaibigan naman yata nina Mel at Sand, right?" giit ni Nik.
"Kahit na," pagtanggi ko pa rin. "Never akong makikipag-date sa lalaking hindi ko naman kilala."
"Anong gagawin mo ngayon? Tiyak na hindi ka titigalan ng dalawang 'yon hangga't hindi nila nakukuha ang kanilang gusto."
Lalo akong napasimangot sa sinabi ni Nikka. Totoo kasi ang sinabi nitong hindi ako titigilan nina Mel at Sand hangga't hindi ako napapapayag kaya nga kinidnap ng mga ito ang paborito kong bag.
"C'mon, Cleo pagbigyan mo na ang dalawang 'yun hindi ka naman siguro nila ipapahamak sa isang taong hindi mapagkakatiwalaan. Gusto lang siguro nila na magka-boyfriend ka na kaya inihahanap ka."
"Isa ka pa!" singhal ko na ikinapabungisngis pa nito.
Sa halip na kausapin ko pa muli ito ay inis na tinalikuran ko na lang ito at nagpatuloy sa paghahanap sa dalawang kong makulit na pinsan. Sa buong pamilya namin lahat ng pinsan ko ay babae ako ang nag-iisang lalaki sa pamilya kaya laking tuwa ng lahat ng ipinanganak ako pero hanggang sa lumalaki ako lalaki man akong isinilang pusong babae naman ako. Tanggap naman ako ng buong pamilya namin at lahat sila naka-suporta sa akin.
Hanggang sa wakas ay makita ko na rin ang dalawang iyon na nasa may garden at masayang nagmimeryenda kasama ang tatlo pa naming pinsan na sina Bella, Lara at Celine. Agad ko namang nilapitan sina Mel at Sand.
"Where's my bag?" mataray kong sita sa mga ito.
"Ano daw," saad nina Mel at Sand na akala mo walang narinig sa sinabi ko.
Kaya naman piningot ko ang tenga ng dalawang pasaway na iyon.
"Ouch," sabay na angal ng mga ito.
"Hindi ko kayo bibitawan hangga't hindi ninyo ibinibigay ang bag ko."
"Ano na naman ba ang problema ninyong tatlo diyan," sitang tanong ni Bella sa amin.
"Ang dalawang ito kasi," napipikang sumbong ko. "Kinuha ang bag ko tapos ayaw pang ibalik sa akin."
"Ano ba 'yan Melissa bakit ayaw mong ibalik yung bag ni Cleo," tanong pa muli ni Bella.
"Ayaw niya kasing pumayag makikipag-date lang naman siya," nakangiwing saad ni Mel dahil pingot ko pa rin ang tenga nito.
"Sabi ng ayoko nga! Bakit ba ninyo ako pinipilit?" inis na saad ko.
"Bakit nga kasi ayaw mo?" balik tanong ni Sand
"Basta ayaw ko tapos! Now where's my bag?" muling tanong ko.
Walang tumutugon sinuman kina Mel at Sand tipong balak talaga ng dalawa na makipagmatigasan sa akin.
"Ano ba? Galit na talaga ko!"
Wala pa rin talagang kumikibo sa dalawa at panay lang tinginan ng mga ito. At sa wakas sa pagkakataon ring iyon ay nakialam na si Celine.
"Mel, Sand ilabas ninyo na ang bag?" Maawtoridad na utos nito sa dalawa habang sina Bella at Lara ay napapangiti na lamang.
"Cleo, wala naman sa ami---," hindi ko na pinatapos pa ang anumang sasabihin ni Sand
"Huwag ka nang magsinungaling," putol ko sa anumang sasabihin nito.
"Girls, sige na ibigay ninyo na," malumanay na utos ni Celine
"Okay, okay, ibabalik ko na," napipilitang saad ni Sand.
"Give it now," mariing saad ko
"Oo na, basta't bitawan mo lang ang tenga ko at baka maputol na yan sa sobrang tulis ng kuko mo," saad ni Sand.
At saka ko lamang nga binitawan ang tenga ng dalawa.
"Ang talim ng kuko mo," reklamo ni Mel habang hinihimas ang tenga nito.
"Mabuti nga sa inyo," nakalabing saad ko. "Now give me my bag," utos ko.
Wala na ngang nagawa sina Mel at Sand kundi ibigay ang bag sa akin.
"Sasamahan ka naman namin ni Mel, kaya naman pumayag ka na," hirit pa ni Sand na ayaw talagang sumuko sa pag set up sa akin ng date.
"Just this once, Cleo kung papayag ka bibili kami ng sampung damit sa boutique mo," segunda ni Sand.
Napataas naman ang kilay ko sa huling sinabi ni Sand na bibili ang mga ito sa Boutique ko ng sampung damit.
'Pumayag na kaya ako sayang naman yung kikitain ko dalawang ito, saka it's just a date'
"Fine, pumapayag na ako," saad ko.
"Yes," masayang saad nina Mel at Sand at hindi naman maitago ng dalawa ang tuwa sa pagpayag ko.
"But, kailangan bawat isa sa inyo bumili ng tag sampung damit sa boutique ko," nakangising saad ko.
Natahimik naman sina Mel at Sand sa sinabi ko.
"Pero---," hindi ko na pinatapos pa si Mel sa sabihin nito.
"Take it or leave it," saad ko.
Nagkatinginan naman ang dalawa sabay sabing pumayag ang mga ito sa gusto ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil naisahan ko sina Mel at Sand.
YOU ARE READING
Zaavedra Brothers Series 3: The Doctor's Love (BxB)
Romance"Bakit mo sinabi sa kanila na fiance kita, Cleo?" tanong agad ni Weston nang makapasok na kami sa office nito. "I was just helping you there, gusto mo ba palaging marinig na pinag-uusapan nila kung gaano ka nakakaawa dahil ipinagpalit ka ni Karen sa...