Teaser

335 17 2
                                    

"Bakit mo sinabi sa kanila na fiance kita, Cleo?" tanong agad ni Weston nang makapasok na kami sa office nito.

"I was just helping you there, gusto mo ba palaging marinig na pinag-uusapan nila kung gaano ka nakakaawa dahil ipinagpalit ka ni Karen sa traydor mong bestfriend."

'Grabe tinulugan ko na nga siya, wala namang masama sa sinabi ko bakit ba hindi na lang siya maging grateful at magpasalamat sa akin'

Napabungtung-hininga naman ito sa naging sagot ko.

"Alam mo bang dahil sa sinabi mo mas lalo lang nila akong pag-uusapan!" frustrated na saad nito.

"At least kahit pag-usapan ka man nila hindi na 'yun tungkol sa inyo ni Karen magiging tungkol nasa ating dalawa 'yun," nakangiti ko pang katwiran.

Napahilot naman ito ngayon sa sentido na tila ba sumasakit ang ulo nito sa pakikipag-usap sa akin.

"Bakit mo ba ko gustong makausap at sinadya mo pa talaga ako dito sa Hospital?" tanong nito.

"I wanted to tell you that I need you to pretend as my fiance," direkta at lakas loob pang saad ko.

Napahinto naman ito sa ginagawang paghilot sa sentido at gulat na napatingin sa akin na hindi makapaniwala sa sinabi ko. Ako man hindi makapaniwalang hinihingan ko ng tulong si Weston, at this point. Si Weston na kinaiinisan ko at itinuturing kong kaaway, talaga nga namang mapagbiro ang kapalaran.

"A-anong sinabi mo?"

"Duh, alam ko namang narinig mo ang sinabi ko at hindi ka pa ganoong katanda para maging mahina na ang pandinig mo," nakairap na saad ko.

Ilang segundo na tahimik si Weston sa sinabi ko na tila nag-iisip kung seryoso ba ang talaga ako sa aking sinabi. Baka nga iniisip na nitong nababaliw na ko. Kung may choice lang naman ako ayaw ko itong gawin kundi lang sa sinabi ng mga baliw kong pinsan kay Clark na engaged to be married na raw ako sa isang Weston Zaavedra.


Zaavedra Brothers Series 3: The Doctor's Love (BxB)Where stories live. Discover now