8 Years Ago
Cleo
Napuno ng tilian ng mga tagahanga ni Weston ang hallway nang mapadaan ito wala naman na kasing bago palagi naman nang ganoon ang senaryo tuwing napapadaan ito sa hallway. Hindi na rin lingid sa lahat ang pagiging malapit namin ni Weston. Kaya hindi na ko magtataka kung marami na rin akong haters dahil sa pagiging malapit namin.
"Grabe Cleo nakakainggit ka talaga!" saad ni Eloisa classmate ko na kagaya kong first year nursing student rin.
Nakakunot-noong hinarap ko naman ito. "At bakit ka naman naiinggit sa akin?" curious naman na tanong ko.
"Hello!!! sino ba namang di maiinggit sayo close na close kayo ni Weston Zaavedra na crush ng buong campus," tila kilig na kilig na saad nito.
"Ano namang nakakainggit dun? pasalamat nga ako wala pang nananabunut sakin o kaya naman nakakaisip na ipakulam ako," ani ko.
'So far, so good, buti na lang talaga at walang mga bayolenteng tagahanga itong si Weston paano na lang kaya kung meron parang hindi ko yata ma-imagine kung ano ang mga puwedeng mangyayari sa akin'
Well, talaga naman kasing sikat na sikat si Weston sa campus dahil sa tuwing magkasama kami ay palaging napapatingin ang mga babae at binabae rito. Nasa huling taon na rin kasi ng kursong medisina ito kaya naman ang iba ay di maiwasang malungkot dahil sa sususnod na taon ay hindi na nila pa masisilayan pa ang pinagpapantasyahan nilang si Weston sa Campus. Hindi rin naman kasi talaga maitatangging ang ka-guwapuhan taglay ni Weston bukod pa doon ay galing rin ito sa kilala at mayamang pamilya kaya naman pinagkaguluhan ito ng mga kababaihan at binabae.
At dahil nga alam ng lahat na malapit ako kay Weston marami ang lumalapit sa akin para makipagkaibigan. Actually, ginagawa nila akong tagabigay ng mga bagay na gusto nilang makarating kay Weston kagaya ng mga regalo tuwing birthday nito. Pero hindi lahat iyon tinatanggap ni Weston kaya naman minsan ako rin yung nakikinabang.
"Teka nga, don't tell me! pati ikaw may crush kay Weston," tanong ko.
"Well, sort of," sagot nito.
"May boyfriend ka na pero crush mo si Weston," hindi makapaniwalang saad ko.
"Real talk girl, sino ba namang hindi magkakagusto kay Weston Zaavedra na saksakan ng guwapo! at bonus pa na galing sa mayamang pamilya saka masama ba kung may crush ako sa kanya? paghanga lang naman yun at isa pa mahal ko ang boyfriend ko," mahabang saad nito. "Ikaw ba wala ka bang nararamdaman na pagka-crush man lang kay Weston sa tagal ninyo nang magkakilala?" dagdag na tanong pa nito sa akin.
"W-wala hindi ko siya crush, nakakatandang kapatid lang ang tingin ko sa kanya saka hindi lang naman ako kay Weston close pati sa mga kapatid niya," sagot ko.
"Oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ko dami mong sinabi, okay fine sabihin na nating naniniwala ako sayo na wala ka talagang crush kay Weston," saad ni Eloisa.
"Wala naman kasi talaga," giit ko.
Totoong close kami ni Weston dahil matalik na magkaibigan ang mga magulang namin kaya naman malapit talaga ako sa pamilya Zaavedra. Sa limang magkakapatid na Zaavedra kay Weston talaga ako pinakamalapit. Sa tagal naming magkakilala wala namang akong ibang nararamdaman sa tuwing magkasama kami kundi ang masaya lang akong nakakausap ito pero sapat na ba 'yun na basehan para magkaroon ako feelings para kay Weston.
'May crush nga ba ako kay Weston sa tagal naming magkakilala simula pagkabata humahanga na nga ba ako sa itinuturing kong nakakatandang kapatid'
"Oo, na nga di ba naniniwala ako sayo," saad nito.
Hindi ko na nagawa pang makahirit sa sinabing iyon ni Eloisa dahil dumating na ang professor namin. Matapos ang klase ay hindi ko inaasahan na nasa labas pala ng room namin si Weston at kagaya ng dati ay pinagtitinginan na naman ito ng mga babae at binabae na kilig na kilig dahil nasilayan na naman ng mga ito si Weston.
"Oh my God! nandito si crush," kinikilig na saad ni Eloisa. "Don't tell me, my date schedule kayong dalawa today? ikaw masyado ka talagang malihim sa lovelife mo," dagdag pa nito na may paghampas pa sa balikat ko.
"Loka ka tigilan mo nga iyang pag-iisip na may something sa aming dalawa uulitin friends lang kami at parang magkapatid kung magturingan isa pa hindi ko rin alam kung anong ginagawa niya dito," ani ko.
Wala naman kasi pasabi itong si Weston na magpupunta rito hindi man lang nagsabi kahit sana nag-text man lang.
"Ok fine, hindi na kita pipilitin kung ayaw mo talagang umamin mauuna na ako dahil may date pa kami ng boyfriend ko, bye," saad nito saka humakbang paalis.
"Anong ginagawa mo dito?" nakakunot-noong tanong ko kay Weston nang makalapit ako rito dahil wala naman kasi kaming napag-usapan na magkikita kami after my class.
"Gusto ko kasi magpasama sayo," sagot nito.
"Magpasama saan naman?" tanong ko.
"Sa Mall, don't you remember it's my mom birthday two days from now. Alam ko naman kasi close kayo ni mom at parehas ng taste sa lahat ng bagay," saad nito.
Hindi ko maiwasan mapangiti sa sinabi nito nang maalala ko si Tita Lucia. Nakakatuwa lang isipin na parang tunay na anak rin ang turing sa akin ni Tita at napakarami talaga kaming mga bagay napagkakasunduan daig pa nga namin ang tunay mag-ina.
"Oo, alam ko at ready na ang gift ko para kay tita," ani ko.
Makakalimutan ko ang birthday ni Weston pero hindi ang birthday ni Tita Lucia.
"Ang lakas talaga ni mommy kaya naman hindi talaga ako nagkamali ang puntahan ka ngayon," saad nito.
"Pero siyempre hindi libre yung pagsama ko sayo need mo kong itreat," sansala ko pa.
"Okay, fine walang problema pero huwag kang masyado magpalibre ang lakas mo pa naman kumain baka mauubos ang budget ko sayo," nang-aasar na saad nito.
"Kahit kailan talaga ang lakas mong mang-asar, huwag na lang kaya kitang samahan," asar na saad ko.
Aminado naman talaga akong malakas akong kumain pero dapat ba nito iyong ipamukha sa akin at kahit naman ganun hindi ako tumataba.
"Binibiro lang naman kita ang cute mo kasing maasar," nakangiting saad nito saka pinisil ang pisngi ko.
"A-aray ano ka ba masakit," ani ko na tinanggal ang kamay nitong nakapisil sa pisngi ko. "Puwede ba huwag mo ngang panggigilan ang pisngi ko," dagdag ko pa.
Todo ngiti pa ito kahit nakikitang naiinis na ako ewan ko ba pero kaligayahan na yata nitong si Weston ang makitang naaasar ako.
YOU ARE READING
Zaavedra Brothers Series 3: The Doctor's Love (BxB)
Romance"Bakit mo sinabi sa kanila na fiance kita, Cleo?" tanong agad ni Weston nang makapasok na kami sa office nito. "I was just helping you there, gusto mo ba palaging marinig na pinag-uusapan nila kung gaano ka nakakaawa dahil ipinagpalit ka ni Karen sa...