Cleo
Inihatid ako nang dalawa sa restaurant kung saan kami magkikita ng ka-date ko.
"In case you need us, nasa sasakyan lang kami," saad ni Sand.
"Make sure na hindi kayo aalis or else, sasamain kayo sa akin," banta ko sa dalawa.
"Don't worry, Cleo tinitiyak naming walang mangyayaring masama sayo," saad naman ni Mel. "But please, huwag mo naman sanang pairalin iyang katarayan mo para walang maging problema, okay," dagdag pa nito.
"I can't promise anything okay, kilala ninyo naman ako right pero sige susubukan ko," saad ko na lamang sa dalawa.
Pagkaalis nina Mel at Sand ay iginala ko ang tingin sa paligid.
"Good afternoon, ma'am," magalang na bati ng waitress sa akin.
Tinawag ako ng waitress na ma'am, well wala naman kasing mag-aakala na hindi ako tunay na babae, hindi naman sa pagmamayabang sabi nang lahat mas maganda pa ako sa tunay na babae. With my feminine look and featured na parang babae, and at the same time I do love crossdressing. Mas bagay kasi akin ang mga damit pambabae mas lalo lumalabas ang natural kong ganda.
"I have a meeting with Mr. Clark Aguirre, narito ba siya?" nakangiting tanong ko.
"Yes, ma'am, This way," aya sa akin ng waitress.
Dinala ako nito sa isang pandalawang mesa.
"Excuse me sir. Narito na po ang hinihintay ninyo," magalang na saad ng waitress sa lalaking nakaupo at nakatalikod sa amin.
Dahan-dahan naman itong lumingon at napangiti ito nang makita ako.
'Infairness, guwapo siya'
"You must be, Cleo it's nice meeting you," nakangiting saad nito saka hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.
Siguro ang ibang babae kikiligin sa gesture na ginawa ni Clark pero imbis na kiligin ako sa ginawa nito ay napataas na lamang kilay ko.
"It's nice meeting you too," pilit na ngiting saad ko.
Tumayo ito at ipinag-hatak ako nito ng upuan.
"Please be seated," alok nito.
"Thank you," pasalamat ko.
"I can't believe that finally you are here infront of me," saad nito nang makaupo na ito kaharap ko. "Maganda ka na sa litrato pero mas maganda ka pa sa personal," dagdag pa nito at kung makatingin ito ay napakalagkit.
Hindi naman ako naiilang sa pagtingin nito sa akin ng malagkit. At kung sakaling may ibang balak man itong gawin sa akin ay kaya ko naman ang sarili ko dahil nag-aral ako ng mga basic self defense.
"Thank you," saad ko na lamang.
Binigyan pansin na rin nito ang waitress at nag-order ng mga pagkain.
Habang kumakain ay wala naman itong tigil sa pagkukuwento at pagbibida tungkol sa mga achievement nito na tila nagpapa-impress sa akin. Gusto ko ngang sabi rito na wala naman akong pakialam sa mga achievement nito kasi hindi ko naman yun ikayayaman. Pero dahil ayokong ma-offend ko ito ay nagpanggap na lang akong interesado sa mga sinasabi nito.
"Ahm.. Excuse me, pupunta lang akong restroom," paalam ko rito dahil nakakasawa nang marinig ang walang tigil nitong pagbibida sa sarili kung puwede na nga lang umalis na ko ginawa ko na pero nangako kasi ako sa dalawa na tatapusin ko yung date.
"Okay, take your time," saad nito.
Habang tinatahak ko ang daan papunta sa restroom sa di kalayuan ay nahagip ng mata ko ang isa sa mga taong kinaiinisan ko si Karen ang girlfriend ni Weston.
Napakunot noo naman ako nang makita kong hindi si Weston ang kasama nito kundi ang best friend ni Weston si Alfred.
'Bakit naman kaya magkasama ang dalawang iyon'
"Huwag munang i-deny alam kong akin ang batang dinadala mo!" Sigaw na saad ni Alfred kay Karen kaya naman kahit ang ibang guest sa restaurant ay napatingin sa gawi nina Karen at Alfred.
Nakita kong sinuway ni Karen si Alfred dahil sa pagsigaw nito.
'Did I heard it right buntis ang babaeng iyon at si Alfred ang ama hindi si Weston. Did they secretly dating, kaawa-awang Weston wala siyang kaalam alam na niloloko na siya ng pinakamamahal niyang girlfriend at bestfriend'
Hindi ko naman napigilang ang sarili kong hindi lapitan ang dalawa.
"Well, look who's here," nakangising saad ko.
Napatingin naman sa akin ang dalawa na tila gulat na gulat.
"C-Cleo, anong ginagawa mo dito," nauutal na saad ni Karen.
"Duh! restaurant ito a public place kahit sino puwedeng kumain dito," mataray na sagot ko. "So? totoo nga ba ang narinig ko buntis ka at si Alfred ang ama?" kaswal na tanong ko.
"O-Oo, buntis ako pero si Weston ang ama ng baby ko," giit na saad ni Karen
"Puwede ba Karen huwag ka ng magsinungaling at i-deny na ako ang ama, alam kong tatlong buwan ka nang buntis at yun ang panahong may nangyari sa ating dalawa," saad ni Alfred.
"S-sinabi ko naman sayo isang buwan palang itong pinagbubuntis ko at h-hindi ikaw ang ama," giit ni Karen kay Alfred.
Kung hindi ko lang alam ang ugali ni Karen maniniwala sana ako sinasabi nito na hindi si Alfred ang ama ng ipinagbubuntis niya pero hindi dahil kilalang-kilala ang ugali ng babaeng ito gagawin ni Karen ang lahat para palabasin na ito ang biktima.
"How, pathetic and funny you are Karen well, hindi na naman ako nagtataka simula noon pa man sinungaling ka na at pa-victim ka pa palagi," inis saad ko.
"P-pero totoo ang sinabi ko," giit nito.
"Totoo man o hindi, it doesn't change the fact that you had sex with your bestfriend's boyfriend, your really disgusting," madiing saad ko.
"H-hindi iyon ganun Cleo, oo aamin ko may nangyari sa amin noon pero aksidente lang iyon dahil lasing lang ako at hindi na 'yun naulit pa saka isa pa mahal ko si Weston," depensa naman ni Karen.
Gusto kong matawa sa sinabi nito na mahal nito si Weston pero nag-pabuntis sa iba at sa bestfriend pa mismo ni Weston at gusto nito na maniwala ako.
"I don't believe you, rest assured na makakarating itong sikreto ninyong dalawa kay Weston," saad ko saka tumalikod para umalis na roon at ituloy ang naudlot kong pagbabanyo pero napahinto ako sa sinabi ni Karen.
"Sa tingin mo ba kapag sinabi mo kay Weston ang narinig mo paniniwalaan ka niya kaysa sa akin na girlfriend na mahal na mahal niya," saad ni Karen.
Naikuyom ko na lang ang kamay ko sa inis sa sinabing iyon ni Karen at nagbalik sa ang mga alaala ko ang mga pangyayari walong taon nang nakakaraan.
YOU ARE READING
Zaavedra Brothers Series 3: The Doctor's Love (BxB)
Romance"Bakit mo sinabi sa kanila na fiance kita, Cleo?" tanong agad ni Weston nang makapasok na kami sa office nito. "I was just helping you there, gusto mo ba palaging marinig na pinag-uusapan nila kung gaano ka nakakaawa dahil ipinagpalit ka ni Karen sa...