VISAYAN SIREN [Horror/Thriller]

216 0 0
                                    

*Ili-ili, tulog anay, wala diri, imo nanay... Kadto tienda, bakal papay...
Ili-ili, tulog anay...*

Mga lirikong pilit na nagpapaikot-ikot sa utak ko sa tuwing matutulog ako, hindi ko alam kung saan ko ba narinig ang kantang yun ngunit tumatayo ang balahibo ko kapag naaalala ko.

-𝐌𝐀𝐘 27, 2017-

“Buddy, gising na! mag r-round daw sa campo si Major!” sigaw sakin ng kaibigan ko habang pilit na niyuyugyog ang katawan ko.

Dali-dali naman ako sa pagtayo upang hindi mahalata na kagagaling lang ako sa pagtulog.

Agad naman pumasok sa tent si Major.

“Baltazar.” matikas na sambit ni Major nang makapasok sa kinalalagyan namin.

“Sir. Yes Sir.” matigas na tugon ko naman.

"Mamayang gabi. Isama mo si Cunanan at mag round kayo sa kalsada patungong Dansalan Bato Ali Mosque. Huwag kayong mag alala dahil susunod din kami kaagad.”
pagpapaliwanag naman niya sa aming dalawa.

“Mahirap na, baka imbis na tayo nag oobserba sa kalaban, tayo na pala ang minamanmanan.” Pagdaragdag pa niya.

“Understood?!”

“Sir. Yes Sir!” magkasabay naman naming wika ng kaibigan ko.

Ako ay sundalo mula sa katagalugan na nadistino sa kalakhang bahagi ng digmaan sa Mindanao na kung tawagin ay Battle of Marawi. 
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang higpit at pasakit na araw-araw nakabaon ang kalahati ng aming katawan sa lupa.

“Buddy, ihanda mo na ang yung mga bala na dadalhin natin, mahirap na.” sambit ko sa kaibigan ko habang patuloy na inaayos ang mga gamit na tiyak naming madadala.

“Pre, kinakabahan talaga ako, sa totoo lang. Kahit sinabi ni Major na barilin kung kahina-hinala, hindi parin maalis sa isip ko yung takot.” malamyang paliwanag naman sa akin ng kaibigan ko.

Mababagtas sa mga mukha niya ang takot at pangamba.

Nilapitan ko naman siya, inakbayan at sinabing, “Sundalo tayo, kilalang matatag at matapang. Patunayan natin.”

Sa paglalakad naming sa ilalim na nanlalamig na buwan, sumimoy ang malamig na hangin.

“Sa anim na taon ko sa pagiging sundalo, ngayon lang ako dinaga ng ganito pre.” Nakangiting sambit ng kaibigan ko sa akin.

“Sabi nila pag Bisaya ka, matapang ka at walang inuurungan. Nakakapagtaka, parang hindi ako Bisaya.”pagdaragdag niya sabay ngisi sa akin.

Hindi nalalayo sa kampo, kung saan binabagtas namin ang mapunong kalsada, nakaramdam kaming parehas ng hindi maipaliwanag na pagmamasid mula sa madilim at makahoy na bahagi ng kalsada.

“Napakinggan mo ba yun?” wika ng kaibigan ko.

Napatigil kami parehas sa paglalakad at siyang pinakinggan ang animoy halinghing ng isang babae.

Habang tumatagal ay lumalakas ang musiko na sinasamahan ng liriko.

Nagtahulan ang mga aso.

Bigla namang naging balisa ang kaibigan ko. Hinawakan ang mga balikat ko at nagwika.

“Makinig ka Baltazar…”

“Bumalik ka sa Checkpoint B, kunin mo ang radyo at humingi ka ng reinforcement. Sabihin mo “Visayan Siren.” nangangatal niyang pagdaragdag.

“B-bakit naman?” pagtataka ko.

Naguguluhan ako. Dahil lamang sa nakakapanindig na musiko ng isang babae, humihingi siya ng tulong.

MIXED ONE SHOT STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon