Chapter 20

11 3 0
                                    

Ibinaba ni Ms. Naneth ang kanyang kamay na mayroong mangilan-ngilang piraso ng cat food, isang dakal ang layo nito mula sa sahig. Hindi nagtagal ay lumabas mula sa ilalim ng lamesita ang isang itim na pusa.

Napataas ng bahagya ang isang kilay ni Mr. Mickell. Pasimple niyang pinagmasdan ang pusang sumulpot.

"Kuya Mike, nasabi na sa'kin noon ni Chadler ang tungkol kay Kate. I knew she had Bipolar Disorder." Pinagpag niya ang kanyang mga kamay nang siya'y tumayo. Binalingan niya ang kapatid na hindi na nasurpresa sa kanyang sinabi.

"Sorry," simula ni Mr. Mickell at napabuntong hininga. Napayuko siya, "Hindi ko sinasabi sa'yo kasi pino-protektahan ko lang ang pamilya --"

Naneth laughed sarcastically. "Are sure? Your family? O ang iniingatan mong pangalan, Kuya Mike?"

"Ano naman ngayon kung mayroon kaming Bipolar Disoder? We can still come back in our normal state through the help of proper medication or therapies--"

"Naneth, stop! Alam ko, alam ko. Tatay ako. Ayoko lang mapahiya si Kate. Ayoko siyang masaktan kapag kinutya ng iba, katulad na lang kanina. See? Too many plastics in this world," sagot ni Mr. Mickell at isinandal niya kanyang likod sa sofa.

Natawa ng mahina si Ms. Naneth. "Ops, sorry for being the mastermind of our reunion." Umupo na rin siya sa single sofa. Tumalon naman kaagad sa kanya ang itim na pusa sa kanyang hita. Hinimas-himas niya ang alaga habang ito'y mukhang makiki-chismis sa kanila. "Sige, nandoon na tayo sa ayaw mong makitang mahirapan ang pamangkin ko sa sitwasyon niya. Pero Kuya naman, kapatid mo'ko, maiintindihan ko ang sitwasyon. Especially, I'm also diagnosed of having a Bipolar Disorder, remember?"

"Kahit kailan talaga ang kulit mo, Naneth. Alam ko. Iniisip rin kita, kasama ka sa pamilya na tinutukoy ko--"

"Natural! Ako lang ang kaisa-isa mong kapatid--"

"Exactly! Considering also your condition. Pareho kayo ni Kate, d'ba nga? Ayaw ko rin problemahin mo ang problema ng pamilya ko. Ayokong ma-stress ka. Baka ikaw naman ang sumpungin," paliwanag ni Mr. Mickell.

"Sus! Kung makasumpong ka naman sa'kin. Mas malala pa ang mga nagawa ng anak mo! Isipin mo 'yon, hinalikan ang paa ni Yaya Poneng? Kaloka!" Natawa si Ms. Naneth ng maalala ang naikwento sa kanya ni Chadler, isang pangyayari na nagawa ng ate niya.

"Tingnan mo, ganyan ang reaksyon mo. Kaya minabuti kong isikreto ang tungkol kay Kate Rhynn maging sa'yo at ginaya ang ginawa ng mga yumao nating magulang." Kinuha niya ang picture frame sa kanyang tabi. Nandoon ang dalawang matanda na pawang mayroong malaking ngiti sa labi. "Hide the dark secret in our family to continue living a life at peace."

"Walang nakaalam sa kondisyon mo hanggang ngayon. Pero bakit sa'min ng pamilya ko, nalaman nila? Gusto ko lang namang mamuhay kami ng tahimik ngunit malabo na yata. Kasalana--"

Mabilis na tumayo si Ms. Naneth at tumabi ng upo sa kanyang nakatatandang kapatid. Niyakap niya ito ng patagilid. "Kuya Mike, walang may kasalanan. Hindi mo kasalanan. Nadala sa galit niya si Chadler kaya naisiwalat niya ang sikreto ng inyong pamilya, ang kondisyon ng Ate niya."

"Hayaan mo silang pumutak. Sabihin ang gusto nilang sabihin. Wala tayong magagawa sa kung anong iisipin nila. Ganoon naman talaga, mayroon o wala ka mang gawin, ang tao laging mayroong napupuna at nasasabi." Kumalas siya ng konti at sinulyapan ang mukha ng kanyang Kuya. Nakatitig ito sa kanya at may umuusling ngiti sa labi.

Tuluyan ng kumalas si Naneth sa kanilang yakapan. Tumayo siya at seryosong tinitigan ang kanyang nakatatandang kapatid. "Tungkol pala sa sinabi ng pamangkin ko, Kuya Mike. About Joyce. What if--"

"Forget about it, Naneth! Kate is just hallucinating, probably a product of her wild imagi--"

"Kuya Mike, please! Pakinggan mo muna ako. Hindi lahat ng sinasabi namin sa tuwing sinusumpong kami ng Bipolar namin ay puro hallucinations lang. Kuya Mike, madalas, parte 'yon ng ala-ala namin. Believe me," ani Ms. Naneth.

Napaisip naman si Mr. Mickell. Kung tutuusin nga, hindi niya pa gaanong lubos na kilala si Joyce. Maganda naman ang pinapakitang ugali sa kanila ng dalaga, walang kaduda-duda rito. Hindi mo rin mapagkakamalang may ginagawang kalokohan sa akin nitong mala-anghel na mukha. But, we all know looks can be deceiving. Also, that one which we truly trust is ourselves.

"Okay! I get your point. Sinasabi mo bang baka nga totoo ang sinasabi ng anak ko?" kumpirma niya sa kapatid.

Tumango-tango naman si Naneth bilang tugon. Bumalik siya sa single sofa at doon umupong muli. On cue, the black cat suddenly jump on her lap. As a habit, she start touching its fur.

"Kung ganoon nga, anong motibo ni Joyce? Bakit niya kami lolokohin? Si Chadler, d'ba magkasintihan sila ng anak ko? Totoo kayang mahal niya ang anak ko?" sunod-sunod na tanong ni Mr. Mickell. Unti-unti na ring namumuo ang inis sa kanyang dibdib.

"Bakit sa'kin mo tinatanong, Kuya Mike? I'm not a seer." Umiling-iling si Naneth. Binababa niya sa sahig ang itim na pusa, natatakbo naman ito sa kung saan. "Better hire a private investigator."

"Dapat pala matagal ko ng ginawa 'yon. Ang alamin ang buong pagkatao ni Joyce pagkaapak pa lang niya sa papamahay namin," sang-ayon ni Mr. Mickell. Isang tunog ang nagpatigil sa kanilang usapan. Tiningnan ni Mr. Mickell ang kanyang cellphone, nakatanggap siya ng mensahe galing sa kanyang asawa. "Nasa bahay na raw si Doktora Difun. I gotta go!"

Tumayo na ang dalawa na silang dalawa. Hinatid pa ni Ms. Naneth ang nakakatandang kapatid hanggang sa kotse nito sa kanyang garahe.

"Oh, by the way, before I forgot. Nice black cat!" Sinulyapan ni Mr. Mickell ang itim na pusa na sumunod din pala sa kanila.

"Bagong bili ko, kahapon lang. I found him cute! Too adorable just to be left on that pet shop. Now, he had a new home." Binuhat ito ni Ms. Naneth at pinakaway sa direksyon ni Mr. Mickell. "Meet my new home buddy, Carl!"

Matapos ang tawanan nila. Bumalik ang seryosong mukha ni Ms. Naneth. "Kate can make it, again! I knew! I just knew, Kuya Mike. Been there, done that!"

RxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon