Chapter 30

16 2 0
                                    

Bago pa dumating ang kanyang mga kaibigan, umorder siya ng kanilang maiinom. Nagpa-reserved na siya kaagad, pakiramdam niya kasi ang bagal ng oras. Ito na yata ang pinakamatagal na paghihintay na ginawa niya sa kanyang buhay. Pero ang totoo naman, wala pang sampung minuto siyang naroon sa paborito nilang coffee shop.

Magkahalong saya at takot ang kanyang nararamdaman. Masaya siyang makitang muli ang mga ito sa matagal nilang panahon na hindi nag-kasama. Ngunit hindi pa rin naman nawawala ang agam-agam niya, baka kasi ngayong araw na rin mag-wakas ang kanilang pagkakaibigan.

Himala. Hindi niya inaasahan ang sabay-sabay nilang pagdating. Yakapan ng mahigpit ang pinansalubong nila sa isa't-isa.

Mabilis na kumilos si Kate Rhynn, kinuha ang kanyang inorder at masayang pinagsilbihan ang mga ito. Tinginin naman ang apat dahil sa ikinikilos niya. Hindi kasi sila sanay.

"Sorry, Rhynn, noong nakaraan. So far, na-closed ko naman 'yong deal namin ng kliyente. Kaso, mukhang na-missed ko ang importanteng dapat sasabihin ng kaibigan ko?" panimula ni Misha.

Nakikiramdam naman si Bree matapos makuha ang kanyang green tea. Ang dalawang kambal naman ay nagtatalo pa kung kanino ang frapuccino na strawberry at chocolate flavor.

"Ayos lang," may ngiti sa labi ani Kate Rhynn. Tumikhim siya ng malakas dahilan upang makuha niya ang lahat ng atensyon nila. "Matagal ko na itong gusto sabihin sa inyo. Sorry, kung nilihim ko."

"Ano ba 'yan, Kae? Kinakabahan ako, ha?" natatawang reaksyon ni Keah. "Huwag mo lang sasabihin na may anak ka. Katulad ng mga nababasa kong kwento sa isang application site, tinago ang anak."

"So, 'yon pala ang dahilan?" singit naman ng kakambal niyang si Keziah, nagkasalubong ang mga kilay niya. "Magbasa ka pa, nang tuluyan ng ma-stress si Yaya Mely. Iwanan ka!"

Inismiran niya ang kapatid at binalingan na lang niya si Bree na tahimik pa rin. "May problema ka ba, girl?"

Napakurap-kurap naman si Bree, mayroon kasi siyang iniisip. "Ha? Uhm.. Wala. Wala naman. Ayos lang ako."

Humugot ng malalim na hininga si Kate Rhynn. "Ganito kasi, natatandaan niyo ba, noong mga kolehiyala tayo?"

Nagkatinginan ang apat. Pawang clueless sa gustong ipahiwatig ni Kate Rhynn sa kanila.

"Noong bigla na lamang akong nawala, nag-absent ng ilang buwan --"

"Oo naman. Kaparehong dahilan mo pa nga noong nagkahiwalay rin kayo ni Rae. Pumupunta ka sa Thailand, para magpahinga?" kumpirma ni Misha.

Hindi kaagad nakasagot si Kate Rhynn. Biglang na lamang nag-play sa utak niya lahat ng mga alaala. Ang kanyang mga nagawa at naranasang hindi niya kontrolado habang inaatake siya ng kanyang kondisyon.

Naglaglagan ang mga luha sa kanyang mga mata. Nagkatinginan ang apat. Nalilito na. Pawang atat na atat sa kung anong isisiwalat niya.

"I was diagnosed of having a Bipolar Disorder. Piniling itago nina Mom and Dad ang kondisyon ko, na sinang-ayunan ko rin naman. Nakakahiya rin kasi, ako na lumapit sa isang psychiatrist," bulgar niya sa katotohanang matagal na niyang ikinubli sa kanilang magkakaibigan.

Napa-singhap ang tatlo maliban na lamang kay Misha. Gulat ang nakarehistro sa kanyang mukha, ngunit nakapagtataka ring nakakuyom sa ilalim ng mesa ang dalawang mga kamay niya.

"Sorry, talaga. Natatakot rin kasi ako, baka --"

Malakas na ingay mula sa upuan ni Misha ang nagpahinto sa pagsasalita ni Kate Rhynn. Tumayo ito at walang paalam na iniwan silang magkakaibigan.

Napayuko naman si Kate Rhynn sa naging reaksyon nito. Nanikip ang dibdib niya sa ikinilos ng kaibigan.

"Puntahan ko lang." Tumayo si Bree at sinundan si Misha kung saan man ito nagpunta.

Nilapitan naman ni Keah ang kaibigang patuloy pa ring umiiyak. Panay ang yugyog ng balikat ni Kate Rhynn habang nakadukdok pa rin ang mukha sa mesa. Patuloy namang hinahagod-hagod ng isa ang kanyang likod upang maibsan ang dinaramdam.

"Ilabas mo lang, Kae. Madalas mang kami ni Bree ang magkadikit, huwag mo sanang isipin na wala akong pakialam sa'yo. Lagi akong handang makinig, basta, magsabi ka lang," ani Keah.

Sa parking lot, panay rin ang hikbi ni Misha habang nakaharap sa kanyang sasakyan. Tinatakpan ang bibig at sisinghot-singhot pa.

Nagpunas muna ng pawis si Bree ng sa wakas ay nakita na niya ang kanyang hinahanap. "Misha, bakit nag-wa-walk-out?"

Napapitlag si Misha, hindi niya kasi inaasahan na mayroong susunod sa kanya. Napatingala muna siya. Pagkatapos ay inaayos niya muna ang sarili bago hinarap si Bree.

"Intindihan na lang natin siya. Hindi mo naman siguro itatapon ng ganoon-ganoon na lang ang pagkakaibigan natin, d'ba?" malungkot na tanong ni Bree, namumula ang pisngi niya dahil sa sinag mula sa araw.

"Hindi naman sa --"

"May pa-walk out pang nalalaman. Hindi naman pala. Kinaganda mo 'yon, girl?" ratrat naman ni Bree kaagad.

"Kasi naman --"

"Ano? Dahil matagal niyang tinago sa'tin? Tampo naman agad, girl?" walang pakundungang bintang naman ni Bree.

Sa sobrang inis, mabilis na nilapitan ito ni Misha at buong lakas na sinampal. Napang-singhap naman ang isa, hindi makapaniwalang ginawa 'yon ng kanyang kaibigan.

"Ayaw akong patapusin?" nakataas ang kilay na tanong ni Misha. Nakalabi namang napahimas ng pisngi ang isa.

"Hindi ko kasi kinaya ang naranasan niya. Naawa ako. Alam mo namang ayaw na ayaw kong makita siyang umiiyak," paliwanag niya niya kay Bree.

"So, ako, wala lang sa'yong sampal-sampalin mo? Ganyan tayo!" Tumalikod si Bree at humalukipkip.

Natawa si Misha, nais niyang batukan si Bree sa sinabi nito. Tampururot kasi ang gaga, ang daldal ba naman kasi masyado.

"Sabi ni Bree sa text niya, huwag ka na raw mag-worry kay Misha. Dumiretso na ang dalawa sa condo ni Misha, ipagluluto ka raw nila ng mga paborito mo," naguguluhang imporma ni Keah kay Kate Rhynn. Napa-angat naman ng mukha ang dalaga.

"Aba! Ano kayang nangyari sa dalawang 'yon? Nag-iba bigla ang ihip ng hangin," bulong pa ni Keah habang panay pa rin ang dutdot sa kanyang cellphone.

Natawa naman sa tabi si Keziah. "Hindi talaga matitiis ni Misha ang iyakin na ito. Sa ating magkakaibigan, kung papipiliin man si Misha na isa para maging pinaka-bestfriend niya, obvious namang si Kate ang isasagot niya. Wala ng iba."

Tumayo si Keziah, "Tara na! Ano pang hinihintay niyong dalawa? Ayaw niyo bang tumulong sa kanila?"

RxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon