Every time I read posts in this particular Facebook group, hindi talaga nawawala ang posts na nagwo-worry na maybe cliche na raw ang kwentong isusulat nila, or maybe may kagaya na raw ng concept nila. Okay, people, first of all, if you can write a story na sobrang unique, nakakainggit ka, lol. But if you're just a beginner na kahit ano pang yugyog mo ng ulo mo ay cliche pa rin ang lumalabas na idea, isulat mo pa rin. Go, go, go lang!
I don't get this much hatred ng iba sa concept na nasulat na raw ng iba. They're pushing writers na parang bawal ang magsulat ng cliche. Everybody has to start somewhere, at kung diyan sila magsisimula, let them be. While we write, doon naman pumapasok ang improvements natin eh, and hopefully, eventually ay makakabuo tayo ng kwento na pasok na sa "Hindi cliche."
Besides, concept lang yan. Hindi yan ang buong plot. Magkaiba rin ang execution. May stories na malalim. May stories na light lang. May authors na tuloy-tuloy ang daloy ng most sa stories nila, chronological. Meron namang maraming flashbacks at kung anong buhol-buhol to keep their readers' attention.
Magkakaiba ang boses ng bawat writer. What I mean is we have different styles. Kahit pa magsulat tayong lahat ng iisang concept lang, meron talagang writer na aangat ang kaniya, diba? Kasi nga iba-iba tayong mag-isip. Me, personally, if the concept is I know na cliche pero nakikita kong parang kakaiba yung pagna-narrate ng writer kompara sa mga usual kong nababasa, I'd still give that a chance.
Let writers write cliche concepts, especially kapag nagsisimula pa lang. Ang dami kong nababasang hindi na lang nila tinutuloy once they discover na may nakasulat na ng ganiyang concept dahil sa takot silang ma-criticize na cliche na, ganto-ganyan, and that's sad. Kwento na sana, naging bato pa.
If you want to come up with a super unique story, then go, but if all that you can come up with for now is a cliche concept, then ituloy mo lang. Don't let that be the reason for you na mawalan ng gana sa pagsusulat, dahil sa sobrang critical ka sa sarili mo.
Ang mali lang naman is intentional na talaga ang pag-imitate mo sa isang kwento. Yung parang lahat-lahat na. Buong plot, series of events, dialogues, names, title, book cover. Ayun yung mali. DON'T DO THAT.
Write no matter what. See you in the next chapter! 🌼🌼

BINABASA MO ANG
Writing Thoughts
Random"We writers write our own pain even if that means piercing our own feet by walking on the same broken pieces again." -Krisu-rin Just my realizations, thoughts, and learnings, through my writing journey and exploration that I'd like to share with you...