Character Development

14 3 0
                                        

This one is very important, lalo na para sa mga nagsisimula pa lang na magsulat. I wish that somebody told me about this noong nagsisimula pa lang ako. Kasi yung main characters ko sa mga kwento ko noon ay halos walang nagbago sa kanila hanggang sa nagwakas ang kwento. Please don't judge me. Bata pa ako nun, lol. Para sakin, character development of the main character is one of the make-it-or-break-it's of a story.

Let's put it this way. Kung susubaybayan mo ang isang main character throughout the 20 chapters, 30 chapters, 60 chapters, etc. pero kung ano ang ugali niya, pag-iisip, at paniniwala noong simula ay ganun pa rin sa dulo, PARA SAAN PA? Pwede naman palang yung first chapter na lang ang binasa ko, wala namang nagbago sa kaniya eh.

Ako kasi hindi lang plot ang habol ko sa mga binabasa ko. I want to feel as if I'm wearing the shoes of the main character as well. I want to evolve and grow with them as I read. No character development seems super unrealistic too. People change. We don't often realize it but we constantly change.

Do you want to make your readers cry? O baka gusto mo silang kaladkarin papunta sa nakakabaliw na emosyon? That should start with your main character. The readers should be attached to him/her/them. Dapat makaramdam sila ng sympathy doon sa tao, hayop, alien, o kung anong entity na yun. Kasi kung wala silang paki sa main character mo since super unrelatable naman siya dahil sa pagiging static ng personality niya, baliwala rin ang dialogue at settings mo sa madramang eksenang yan.

Also, if you want to make your readers read your story until the end, with a character development, they'll always wonder kung anong susunod na mangyayari sa kaniya. Ano ba ang susunod na desisyon na gagawin niya? Keep them wondering.

If your main character stays the same (or as we call this type of character: STATIC), then they become so predictable at doon na nawawala ang interes ng readers. Iisipin nilang mahuhulaan lang nila kung anong mangyayari at kung ano mang trip niya sa buhay niya, so why read?

Did I get too critical? I'm sorry, but as always, padayon!
🌼🌼

Writing ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon