Do. Not. Be. Afraid. To. Revise.
If there's one thing na kinakapitan ko sa pagsusulat at sa mga panahong may doubts ako sa sarili kong kakayahan habang nagsusulat is that I can revise that chapter or that scene anytime. Whenever I'm having a writer's block and I'm doubting the scenes and dialogues that I'm writing, I always tell myself "Pwede ko pa namang balikan to at mas pagandahin sa susunod." so I write anyway, instead of just being stuck giving myself stupid excuses—ooopps.
That's how I combat writer's block. I once read this idea; I'm not so sure if sa google ba or sa Facebook groups but here goes, one of the reasons daw of having a writer's block is perfectionism. Ako naman, I realized na "Oh my god, this is so true." I don't know about you but sa akin ganitong-ganito dati eh. Hangga't hindi pa perfect at vivid sa isip ko ang isusulat ko ay hindi muna ako magsusulat.
I think na may mga punto pa noong ginagamit ko yan as an excuse. Like "Hindi pa ako makapagsulat, hindi ko pa mabuo nang mabuti sa isip ko eh." Think about it. Are you guilty of this too? What I didn't realize was that pwede pa rin naman palang magsulat kahit hindi muna perfect, basta nandiyan ang idea. There will be a lot of revisions pa naman since I have this technique na nag-iipon ako ng drafts. I'll talk about that at the end of this chapter.
REVISE.
Ilang scenes na ang ibinura ko just because I revised that part and thought of something better to write. Heck, hindi lang scenes. Ilang chapters na rin ang binura ko. In each chapter of TJC, 3,000 ang average word count ko. I usually finish that after 7 to 8 hours kung tuluy-tuloy akong nagsusulat at nagbi-brainstorm. So that's 7 to 8 hours of typing 3,000 words down the drain. As in. BURADO. BINASURA. Miski sa isip ko ay wala nang natitirang ni anong fragments nila, lol. I did that a lot of times. Nasayangan ba ako? Nope. Mas sayang kapag hindi ako nag-revise.
Mas sayang kapag may potential pang gumanda ang kwento mo pero tamad ka nang mas pagandahin pa. Kung kailangang gumugol ka nang ilang oras pa, gugulin mo. Kung kailangan mong pudpurin ang mga daliri mo kaka-revise, pudpurin mo. Kung kailangan mong magbura ng 3,000 words, burahin mo. Do not be afraid of the idea of revising.
Kakampi mo ang pagre-revise.
Trivia: Nag-iipon ako sa drafts ng chapters ko. In TJC, I usually keep 15 chapters na nasa drafts ko before publishing a chapter, so I have an ample time to revise and furnish each chapter many times before they get published. Kaya kahit anong kulit noon saking mag-publish na nung nasa 13 chapters na ang TJC ay hindi pa rin ako nag-publish. Nag-ipon muna ako bago i-publish ang first chapter. Maybe this will work to you too, or maybe it won't.
Kung fu fighting, manunulat! 🌼🌼
BINABASA MO ANG
Writing Thoughts
Random"We writers write our own pain even if that means piercing our own feet by walking on the same broken pieces again." -Krisu-rin Just my realizations, thoughts, and learnings, through my writing journey and exploration that I'd like to share with you...