04

5 3 0
                                    

Agad ding kaming bumalik sa classroom pagkatapos naming mag break time dahil may 4 pa kaming klaseng natitira. Wala na kami masyadong napag-usapan nina Ara pagkatapos kong mabilaukan.


"Good morning everyone" sabi ng MAPEH teacher naming nung makapasok na sya sa loob ng classroom


"Good morning maam!" bati din naming at naupo na.


"So, I decided na pagawain kayo ng activit------" sabi nya pero agad ding pinutol ng mga kaklase ko after nilang marinig ang word na 'activity' well, halos lahat naman kami ay ayaw ng activity, sino ba naming magkakagusto dun? Nakakapagod kaya.


"Maaaaammm"


"Next time na lang poooo" sabi nga mga kaklase ko. sige lang pilitin nyo si maam. Pero dahil mukhang wala ding pakelaam sa mundo si maam ay hindi nya pinakinggan ang sinabi ng mga classmates ko at ipinagpatuloy ang sinasabi nya.


"Like what I've said, may ginawa akong activity para sa inyo. Igu-group ko kayo sa lima and then gagawa kayo ng isang dance video, pedeng modern pede ding hindi" sabi nya. What? Dance video?


"ahhhhh!!" reklamuhan ng mga kaklase ko.


"Grouping will be by line" sabi nya at itinuro pa. Tiningnan ko kung sino ang mga kagroup ko at-----Ken? Ara? Josh? Cheska?


"HIHIHI, magka-group tayo Jiwon!" excited na sabi ni Ara. Ano ba naman yan? Bakit parang sya lang ang excited. HUHUHU.


"Problema mo?" tanong sakin ni Ken. Ganon an ba kahalata na dismayado ako sa groupings.


Hindi ko na sya pinansin at nakinig na lang sa ibang paliwanang ni maam

"Ganitong oras kayo pwedeng magpractice, customs are required and ang pasahan nito will be next next week. Napakahaba na ng oras na meron kayo kaya make sure na maganda yang video no ha?" sabi ni maam


"Hindi nga po kami marunong sumayaw maam eh!"Reklamo pa ng iba. Hayst. Buti naman at hindi ako nagiisa. HAHAHA


"Kaya nyo yan, kayo pa" pagpapalakas ng loob samin ni maam at mabils na din syang lumabs ng classroom kahit hindi pa naman time.


"Now, anong plano?" tanong ni Ara na pumunta pa sa tapat ng upuan ni Ken. Nakakabilib talaga tong babaeng to.


"Bakit sakin mo tinatanong?" pikon na agad na tanong ni Ken. Nagtatanong lang naman yung isa, pikon na kaagad. Upakan kita dyan eh. HUH? Ano bang meron sakin at mainit ang ulo ko kaagad.


"Sorry naman ha?" mapang-asar na sabi ni Ara at lumipat ng tayo sa tapat ko.


"What about you?" tanong nya sakin. Paktay tayo dyan, wala din akong idea eh.


"pass" sabi ko at parehas silang tumitig sakin. May mali ba?


"Anong pass? Marka naten nakasalalay dito mga ate at kuya" pikon nag sabi ni Ara. Halata nang napipikon sya dahil namumula na ang matabang pisnge nya. Dati kala ko mahinhin at babaeng babae itong si Ara pano ba naman, napakaputi at sobrang kinis pero mali pala ako. Pag naging close kayo malalaman mo ang tunay nyang ugali, sobrang kulit at daldal nya. Parang sirang plaka, paulit-ulit.


"Hayst, bahala nga kayong dalawa dyan. Bw*set" sabi nya at nag walk-out na. Siguro pupunta sya don sa dalawa pa naming kagrupo.


Natapos ang isa pa naming klase at agad na akong dumiretso sa part time job ko. Doon na din ako magpapalit ng damit dahil meron naman doon. Server ang naging rule ko sa coffee shop na yun pero sinabi ng manager na kapag maganda daw ang trabaho ko ay sa cashier nalang daw ako ilalagay para mas madaling trabaho.


Sa coffee shop na din ako kumain at dumiretso an sa bahay para magpahinga. Naligo lang ako at nagcheck ng social media, nagyon, wala na masyadong notif, buti naman. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung paano ang gagawin namin sa dance video na yun. Wala ako kahit isang idea.



'okay guys let's start' tawag samin ni Josh, kakalase kong may pusong babae.


'Okay position, Ara gitna ka, Cheska and Jiwon sunod kayo kay Ara then kami ni Ken sa likod. Pyramid position ang gagawin natin para kita lahat.' Dagdag pa ni Josh. Buti na lang talaga at ka-group namin sya, kung hindi, hindi din namin alam ang gagawin namin ngayon.


Nagpatuloy lang kami sa pagpapractice, si Josh ang gumaga ng steps at itinuturo nya naman samin. So far, gusto naming lahat ang ginagawa nya. Pwede na syang maging choreographer.


Sa totoo lang parang ang bilis nang proseso namin sa sayaw na to. Siguro sa lahat ng group kami pa lang ang may pinakamahabang nagagawa.


'okay, since dulo na din naman, bakit hindi tayo gumawa ng step na magugulat ang lahat?' tanong ni Josh


'oo nga'


'maganda yan' sabi ng iba. Tahimik lang kaming dalawa ni Ken dito sa gilid pano naman kasi parehas kaming hindi magaling sumayaw. Nakakahiya tuloy sa ka-group namen.


'okay Ara since magaling ka naman tumalon dahil member ka ng cheerleader dati, tatalon ka patalikod tapos sasambutin ka ng dalawang girls sa likod. Okay?'


'okay, kaya yan' sabi ni Ara at nag-thumbs up pa. Siguro halos lahat ng lalaki mafa-fall dito kay Ara. Perfect na ata talaga sya eh.


'okayyyy! Practice tayo dun' sabi ni josh at pumunta na kami sa pwesto namin.


Tatalon na patalikod si Ara, nakahanda na ang kamay namin ni Chescka ng mapansin kong may kung anong insekto ang kumakagat sa binti nya, kinamot nya ito at nakalimutang ito na pala ang oras na tatalon patalikod si Ara. At dahil wala sa tamang posisyon si Cheska ay ako lang ang sasambot kay Ara. Parehas kaming matutumba pero magkakaroon pa ng problema sa ankle ni Ara.


'oh my! Are you okay?' alalang tanong ni josh


Nagising ako sa hindi na naman kagandahang panaginip. Wahhh! Ayoko na ng ganito. Ngayon kaibigan ko naman ang malalagay sa kapahamakan. Anong pwede kong gawin? Kapag sinusubukan kong baguhin, nagkakaroon naman ng bagong kapalit. Hindi ko na alam.


Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at nagulat ako ng makita ko ang oras. Shet. May pasok pa ako. Its 3 in the morning. Sobrang aga pa pero hindi na talaga ako makatulog, siguro dahil din sa panaginip na yon.


Gusto kong umisip ng paraan para hindi masaktan si Ara pero parang ayaw din ng isip ko, bakit? Dahil nagkakaroon ng kapalit at wala akong idea kung ano pa ang mangyayari. Maaaring mas malala o mas okay naman. Ayaw kong masaktan si Ara .She's been a good friend of mine since the first day I transferred there.


Hindi ko alam kung paano haharapin ang mga ngiti ni Ara bukas. 

Be my FutureWhere stories live. Discover now