Hindi ko alam kung anong ginagawa ko sa school na ito sa ganito kaagang oras, siguro naging lutang din ako kanina dahil sa kakaisip kaya ako nandidito. 5 am palang at hindi ko alam kung masu-survive ko ba ang maghapon ng hindi nakakatulog. Bahala na.
Pumunta ako sa garden para magtuloy ng tulog ko kahit 1 oras lang then babalik na lang ako pag time na.
Sobrang preskong hangin ang sumalubong sakin ng pumunta ako sa garden, tahimik at malamig sa lugar na to kaya napakasarap sa pakiramdam.
zzzzZZZzZZz
"Hey!" naramdaman kung may kung anong mainit na kamay ang humahawak sa pisnge ko. Whuuttt? Did I just say kamay?
Iminulat ko ang mata ko para makita kung sino bang pang-abala ang gumigising sakin. Hindi ba nya alam na antok na antok ako.
"Pinapasok ka ba ng parents mo para matulog?" supladong tanong sakin ni Ken, well sino pa ba.
"Ano bang problema mo?" tanong ko sa bagong gising na boses.
"Ikaw" sabi nya na ikinagulat ko. Tiningnan ko sya sa curious na mata at buti naman dahil nahiya ata. Namula pisnge eh
"I mean, ikaw. Tulog ka kasi ng tulog. Hindi mo ba alam na puwesto ko tong garden na to?" tanong nya pa. Kanya tong garden na to? Bakit binili ba nya?
"Edi sayo na. Saksak mo sa baga mo" sabi ko at kinuha ang bag ko para maghanda sa paglabas sa garden na to. Nakakapikon. Antok na antok ka ba naman tapos ginising ka lang para sabihing kanya tong garden. As if naman maniniwala ako. Duh!
"ay oo nga pala" sabi ko na kumuwa sa atensyon nya.
"Nakakausap yang mga buttefly dyan, try mo baka matulungan ka pa" sabi ko ng hindi na hinintay ang sasabihin nya at lumabas na.
Nagdiretso na ako sa classroom since malapit na namang magsimula ang first class namin. Pagkapasok na pagkapasok ko ay sinalubong agad ako ng ngiti ni Ara. Oo nga pala dahil sa pangbu-bwiset ni Ken nakalimutan ko na ang problema ko kay Ara.
"Hey, anything wrong" tanong ni Ara. Kung pede ko lang sana sabihin sayo, kaso hindi ko magawa. Iiwan nyo na naman ako pag nalaman nyo ang kakayahan ko. OO selfish ako sa ginagawa ko pero alam kong naiintindihan nyo naman ang sitwasyon ko ngayon.
"nothing, antok lang"
"in fairness ha, humahaba na ang reply mo pag may nagtatanong" tuwang tuwang sabi nya
"Hehe" sabi ko na lang at nagdiretso na sa upuan ko.
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
KEN'S POV
Breaktime na ngayon pero hindi muna ako sumama kina Ara sa pagkain, ewan ko pero parang nahihiya pa akong harapin si Bain pagkatapos nung ginawa ko kanina.
*flashback*
Maaga akong pumasok sa school ngayon dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos sa bahay kagabi, since wala namang ibang nasa school pag ganitong oras, kaya okay lang.
Didiretso na sana ako sa classroom ng maisipan kong dumaan muna sa isang bahagi ng school na napaka- halaga sakin. Garden.
Sa tuwing pupunta kao sa garden na to, bumalik lahat ng ala alang kasama ko sya nooong mga panahong masaya pa kaming dalawa. Gusto ko laging nakikita sya sa panaginip ko pero pag naaalala ko lahat ng nangyari nananaig na naman ang sakit na nararamdaman ko.
Aalis na sana ako nang may mapansin akong bag ng babae na nakalagay sa sahig ng garden. Bigla tuloy akong kinabahan. Napaka-aga pa, hindi imposibleng may magpakitang----
Sa kabila ng takot ay lumapit parin ako sa bag na nakikita ko, habang lumalapit ako ay nagiging pamilyar sakin kung kaninong bag ito at alam kong hindi ako magkakamali. Bag to ni-
"Bain" tawag ko sa pangalan nya ngunit hindi sya sumasagot. Tulog siguro. Tingnan mo tong babaeng to walang katakot takot. Ang lakas ng loob nyang matulog sa ganitong lugar at ganitong oras, pano kung may lalaking gumawa ng masama sa kanya, wag nyang sabihing okay lang?
Lumapit pa ako at tinitigan ang mukha nya. Kapag tinitigan mo sya kapag gising sya ay napaka-sungit ng mukha nya, pero iba pala pag tulog sya. Ang amo ng mukha nya sobra.
Hindi ako nagsawang titigan ang mukha nya kahit ilang minuto pa ang lumipas. Tumagal pa yon ng ilang minuto ng mapansin kong may kaunting luhang tumutulo mula sa mata nya. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Siguro ay nananagnip sya at sigurado akong masamang panginip yon. Kahit gusto ko pang titigan ang mukha nya ay kailangan ko na syang gisingin dahil naiyak na sya. Pinunasan ko muna ang luha sa mukha nya tsaka sya ginising. Mabilis syang gumising at bumalik na naman sa pagiging masungit.
Akalain mo yun, sa lugar kung saan ako iniwan ng babaeng mahal ko ay duon ko din pala matatagpuan ang babaeng sa tingin ko ay nagpapatibok na ng puso ko.:)
*end of flashback*
"ey Ken" tawag sakin ni Ara. Tapos na pala ang breaktime at nakapasok na ulit sila sa loob ng classroom.
"What?"
"Bakit pangiti-ngiti ka dyan?" tanong nya. What? Ako pangiti-ngiti. Nagmukha ba akong tanga for 30 minutes?
"Pakealam mo" sabi ko
"Ayiee, may nililigawan ka na namang bagong girl no?" tanong nya at biglang napangiti na naman ako ng wala sa oras. Ano yan. Parang t*nga
"think whatever you want" sabi ko at iniba ang direksyon ng mata ko
"Sus, sakin mo pa sinecret" sabi nya at sa gilid ng mata ko ay nakita ko syang umupo na sa upuan nya.
"By the way, ang saya namin ni Jiwon kanina. Ganto kase may lumapit na lalaki sa kanya kanina tapos hiningi yung number nya HAHAHHA" kuwento nya. Gutong gusto kong alamin lahat ng detalye pero paghihinalaan nya ako na may gusto kay Bain kahit totoo naman.
Sino naman kaya yong lalaking yon? ang lakas ng loob nya ah!
YOU ARE READING
Be my Future
Teen FictionBain Jiwon Lanya a special girl who can see the future. Can she find true love to the school she transferred to? Can a man loved her knowing that she do have this kind of power? Nothing matters when it comes to love!