Invisible 14: ALEX

325 8 0
                                    

Masaya ako dahil ayos na si Son. Para nga siyang hindi naaksidente. Slow pa rin. At dahil ilang araw na lang siya sa Hospital ay kailangang andoon ako palagi. Minsan kasi ay wala siyang bantay.

Nang malapit na ako sa room ni Son ay nakita kong lumabas ang Mama niya. Iniwan na naman si Son na nag-iisa.

Pumasok na ako nang silid, hindi na ako nag-abalang kumatok. Baka maistorbo ko lang si Son.

Natigilan ako nang makita kong may tao sa loob maliban kay Son. "Pinsan?” pagkokompirma ko kung si Mitch iyon.

Napalingon siya sa akin. “Alex?”

“Do you know her?” Kumakabog na ang puso ko nang sobrang lakas. This can't be. Siya ba?

“Yes.”

Napakuyom ako. "You knew her all along?”

“Yes."

Napabuga ako ng hangin. Sa simpleng tanong na ‘yon ay alam ko na. “Can I talk to you outside?”

Naglakad na ako palabas ng silid at dumiretso sa parking lot kung saan ay walang masyadong tao.

“Sorry. I didn’t tell you." Siya ang nagbasag ng katahimikan.

“Since when?” seryosong tanong ko.

“Before you met her. I met her when Dad confiscated my car and cards."

“Bakit hindi mo sinabi? Para pala akong tanga habang nagkukwento sa barkada tungkol sa kanya at hindi ka man lang nag-react. Pinagtatawan mo siguro ako ng mga oras na 'yon." Naaalala ko noong para akong highschool na nagsasabi sa barkada tungkol kay Son. How much I like her. How much I care for her.

“No. Hindi ko sinabi sa 'yo dahil alam kong masasaktan ka. Dahil siya ang pinaka unang babae na gusto mong makilala matapos kang iwan ni Aina.  No'ng malaman ko na gusto mo siya. Ipapaubaya ko na sana siya sa 'yo. Hindi na ako nagpakita sa kanya sa terminal ng jeep. Hindi naman kami talaga magkakilala. Hindi ko alam noon ang pangalan niya at hindi niya rin alam ang pangalan ko. So naisip ko na siguro hindi naman niya ako gano'n kagusto at makakalimutan niya rin ako.”

Wow! Just wow! What an excuse. So siya nga talaga ang tinutukoy ni Son na Hubibi. All along pinsan at kabigan ko pa talaga amg magiging kaagaw ko kay Son. Wow!

Tiningnan ko siya. “Hindi mo ba alam kung gaano kasakit na makitang masaya ang taong mahal ko sa ibang tao kahit hindi niya naman kilala? Hindi mo alam kung gaano ako nag-effort para mapansin niya ako. Wala pa 'yon sa mga nagawa mo sa kanya!" sigaw ko sa kanya. "Siya ang pinaka-priority ko magmula nang makilala siya. Pero kahit anong gawin ko para sa kanya ay hindi ko pa rin siya mapasaya katulad ng nagagawa mo. Simpleng pagpapakita mo lang sa kanya’y ansaya-saya na niya.” I remember how Sons' eyes sparks when she's talking about him and it's fvcking hurt! It's fvcking hurt that I can't feel anything, just pain in my heart.

Napahinga ako ng malalim at pinipigilang hindi mapaluha ngayong nailalabas ko ang sakit. "Sana sinabi mo na lang no'ng una pa na gusto niyo na ang isa't isa. Eh di sana nakaiwas na ako sa lecheng sakit na 'to.” Turo ko sa dibdib ko na halos suntukin ko na.

“Hindi ko alam. Sorry."

“Syempre hindi mo alam! Hindi mo alam kung gaano 'to kasakit kasi mutual ang nararamdman niyo!" Napahilamos ako at may pumatak na luha sa mata ko. Fvck!

“Ang sakit, 'tol. Ako ang nasa tabi niya pero ikaw pa rin ang iniisip niya. To the fact na hindi ka niya kilala pero ikaw pa rin ang hinahanap niya. Nagbulag-bulagan ako dahil ang alam ko, hindi mo siya kilala pero ngayon wala na... wala na."

Tumalikod ako sa kanya at marahas na pinunasan ang luhang hindi nagpapapigil na pumatak. "Para sa kasiyahan ni Son. Para sa kanya, hindi ko sasabihin ang nararamdaman ko pero mangako ka. Mangako kang hindi mo sasaktan si Son dahil kahit mahal ka pa niya. Hinding-hindi ako mangingiming agawin siya sa 'yo."

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon