INVISIBLE 9: AINA

360 8 1
                                    

Nakatayo lang ako sa may pinto, hinihintay na may sabihin si Alex.

"Aina."

Napasinghap ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Sa loob ng ilang taon ay hindi niya man lang ako tinawag sa pangalan ko, ngayon lang. "Alex."

"Pwede bang si Son ka na lang? Can you pretend to be her?" Mahina niyang sabi pero rinig na rinig ko, kahit ang pagpiyok ng boses niya.

Masakit. Sobrang sakit nang sinabi niya, nang hilingin niya na maging ibang tao ako, ng taong gustong gusto niya pero ngumiti lang ako sa kanya kahit nagdurugo na ang puso ko. "Sige." May tumulong luha sa mata ko. Isang patak. Isang patak na nagbabadya nang mas maraming magpatak. Isang patak na nagsasabing nasasaktan ako.

Ngumiti lang siya ng mapait at naglakad papunta sa pwesto ko. Nabigla ako nang niyakap niya ako nang sobrang higpit. Ilang segundo din akong naistatwa at nang marealise ko na niyakap niya ako. Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Ilang taon. Ilang taon kong inasam na mayakap ulit ng ganito ni Alex. Nanginginig na itinaas ko ang mga kamay ko para yakapin siya pabalik. "Alex."

Niyakap niya ako nang mas mahigpit at umiyak sa balikat ko. "Hindi mo alam kung gaano ko kagustong yakapin ka ng ganito. Sobrang mahal kita. Mahal na mahal kita."

Parang gusto kong tumalon sa saya dahil sa narinig ko. Ang puso ko ay halos nagwawala na sa loob dahil sa mga naririnig ko. "Alex."

"Son..." Parang sinaksak ng libo-libong karayom ang puso ko dahil sa pangalan na narinig ko. Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya habang nakatingin sa kawalan kasabay ng pagpatak ng masagana ng luha ko. Ah. Nagpapanggap nga pala ako bilang si Son. Nagpapanggap nga lang pala ako kaya lahat ng sinasabi niya ay hindi para sa akin, kung hindi ay para kay Son. Kay Son. Hindi para kay Aina.

Masakit. Wala ng sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.

"I love you," bulong pa niya sa tainga ko.

"I love you more," napakagat ako sa labi ko. Pwede naman siguro akong mag-i love you. Pwede ko rin naman sigurong tugunin ang mga paglalambing niya kahit nagpapanggap lang ako bilang si Son.

Kumalas siya nang yakap sa akin. Pinaloob niya ang mukha ko sa malapad niyang palad.

"Thank you," nakangiti niyang sabi sa akin. "Pinagaan mo ang loob ko kahit alam kong nagpapanggap lang tayo, Aina."

Aina.

Aina.

Parang umeecho nang banggitin niya ang pangalan ko. Napangiti ako. Parang ang lahat nang kirot sa puso ko ay nawala nang banggitin niya ang pangalan ko. Ang babaw ko pero kasi... ang tagal nang panahon niyang hindu binabanggit ang pangalan ko.

Ngumiti siya sa akin at tumalikod. Narinig kong huminga siya ng malalim. Napatingin siya sa kisame habang nakapaloob sa bulsa ng pantalon niya ang kaliwa niyang kamay. He looks sexy.

"Do I look so desperate?" Mahina niyang tanong.

Pasimple akong huminga ng malalim. "Lahat ng tao ay dumarating sa punto na nagiging despirado na." Katulad ko. I'm so desperate for you to notice me, na kahit ang magpanggap na ibang tao ay gagawin ko para lang mapansin niya. Lahat ng pwedeng possibility na mapansin niya at gagawin ko.

---

After that incident ay hindi na nagpakita sa akin si Alex. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Matutuwa dahil hindi ko na kailangang magpanggap. Malulungkot dahil balik na naman ako sa pagiging invisible.

"Hey!"

Napalingon ako sa lalaking umupo sa katabing stool. "Hey..." malungkot kong pagbati kay Leo.

"What's with the long face?" Tanong nito at umorder na ng kanyang sariling iinumin.

"Nah," sagot ko lang at ininom ang natitirang shot.

"Are you sure?"

"Yah," sagot ko lang habang nakatingin sa baso ko.

I heard him sigh. Wala ako sa mood ngayon para makipagbiro sa kanya. Wala ako sa mood para sakyan ang mga biro niya. I may be the smiley face in the band but now... I can bear to smile.

"Aina..."

Tumayo ako sa pagkakaupo. "Gotta go, Leo. Need to rest na," paalam ko sa kanya at tinapik siya sa likod. Napakagat ako sa lower lip nang makatalikod ako.

"Aina," tawag niya pa rin sa pangalan ko.

Hindi ko siya nilingon. Ayoko siyang lingunin. Hay! Kung maari nga lang turuan ang puso. Kung maari nga lang ay siya na itong mamahalin ko.

Pero kasi hindi eh. Kahit anong gawin ko ay wala akong nararamdaman kahit anong special kapag kasama ko si Leo, to the fact na halos araw-araw ko siyang kasama.

Sorry, Leo. Alam kong magsasabi ka na naman ng nararamdaman mo pero hindi ko kasi kayang tanggapin ang nararamdaman mo. Hanggang magkaibigan lang talaga tayo.

Nang makarating ako sa kwarto ko sa taas ng bar ay pabagsak akong humiga sa kama. Tumingin ako sa kisame. "Alex."

Ang tanga ko ba kung umaasa ako na itutuloy mo ang pagiging boyfriend ko basta magpapanggap akong si Son?

Matagal na naman akong tanga eh.

I heard my phone click, indicating that someone texted me. Hindi ko 'yon pinansin. Sa halip ay tumayo ako at pumuntang banyo para magbabad sa tub. Para magfreshen up. At para gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko.

I almost fell asleep when I heard that someone opened the door of my room. Nagulat ako. Nakalimutan ko pa 'atang ilock kanina.

Nagmamadali akong umahon sa bathtub at nagsuot ng robe. Lumabas ako ng banyo at natigilan nang makita kung sino ang pumasok sa kwarto ko. May inilapag siyang plastic sa may table, food I think. Nang mapansin niya ako ay ngumiti siya sa akin. "Hey," bati niya sa akin, same ng pagbati ni Leo pero iba ang dating sa akin. And the smile... it melts my heart.

"H-hey," nauutal ko pang bati pabalik. Para akong naistatwa. Totoo ba 'to? Totoo ba siya?

"I brought you some food," nakangiti niyang sabi at inabala ang sarili sa pagpeprepare ng table. Ako naman ay hindi makaalis sa pwesto ko. Para pa rin akong naistatwa. Hindi makapaniwala sa nangyayari. Tila nananaginip ako.

"I texted you to open the door but you didn't response. Luckily, you forgot to lock your door." Tiningnan niya ako. "Next time, always lock the door."

Napatango lang ako sa mga sinasabi niya. Siya pala ang nagtext. I wonder where he gets my number. Probably from Drew. No other person is willing to give my number to him unless its Drew

"I think you're not yet done on what you are doing? You can continue. I'll just wait you here, Aina."

"Yeah. Sure. Okay." Wala akong ibang masagot sa kanya. I'm still shock for he is here. Talking to me. Smiling at me. Calling my name, Aina, not Son.

I heard him laugh. The sweetest laugh I've ever heard. "Magkakasakit ka sa ginagawa mo." Lumapit siya sa akin. Napaatras naman ako nang buksan niya ang pinto ng banyo. "Tapusin mo na ang paliligo. Dito lang ako. Ah. Bilisan mo pala ng konti dahil nagugutom na ako."

Hindi na ako nakapagsalita nang itulak niya ako ng mahina papasok ng banyo.

Nang sarhan niya ang pinto ay napapitlag ako. Naghabol ako ng hininga dahil pigil na pigil na pala ang paghinga ko kanina. Para akong nagising sa magandang panaginip. Bumalik ako sa reality. Pero ang puso ko ay patuloy pa ring tumitibok ng mabilis dahil sa taong iyon.

Napalingon ako sa nakasaradong pinto ng banyo. Totoo ba talaga? The way he talk. The way he smiled at me. The way his eyes glow when he's looking at me. Totoo ba talaga?

"Hurry up, Aina."

Napangiti ako nang marinig ko ang sigaw niya. "Alex," bulong ko sa pangalan niya.

Ito na ba ang simula nang pagbabalik ng dati naming samahan? Ito na ba ang simula na hinihintay ko?

I hope.

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon