Invisible

3.1K 46 5
                                    

"Naging visible na ako sa paningin niya. Naging mundo na niya ako, buhay niya at nag-iisang taong gusto niyang makasama. Pero ang pagkakataong iyon ay nagwakas noong hindi ako sumipot sa napag-usapan naming lugar. Ang araw na pinakamahalaga sa kanya.

Alam ko namang kasalanan ko. Kaya na bumalik ako sa kanya. Akala ko... akala ko siya pa rin ang lalaking nakilala ko noon pero hindi. Nagbago na siya.

Dahil simula noong bumalik ako para sa kanya...

Naging INVISIBLE na ako sa kanya, na parang hindi ako nag-e-exist, na parang hindi niya ako kilala.

Pero sobrang mahal ko siya kaya willing akong maghintay hanggang sa maging VISIBLE na ako ulit sa kanya. Kahit ang magpanggap na ako ang babaeng gusto niya. Alam ko... darating ang araw na maiisip niyang ako ang nararapat para sa kanya."

-Aina Maria Ysabelle

"Mahal ko siya. Mahal ko siya noong una ko pa lang. Love first sight as what they've said. Mahal ko siya kahit INVISIBLE ang damdamin ko para sa kanya.

Tanggap ko namang mahal niya ang pinsan ko, na mahal nila ang isa't isa. Alam ko ring masaya siya at 'yon ang ang gusto, ang makita siyang masaya... kahit hindi ako ang dahilan ng kasiyahan niya.

Pero bilang lalaking nagmamahal sa kanya ng patago, gusto ko rin namang maging VISIBLE sa paningin niya. Hindi bilang kaibigan, kung hindi ay bilang lalaki.

Pero maatim ko bang masira ang relationahip na meron siya ngayon sa pinsan ko?

Mamahalin ko na lang siya ng patago. Aalagaan.

Kahit INVISIBLE ako sa kanya."

-Alexander Morrison

Mahal ko siya at alam niya 'yon. I've been vocal to her ever since I met and be a part of her band. Pero lagi niya na lang akong tinatawanan kapag nagsisimula na akong magsabi ng nararamdaman ko sa kanya.

Hindi ko alam kong inaakala niya lang na nagbibiro ako o talagang ayaw niya lang pansinin ang nararamdaman ko sa kanya dahil baliw na baliw siya sa taong INVISIBLE naman ang turing sa kanya.

Halos ipagsigawan ko na nga sa boong mundo na mahal ko siya pero heto, nagbibingibingihan siya. Tinuturing niya pa rin akong INVISIBLE kahit kitang kita naman niya ang tunay kong nararamdam sa kanya.

Hindi ba pwedeng AKO at SIYA na lang? Hindi ba pwedeng maging VISIBLE kami at hindi na niya mahalin ang isang taong INVISIBLE ang turing sa kanya?

-Leo de Castro

------------------------------------------------------------------------------

mensahe ni michiimichie

Nakakadepresd 'tong basahin. Swear! Kahit ako nadedepress sa pagsusulat. Haha! Ayon lang. Baka magreklamo kayo na bakit ganito, ganyan. Sadya po.

8/7/13

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon