I Was Always Here
Jac Fernandez•••
Sa mataong cafeteria nagtipon-tipon lahat ng estudyante matapos ang Career Convocation Talk. Diretso lamang ang mga mata ko habang patungo sa palagi naming pinupwestuhan ni Eric kapag recess o lunch; malapit sa exit at patagos na rin papuntang chapel. Tahimik kasi roon, at kung may makiki-seat in man, paniguradong madalang dahil doon paminsan tumatapat ang sikat ng araw. Ramdam ko ang tingin ng mga ka-batch at pati na rin ng mga kaklase ko sa'kin dahil sa naging outburst ko kanina lamang; kapag tinititigan ko sila pabalik, ay sila naman ang umiiwas.
Prente akong umupo sa pwesto namin at humalukipkip. Hindi na 'ko nag-abala na bumili pa ng pagkain dahil nawalan na 'ko ng gana. Si Eric naman ay tahimik na naupo sa silya tapat ng akin, naka-iwas lang 'to at parang nag-iisip na kung ano ang sasabihin n'ya sa'kin. Alam ko naman na wala s'yang kasalanan, at alam akong hindi naman ako dapat galit, pero bumugso ang emosyon ko kanina dahil may pinanghuhugutan iyon.
Pinakalma ko ang sarili ko gamit ang paghinga nang malalim, ayoko naman na mag-away kami.
Bumilang ako ng tatlong segundo bago magsalita lalo na't alam ko na kung hindi ako ang magsisimula ng usapan namin ay walang magsasalita hanggang matapon ang lunch time. "Eric..." panimula ko na nagpataas ng noo n'ya. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" malumanay kong tanong.
Yumuko muli s'ya bago magbigay ng tango, napa-awang naman ang bibig ko dala ng pagkadismaya sa tugon n'ya. Binagsak ko ang dalawang kamay ko sa lamesa. "Nababaliw ka na ba? Hindi ako p'wedeng mag madre!" bulalas ko na nagpagulat sa kan'ya.
Sa kabilang banda ay may narinig akong malakas na hagalpak, at alam na alam ko kung kanino galing iyon—kay Joseph, siya lang naman ang matatawa at may ganang pagtawanan ako sa ganitong sitwasyon. Dala-dala nito ang lunch tray, mukhang pupwesto na 'to sa bakanteng espasyo sa tabi ni Eric. Bago pa 'ko makapag protesta na paalisin s'ya ay nagawa na 'yang maupo.
"Wala naman akong sinabi na mag madre ka..." pabulong na sabi ni Eric.
"Bawal ka talagang mag madre dahil bawal do'n ang may sungay," sunod ni Joseph. Ginawi pa nito ang dalawang hintuturo n'ya sa ulo.
Napa-arko ang kilay ko. "Fuck-" ibabanat ko pa lang sa kan'ya ay sumabat na 'to.
"Ops ops ops! Bawal do'n ang nagsasabi ng bad words," aniya at ginawi naman ang hintuturo n'ya sa may labi, sinasabi na huwag ko na ituloy ang sinasabi ko.
"P'wede ba, usapang magkaibigan 'to kaya wag kang sabat nang sabat. Chupi!" taboy ko sa kan'ya na parang nanggagambalang langaw sa hapag.
"Bakit magkaibigan naman kami ni Eric, ah?" Inakbayan nito ang tinutukoy n'ya. "'Di ba, p're?" Nawala ang seryosong mukha ng kaibigan ko at napangiti naman 'to ng saglit kahit alam kong pilit 'yon.
Nabuhos ko naman ang gigil ko sa kamao ko na gusto kong ipadapo kay Joseph kanina pa.
"Tsaka ano naman kung gusto n'yang pumasok sa seminaryo, at ayaw mo? Nanay ka ba n'ya?" tuloy pa rin nito.
Napa-awang ang bibig ko sa tuloy-tuloy na banat nito sa'kin. Naghahanap ako ng masasabi, pero walang lumalabas sa bibig ko. Hindi ako makapag mura dahil sa gilid ng mga mata ko ay nahagip ko ang isa sa mga madre rito na naglilibot.
Pero t̶a̶n̶g̶i̶n̶a̶ bakit ba nakakabwisit s'ya?
Umiling 'to at pumalatak pa. "Kumain ka muna dahil nakakapagod magalit. Bye, Bee." Bago pa maubos ang pasensya ko ay umalis na rin naman 'to ng kusa, patungo sa hindi ko alam. Parang naki-seat in lang s'ya kanina para talagang inisin ako. Ganoon naman talaga si Joseph, oo matalino s'ya at kilala s'ya ng karamihan sa mga ka eskwela namin, pero hindi s'ya pangkaraniwan. May sarili s'yang mundo na ayoko nang pasukin pa.
BINABASA MO ANG
I Was Always Here
Teen FictionStuck with the idea of wanting to be great, Ma. Bianca's life after high school becomes even hazier as she's clueless about what she truly wants to be to achieve that 'greatness.' Her insecurity heightened when she finds out that Eric Jenkins, her b...