I Was Always Here
Jac Fernandez•••
Si ate Patricia ang sumalubong sa'kin sa bahay; siya ang nag-iisa kong kapatid. Kaya naman nang makita ko s'ya, ay agad akong pumanik sa ikalawang palapag para iwasan s'ya at magkulong sa kwarto ko.
Kailangan kong mag-isip kung ano na bang plano ko sa buhay. Lahat sila, alam na nila kung saan sila patungo, pero heto ako na napako sa kinatatayuan. Buong buhay ko, akala ko na mas malalamangan ko sila sa lahat, na mapapatunayan kong hindi lang ako sa eskwela magaling at lalong hindi lang ako book smart.
Nagnilay-nilay ako habang suot-suot pa ang uniporme at nakahiga sa kama. Nakatuon lang ang mga mata ko sa kulay puti na kisame, hinahanap ang sagot sa mga palamuting bituin na dinikit ko nakaraang taon lang. Inaantok ako habang nakatingin doon pero may nagpabalik sa'kin sa wisyo ng tanungin ko ang sarili ko.
Susukuan ko na lang ba nang ganoon na lang si Eric?
Napabalikwas ako ng tayo. Hinawi ko ang buhok ko gamit ang mga daliri pagkatapos ay tumungo sa lamesa ko upang maupo. Hindi pa naman huli para gumawa ng plano, nasa buwan pa lang kami ng Agosto, marami pang p'wedeng mangyari. Higit sa lahat, kaya ko pang baguhin ang desisyon ni Eric.
Sa tabi ng lamesa ko ay abot kamay lang ang bookshelf ko na kasama ko na mula sampung taon gulang pa lang ako kaya naman medyo bumibigay na ang paa nito. Nakasiksik ang journal ko sa gitna ng mga libro at ang mga nakaraang issue ng Bukang Liwayway noong kasapi pa nila ako. Ginawa ko iyon para masiguradong walang makakakita at walang sinumang makakabasa.
Binuklat ko ang violet faux leather na pabalat ng journal ko simula fifteen years old ako, hanggang sa makarating ako sa blankong pahina nito. Itanali ko ang buhok ko gamit ang panyo mula sa bulsa ng palda ko, at saka kumuha ng panulat sa isa sa drawer ng lamesa.
Huminga ako nang malalim bago tuluyang isulat ang mga pumasok sa isip ko sa kasalukuyan.
Date: August 1, 2018
The Plan
1. Change Eric's mind. Convince him to go to the same college and fulfill our promise!
2. Ignore Joseph at all costs.
3. Figure out what I wanted to do with my life. Try other clubs, try sports, just try everything!
4. Pass the St. Gabriel's College entrance examination.
5. Make the most out of my last year in highschool.
BINABASA MO ANG
I Was Always Here
Teen FictionStuck with the idea of wanting to be great, Ma. Bianca's life after high school becomes even hazier as she's clueless about what she truly wants to be to achieve that 'greatness.' Her insecurity heightened when she finds out that Eric Jenkins, her b...