15

16.6K 830 38
                                    

Zemira's POV

Nangangawit na ang aking mga balikat at medyo pinagpapawisan narin ako dahil sa bitbit-bitbit kong mga extrang damit ni Iseah na nakalimutan nyang dalhin,may gagawin daw kasi silang role play kaya naman sa sobrang excited at pagmamadal
i ay nakalimutan nya ang costume nya.

Dala nya rin ang kotse nya samantalang ako ay naglalakad lang.Ayoko naman na magkotse dahil nakakatamad magdrive, mas gusto ko ang maglakad.

Sinubukan ko rin na tawagan si Iseah kanina para ipakuha at sabihin na nakalimutan nya ang costume nya pero nakapatay ang cellphone nya.

Habang naglalakad ako ay may tumigil na magarang sasakyan sa tabi ko kaya napatingin ako doon pero nakataas ang salamin nito at tintend ang salamin kaya hindi ko makita ang loob.

Ibinalik ko nalang uli sa daan ang paningin ko at hindi pinansin ang kotse na nasa gilid ko pero sunod ng sunod ito sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad at ganon din ang kotse.Kunot noo kong hinarap
ang kotse bago sipain ang ibaba nito.

"Hoy!Gago!lumabas ka dyan!" Malakas kong sabi.Hindi ko alam kung kanino at sino ang may ari ng kotseng ito pero nasisiguro ko na sa kaklase ko ito dahil pamilyar.

Bigla nalang bumaba ang salamin nito at unang sumalubong sakin ang kulay violet na buhok nito.Nakasuot ito ng shades at nakatingin sa harap, kitang kita ko tuloy ang matangos nitong ilong.

Pake ko sa ilong nito?

Tinanggal nya ang shades nito at unti-unti itong lumingon sa gawi ko.Agad na nangu not ang noo ko.Sino nga to ah? Alam kong kaklase ko to e.Sya yung kalapit ni Spade na tahimik rin e.Sino nga to ah?.

"Anong kaylangan mo?Bakit mo ako sinusundan?Sino ka?Alam kong kaklase kita pero hindi kita kilala"seryosong sabi ko dito.Mahina naman syang natawa.

"Lucas Matthew"pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay.Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa kamay nya at tumingin sa kamay ko na may hawak na hanger,mahina syang natawa bago binawi ang kamay.

"Anong kaylangan mo?"malumanay kong tanong.

"Need a ride?"tanong nya sabay tingin sa bitbit ko.Ayoko sanang sumabay sa kanya kaso matatagalan at mapapagod ako kung hindi ako sasabay.

Napabuntong hininga ako bago sumagot. "Sige"sagot ko sabay ngiti. Tumango lang sya bago bumaba sa sasakyan at kinuha ang mga costume na bitbit ko bago ilagay sa likod.

Pumunta naman ako sa passenger at umupo,pumasok narin sya.

"Bakit may dala kang costume?" Tanong ni Lucas habang nagmamaneho at hindi ako nililingon."Wala akong natatandaan na may role play tayo"dagdag pa nito.

"Kay Iseah yan.Nakalimutan nyang dahil sa sobrang excited at pagmamadali kaya nakalimutan"nakanguso kong sagot.

"Bakit hindi mo tawagan para ipakuha yan?"tanong ko ng hindi ako nililingon. Imbis na sagutin ang tanong nya ay ako ang nagtanong na ikinagulat nya.

"Kelan at bakit nyo ako sinusundan" Tanong ko dahilan para mapapreno sya ng wala sa oras.Agad akong sumubsob sa umahan dahil wala hindi nakakabit ang aking seatbelt.

"Aray"mahinang daing ko ng tumama ang noo ko sa harapan ng sasakyan,mahina ko iyong hinimas at tinignan si Lucas na gulat na nakatingin sa akin."Bakit bigla bigla kang tumitigil?"medyo inis kong tanong dito.

Tulala lang syang nakatingin sa akin hanggang sa natauhan sya.

"S-sorry,masakit ba?"tanong nito.

PART 1:The Only Girl In Section Gangster | Only Girl Series #2Where stories live. Discover now