88

10.3K 672 180
                                    

Zemira's POV

Matagal s'yang naka titig sa akin at ganon din ako bago ako ang unang umiwas ng tingin.

"Alam mo, Ube. Ipinagpatuloy mo lany yang pag-aadik mo," sabi ko. Bumaling ako sa kan'ya. "Matulog ka na uli,"

"Babantayan mo 'ko?" Ngumiwi ako.

"Aalis din ako pag-tulog mo," sabi ko.

"Iiwanan mo'ko dito? Mag-isa?" Tanong nito.

Hindi ako nakapag salita at napa kagat na lang sa ibabang labi.

Ang pangit naman siguro tignan na iiwanan ko s'ya dito mag-isa habang may sakit s'ya 'no? Pagkatapos ng mga ginawa n'ya sa'kin.

Bumaling ako sa kan'ya. "Aalis ako kasi ibabalik ko pa ang mga pinagkainan mo sa baba," pagpapalusot ko.

Ngumiwi ito. "Promise me," agad muli akong napa tingin sa kan'ya. "You won't leave me," agad na nangunot ang noo ko ng maramdaman ko na para itong nagmamakaawa. "...i want to spend more time with you"

Ngayon pa nagbiro ang tiktik.

Ngumiti ako sa kan'ya. "Sure, i won't leave you" sabi ko. Nagulat ako ng kuhanin n'ya ang kamay ko.

"Promise me,"

Muli akong ngumiti sa kan'ya. "I'm staying beside you," sabi ko bago higpitin ang kapit sa kamay n'ya. "Magpahinga ka na, babantayan kita hanggang sa maka tulog ka" sabi ko.

Tumango lang ito bago humiga. Inalalayan ko pa ito bago kumutan.

Nang mapansin ko na naka titig lang ito sa akin at hindi natutulog ay agad akong nagsalita .

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko.

Inilahad n'ya ang kamay sa akin. Naka kunot lamang ang  noo ko habang naka tingin sa kamay n'ya.

"I want to hold your hand, until i fall asleep and wake up.... I want, when i wake up you will still be by my side"

Speechless. Awkward.

"Gan'yan ba pag nagkaka sakit ka?" Nangunot ang noo n'ya. "Bumabait tapos parang ibang tao," sabi ko. "Baka hindi ka na si Spa---" natigilan ako. "--- Ube, ha?" Pagtutuloy ko.

Muntik na!!!!!!!

"At isa pa, hindi mo naman na kailangan na hawakan ang kamay ko, hindi naman kasi ako aalis," sabi ko. "Pagsinabi ko, sinabi ko" dagdag ko pa.

Bigla itong bumusangot at tinalikudan ako na ikinakunot ng noo ko. Nagtaklob din ito ng kumot.

Tampo yarn?

Napa ngiti na lang ako dahil may gan'to pala s'yang side.

Cute.

---

Nagising na lamang ako dahil may nararamdaman akong parang may nanonood sa akin o mas tamang sabihin na naka titig sa akin.

Unti-unti kong dinilat ang mata ko at agad akong nahulog sa kinauupuan ko. "Aray!" Daing ko bago hawakan ang balakang.

Agad kong sinilip ang kalahati ng mukha ko sa kama ni Spade. Pagdilat kasi ng mata ko ay sobrang lapit ng mukha ni Spade sa akin, naka tagilid ito habang naka tulod ang isang kamay sa may siko.

Nginitian n'ya ako ng malaki pero halatang may lagnat pa rin ang loko.

"Good evening, Little Monster" ngiting- ngiting sabi nito. Mabilis ko naman na sinamaan ito ng tingin.

PART 1:The Only Girl In Section Gangster | Only Girl Series #2Where stories live. Discover now