73

14.2K 755 328
                                    

Zemira's POV

Wala nanamang klase ngayong araw, kahapon ay wala, ngayon ay wala din. Lagi nalang wala'ng klase.

Nandito ako ngayon sa roof top at mag-isang nagpapahangin, hawak-hawak ang gitara na niregalo sa akin ni Kian.

"Ah, you're here, kanina pa kita hinahanap" agad akong napatingin sa may pintuan ng rooftop ng marinig ko ang boses ni Lucas.

Ngumiti ako sa kanya."Bakit mo naman ako hinahanap?" Tanong ko.

Umupo sya sa tabi ko bago tignan ang malawak na school ground. Nagkibit balikat sya.

"I don't know, gusto ko lang makita ng mata ko" sabi nya bago ako lingunin at ngitian, ngitian ko lang sya bago naiiling na iiwas ang tingin.

"Para'ng tanga to!" Pigil ngiti'ng sabi ko.
Mahina ito'ng natawa bago tapik-tapikin ang ulo ko na ikinanguso ko.

"You're so cute" sabi nya bago pisilin ang pisngi ko dahilan para lalo ako'ng ngumuso.

"Alam ko yun, Lucas. Wag mo ng ulitin pa" sabi ko bago mahina'ng matawa.

Sa hindi ko alam na dahilan ay bigla nalang kami natahimik na dalawa, pina kikiramdaman ang isa't isa hanggang sya ang una'ng magsalita.

"Crush..." sabi nya. Kunot noo ko naman sya'ng nilingon pero ang tingin nya ay nasa baba parin.

"Huh?" Naguguluhan na tanong ko.

"Who's your crush in Section G?" Tanong nya dahilan para manahimik ako.

"Secret..." sabi ko dahilan para lumingon sya sakin. Umiling ako, "Nakwento kasi sakin ni Iseah na may nag-away daw sa inyo dahil sa babae, sa pag-amin ng babae" ngumuso ako. "...kaya hindi ko nalang sasabihin" sabi ko na lalo'ng naka pag pahaba ng nguso ko.

Narinig ko ang malakas nya'ng buntong hininga. "Okay, i won't force you"

Muli kaming nabalot  ng katahimikan bago ako magsalita.

"Lucas..." my voice broke. Tumigil muna ako at natahimik ng ilang segundo bago muli'ng magsalita. "Pwe....pwede ba'ng pakibantayan si A..." huminga ako ng malalim. "Amira" sabi ko bago kagatin ang pang-ibaba'ng labi para pigilan ang luha.

"W-why?" Naguguluhan nito'ng tanong pero hindi nya parin ako nililingon.

"Basta, pakibantayan si Amira, ha? Sayo ko sya ipagkakatiwala" sabi ko habang malalim ang bawat paghinga.

Nang nilingon nya ako ay agad sya'ng nataranta. "Why are you crying? Is there's something wrong?" Tarantang tanong nito.

Wala sa sarili'ng napa hawak ako sa pisngi ko. Basa. Luha. Umiiyak ako.

Wala'ng alinlangan nya'ng hinawakn ang pisngi ko na ikinagulat ko, pinunasan nya ang luha ko gamit ang hinlalaki ng daliri nya.

Lumamlam ang mata nya ng magtagpo ang mata namin. "Kung may gusto ka'ng sabihin, sabihin mo lang. Makikinig ako"
Malumanay nito'ng sabi habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

Nagpilit lang ako ng ngiti at umiling.

"Wag na. Hindi naman kailangan"
Bumuntong hininga sya bago bitawan ang pisngi ko, akala ko ay hindi na nya ako hahawakan pero nagulat ako ng hawakan nya ang dalawa ko'ng kamay na ikinagulat ko. "Lu-lucas..." gulat ko'ng tawag sa kanya.

Bumuntong hininga sya bago pumukit at magdilat, hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko na ikinataka ko.

"Tumingala ka..." sabi nya.

PART 1:The Only Girl In Section Gangster | Only Girl Series #2Where stories live. Discover now