96

10.3K 698 345
                                    

Zemira's POV

Doon ako natigilan.

Yumuko ako at hindi masagot ang tanong n'ya. Ramdam ko ang tingin nila sa akin lahat, lalo na ni Spade.

Kumuyom muna ang kamao ko bago malakas na bumuntong hininga. "Why did you leave me?" Ulit n'yang tanong.

"Dahil gusto ko kayong protektahan," inangat ko ang tingin sa kan'ya. At sa unang pagkakataon ay muli kong nasilayan ang kan'yang mukha. "... lalo ka na" dagdag ko habang naka tingin ng diretso sa mata.

Umiwas ako ng tingin. "Leave us two alone," malamig na sabi ni Spade. Walang  sabi-sabi na nagsitayuan ang mga hunghang at isa-isang lumabas. Tinapik pa nila David ang balikat ko bago tuluyang isara ang pinto.

Naiwan kaming dalawa ni Spade dito sa class room.

Matagal na namayani ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa ako na ang unang bumasag ng katahikan.

"My ex-boyfriend is a psychopath. He's always beaten me up. Lagi n'ya akong binubugbog simula ng maging kami. Hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko ang ginagawa ni Gilbert na pangbubugbog sa akin, hanggang isang araw ay nalaman nila ang ginawa n'ya sa 'kin. Sobra ang galit nila kay Gilbert no'n, balak sanang sugudin ni Luke si Gilbert pero pinigilan ko lang at nagmakaawang 'wag ng puntahan" naka tingin lang ako sa labas habang nagkukwento. "Naging impyerno ang araw-araw ko sa kamay ni Gilbert, suntok, sipa, tadyak ang araw-araw na natatanggap ko sa kan'ya sa tuwing iinom s'ya. Seloso s'yang tao maging ang kuya ko ay pinagseselosan n'ya. Nagbanta s'ya sa 'kin na kapag nalaman n'ya na may kabit ako ay papatayin n'ya ako pati ang pamilya ko..." ramdam ko ang titig sa 'kin ni Spade. "Hanggang isang araw, hindi ko na nakita sa Gilbert at doon ko lang nalaman na pinakulong na s'ya ng mga kaibigan ko.... at ngayong malaya na s'ya muli. Panigurado na ako ang una n'yang babalikan pag balik n'ya dito sa pilipinas"

"Bakit mo kami pinoprotektahan sa kan'ya?" Malamig pa rin ang boses nito.

"He's a silent killer, hindi ko alam na ang mga tao'ng pinagseselosan n'ya ay pinapatay n'ya. Hindi ko rin alam na drug addict s'ya at miyembro s'ya ng snake clan..."

Binaling ko ang tingin sa kan'ya.

"Ayoko kayong madamay. Ayokong may mawala ng sa inyo ng dahil sa 'kin. Hindi ko kakayanin na kung pati kayo ay balikan n'ya...." sinalubong ko ang tingin n'ya. "Lalo ka na... hindi ko kakayanin na kung pati ikaw mawala sa akin..." sabi ko dahilan para makita ko na napa lunok ito.

"Hindi ko alam kung kakayanin ko na kung pati ikaw ay mawawala," nagsimulang magtubig ang mata ko. " Umalis ako dahil kailangan ko rin magpahinga sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Ang hirap ng mag-isa lalo na kapag wala ka," nanlalabo ang aking mata habang naka tingin sa kan'ya. "Araw-araw kitang tinatanong kay Ms. Reyes kung kamusta ka na. Ang hirap kapag wala ka sa tabi ko , nasanay ako sa presensya mo, nung panahon na umiiyak ako, ikaw yung na sa tabi ko. Ikaw yung nasasandalan ko sa panahon na pagod na pagod na ako. Ikaw yung naging comforter ko kahit alam mo na hindi tayo nagkakasundo, ikaw yung laging na sa tabi ko nung panahon na wala akong masasandalan... Ikaw yung tao'ng kahit hindi ko kailangan ay dumadating. "

"Ikaw yung clown ko na sa tuwing iiyak ako. Ang hirap ng mag-isa lalo na sa bawat gabing nadaan ay umiiyak ako ng dahil sa 'yo..." doon na nagsimulang tumulo ang luha ko. "Iniiyakan kita dahil gusto na kitang makita, gusto na kitang mahawakan, gusto na kita makasama, gusto na kitang mayakap, gusto ko ng umiyak sa tabi mo, gusto ko ng makipag away sa 'yo, gusto ko ng makipag tawanan sa 'yo, gusto na kitang makitang mapikon, gusto na kitang makitang naka ngiti, gusto ko ng awayin mo na ako, gusto ko ng mag-away tayo, gusto ko ng magsigawan tayo pero lahat ng iyon ay hindi ko magawa dahil malayo tayo sa isa't isa..."

PART 1:The Only Girl In Section Gangster | Only Girl Series #2Where stories live. Discover now