Part 8 . . . Space Battle Plan

86 6 0
                                    

"Space Battle Plan"

-----------

Lumabas sa War Room  sina Michael at ang apat na Immortals. Tapos na ang pulong nila ng kanyang mga pinuno. Magkasabay na naglalakad sina Arielle at Michael. Nasa likuran nila ang tatlo.

"Arielle ano sa tingin mo yung battle plan ko?"

"Maganda naman. May element of surprise. Kaya lang ay masyadong marami ang mga Krypsians at hindi natin alam pa gaano kalakas ang kanilang puwersa sa kalawakan. Tiyak ako katulad ng ginawa nila sa atin ay may nakatago silang battleship.

"Hmmm. Tama ka Arielle. Mag-aadjust tayo ng plano kung sakali man."

"Aramis ano ng balita sa ginagawa mo?"

"Nasa production stage na Arielle. Hay naman. Nakulta ang utak ko sa laser na yun. Tinawag kong Molecular Beam ang bagong laser ray."

"Okey. Sana Aramis Beam. Hi hi hi! Athena gaano kabilis magagawa ang mga lasers?"

"May 40 robots ang nag-aasemble ngayon Lt. Comdr. Arielle. May natapos na silang  mahigit sa walong daang piraso."

"Good. Continue ang paggawa kahit nasa Mantodea na tayo. Ang tapos na ay ipadala sa Armory Chief para madistribute sa mga Space Warriors Commanders ng bawat platoon."

"Affirmative commander."

Pumasok silang lima sa Command Bridge.

"Captain Estimated Time of Arrival natin sa labas ng solar system ng Mantodea is 4 days  and 16 hours, Earth Time." sabi ni Athena.

"Thank you Athena. Yakra napansin mo ba kung may mga spacecrafts ang mga Krypsians."

"Mayroon captain. May landbase na istasyon sila sa malaking buwan namin at tatlong scout ships na umiikot sa aming planeta."

"Dapat pala ay malayo pa lang ay lumabas na tayo sa SWH."

"Tama ka Michael." sagot ni Arielle.

"Athena raise Battle Station Alert level 1."

"BSA level 1 up captain." Tumunog ang sirena.

"Comdr. Reeves reduce our speed to Warp Drive 1."

" Aye aye captain. Reducing speed to WD 1."

"Athena raise Cloacking shield pagkalabas natin sa WDG."

" Affirmative captain."

" Cmdr. Reeves reduce our speed to Space Drive 1 then take us out of SWH."

"Aye aye captain. Reducing speed to SD 1. Open WDG Athena.

"WDG opening Comdr Reeves."

Malayo pa lang sa solar system ng Mantodea ay lumitaw ang Warp Drive Gate. Marahang lumalabas dito ang battleship  ES Aries. Pagkalabas ay biglang nawala ang battleship kasunod na nawala ay ang WDG.

"Cloacking shield up captain."

"Athena gaano tayo kalayo sa Mantodea?

" Two light years captain ang layo natin mula sa solar system ng Mantodea."

"Scan Athena ang buong solar sytem for mechanical  energy pulses and  communication signals."

"Scanning captain."

Lumitaw sa malaking video screen ang solar system ng Mantodea. May labing dalawang planetang umiikot sa kanilang araw. Bawat planeta ay may kanya-kanyang mga buwan. May ilang planeta na katulad ng planetang  Saturn na mas malaki ang mga masses at diyametro.

The Immortals (Sequel Of Red Moon, On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon