Part 2 . . . "Krypsians"

149 7 2
                                    

"KRYPSIANS"

---------

Papalapit ang higanteng Extractor spacecraft ng mga Krypsians sa isla. Nakadefensive cloaking ito at hindi nakikita ng apat kung ano ang hitsura ng malaking spacecraft. Nararamdaman lang nila ang malaking pwersang paparating.

"Arielle nakikita mo na ba?" tanong ni Amber.

"Hindi pa pero napakalaki niya. Humanda kayo.!" sagot ng dalaga.

Umalimbukay ang makapal na ulap na likha ng Extractor. Kumikidlat dahil sa naghalo ang init at lamig ng hanging palibot sa Extractor. Unti-unti itong lumilitaw. Lumakas ang mga alon sa dagat sa ilalim ng spacecraft.

"Whoa! Napakalaking sasakyan niyan!" Sabi ni Aaron ng lubos na lumabas ang Extractor sa makakapal na ulap.

Mula sa ibaba ng higanteng spacecraft ay naglabasan ang mahigit sa isang daang attack spacecrafts at patungo sa kanilang apat.

"Here they come! Ano guys ang gagawin natin? Sobrang dami nila! " Sabi ni Aramis.

"Maghiwahiwalay tayo. Pasabugin ang kaya ninyong pasabugin!" sagot ni Arielle at nauna siyang lumipad pasalubong sa mga umaatakeng kalaban.

Sa bilis ng lipad ni Arielle ay hindi na siya nakikita ng mga nakakasalubong niyang spacecrafts. Nabuo ang mga pwersang enerhiya sa kanyang mga kamay. Sa bawat spacecraft ay dalawang magkasunod na pwersa ang kanyang pinapakawalan. Ang una ay para sirain ang enerhiyang harang ng spacecraft at ang ikalawa ay upang pasabugin ang spacecraft.

Nagkanya-kanya ang kanyang mga pinsan. Mula sa timog ay dumating ang fighter jets ng Singapore, Malaysia at Indonesia at sa hilaga ang fighter jets ng Pilipinas. Naging battle ground ang malapit sa isla ng mga fighter jets at spacecrafts ng mga Krypsians. Isang malaking dog fight ng mga spacecrafts at jet fighters ang naganap. Lamang ang mga Krypsians dahil hindi sila tinatalaban ng mga bala at missiles ng mga jet fighters.

"Aramis may mga harang sila. Pasabugin ninyo muna ang kanilang mga harang para may laban ang mga kapanalig natin!" Sabi ni Arielle na narinig ng tatlo.

"Copy Arielle! Yahoooooo! Laban nato!" Sigaw ni Aramis.

Nakasiyam na spacecrafts si Arielle bago siya nakalapit sa Extractor. Dumikit siya sa harang. Hinawakan niya ito. Nagbaga ang kanyang kamay at lumikha ito ng malaking butas. Pumasok siya sa loob ng harang. Ngayon ay kitang kita na niya ang Extractor ng malapitan. Bumilis ang kanyang lipad. Bumukas ang maliliit na portals ng Extractor at lumabas ang mga tila kanyon.

"Pzzzzzttt! Pzzzzzt! Pzzzzzzt!"

Mga pula at asul na rays ang lumabas sa dulo ng mga kanyon at iniiwasan ito ng dalaga. Dumikit siya sa tila bakal na shell ng Extractor. Hinipo niya. Malamig ang shell.

Gamit ang dalawang palad ay idinikit niya ang mga ito sa shell. Nagbagang kulay asul ang kanyang mga kamay at natunaw ang shell. Pumasok siya sa loob.

Isang malaking pasilyo ang napasok niya. Kakaiba ang disenyo. Malansa ang amoy ng paligid tulad ng sa dagat kapag nasa dalampasigan ka. Malamig ang hangin sa loob. Namamasa ang sahig na bakal na tila nilulumot pa pati na ang dingding. Makulimlim ang liwanag ng mga ilaw. Sapat lang upang makita ang daraanan. Sa dulo ay isang malaking bilog na pintuang bakal na naka air locked.

Sumingasing si Arielle. Tumingkad ng kulay berde ang kanyang mga mata. Naglaro ang kanyang mahabang pumulang buhok dahil sa enerhiyang biglang bumalot sa kanyang buong katawan. Umaangat siya sa sahig. Nabuo sa kanyang harapan ang kulay asul na apoy. Nag-aalimpuyo ito dahil sa natinding init,

"BLAM!" Sumabog ang pintuang bakal at tumilapon papaloob. Lumantad kay Arielle ang kakaibang malaking bahagi ng spaceraft. Nakapasok siya sa Factory. Bakante pa ang mga makinarya. Wala pang bihag na nakuha ang mga Krypsians.

The Immortals (Sequel Of Red Moon, On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon