Part 12 . . . "Moneba"

130 10 7
                                    

"Moneba"

"Captain Krypsians spacecrafts detected!"

Lumitaw sa video screen ang maraming spacecrafts na biglang lumilitaw sa kalawakan malapit sa malaking  buwan ng Mantodea. Nakatingin sina Arielle.

"Sila na ang mga tumakas sa pinasabog kong battleship."

"Ang dami nila Arielle. Manganganib ang ating mga fighters at shuttles sa kanila kung aatake tayo ngayon.

"Tama ka Michael kaya change battle plan tayo. Aramis ilan na ang mga natapos na BM lasers?"

"May limang libo na Arielle."

"Kunin na muna ninyo at dalhin kina Obrish. Yakra samahan mo muna sila."

"Sige Arielle."

"Kailangan ay marami muna tayong matanggalan ng collars. Yakra sabihin mo kay Obrish na putulin lang ang mga collars at huwag munang tatangalin sa kanilang mga leeg. Wala ng bisa mga yun kung putol na para hindi makahalata ng mga kalaban. Kailangan natin ng maraming kakampi."

"Oo nga maganda yan Arielle. Ipahahanda ko na muna ang mga lasers." Lumabas siya ng CB.

"Anong gagawin natin Arielle?"

"Gusto kong makita kung gaano kalakas ang pwersa nila sa planeta. Athena mai-scan mo ba ang ang mga kontinente at isla?"

"Oo Arielle. Scanning now!"

Lumabas sa video screen ang planeta. Lumalaki ito. Ipinapakita ang isang malaking kontinente at may mga isla pang malapit dito.

"Arielle may malaki kaming siyudad diyan, ang Uruk. Mahigit na isang daang milyon sa amin ang naninirahan diyan. Malapit ang Uruk sa karagatan"

Hinanap ni Athena ang sinabing siyudad ni Yakra at nakita. Pinalaki niya ang pokus.

"Malaking siyudad nga yan. Ano ang malaking bilog na gusali sa gitna ng siyudad at parang moog ang palibot. Marami silang mga parang bunkers sa palibot ng bilog. Ahhh! Mga laser canons! Malakas ang depensa ng bilog."

"Iyan ang mga una nilang ginawa noong bago pa lang nila kaming nasakop Arielle. Marami ang katulad niyan. Apat lahat diyan lang sa isang kontinente at may apat pa sa kabilang kontinente. May isang nakahiwalay, ang pinakamalaki sa kanila at nasa isang malaking isla. Bawal kaming pumasok o lumapit sa mga bilog na iyan. Ang katabi niya ay ang malaking gusali kung saan nakatira ang kanilang pinakamataas na pinuno, isang heneral. Sa isla ay may isa pa silang itinayong palasyo na malakas ang depensa. Doon pumupunta ang kanilang hari kapag naririto sa aming planeta. Walang Mantodean ang maaaring lumapit sa isla." Pinagmamasdan nilang lahat ang kontinente palipat-lipat ng pokus si Athena. Hinanap niya ang mga bilog na gusali.

May mga attack spacecrafts at Bultrax na lumilipad sa ibabaw ng mga siyudad. Nakalapag ang karamihan palibot sa loob ng siyudad at sa labas. May mga nakalapag na Extractor spacecrafts sa labas ng siyudad. Walang mga daan at kalsada ang planeta dahil hindi sila kailangan ng mga Mantodeans. Sa pagitan ng mga gusali ay nagpapatrulya ang mga Bultrax at Grogons.

"Athena gawan mo ng mapa lahat ng kontinente at mga isla lalo na ang sinasabing isla. Ilagay mo kung ano ang depensa nila. I-download mo ang mapa sa mga Video Screen wrist bands ng bawat isa sa atin."

"Okey captain."

"Duda ako sa gamit ng mga bilog na yan Michael. Baka ang mga yan ang humahawak ng mga collars."

"Maaari Arielle. Mga antenna marahil ang mga yan. Athena maaari mo bang ma-scan ang bilog.

"Scanning captain."

The Immortals (Sequel Of Red Moon, On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon