Part 1... "Ang Simula"

379 19 5
                                    


Apat na anak ng mga bampira na nag-evolved at nagkaroon ng kakaibang kakayanan at kapangyarihan. Sa pamumuno ni Arielle, sila ang naatasang magtatanggol sa buong mundo laban sa mga taga ibang planetang Krypsians na gustong sakupin ang buong mundo upang maging pagkain ang lahat ng mga nabubuhay sa daigdig. Sasalubungin nila sa kalawakan ang buong puwersa ng mga Krypsians na paparating mula sa planetang Kryps limangpung bilyong lightyears ang layo sa daigdig. Silang apat ang tinaguriang Immortals ng mga tao. Ang tanging pag-asa ng sangkatauhan.

***
No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system without the written permission of the author.

This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.

*******

"ANG SIMULA"

Taong 3000 A.D.

Umunlad na ang siyensa at teknolohiya sa buong daigdig. Nagka-isa na mga bansa at nabuo ang United Earth Alliance. Natanggap na ng mga tao ang mga nilalang sa dilim dahil sa isang minsang pagsalakay ng mga taga ibang planeta sa daigdig. Ang mga bampira sa tulong ng mga taong lobo ang lumaban sa mga aliens. Ang pakay ng mga aliens sa kanilang pagsalakay sa daigdig ay upang manguha ng mga nabubuhay sa daigdig bilang pagkain nila. Walang patawad ang mga Krypsian na nanggaling sa planetang Kryps limangpung bilyong lightyears ang layo mula sa daigdig. Makabago ang kanilang siyensa at teknolohiya. Mga dambuhala ang kanilang mga spacecrafts na halos kasing laki ng buong Australia ang kanilang ibang mother ships.

Taong 2998 A.D. ng maligaw sa mundo ang isang scout ship ng mga Krypsians. Nadiskubre ng mga Krypsians na ang mundo ay sagana ng mga makakain nila partikular na ang mga paborito nilang pagkain, ang mga tao na halos sampung billion na ang populasyon. Sa mga taong ito ay may sarili na ring mga spacecrafts ang daigdig at nakararating na ang mga tao sa pinakamalayong planeta ng Solar System.

Nagpadala ng advance invading battleship ang mga Krypsians sa daigdig. Nabigla ang mga pinuno ng iba't ibang bansa sa biglang paglitaw ng isang battleship ilang kilometro mula sa dulo ng atmosphere ng daigdig. Lumabas mula sa battleship ang daan-daang attack spscecrafts at pinsabog ang mga space stations at communication sattelites na umiikot sa planeta. Pumasok ang mga attack space crafts sa planeta at inatake ang mga air bases ng mga malalaking bansa.

Walang nagawa ang mga pangdepensang fighter jets at spacecrafts ng mga tao laban sa mga makabagong spacecrafts ng mga Krypsians. Ang battleship nila ay isangdaang kilometro ang diyametro na kayang wasakin ang buong Kalakhang Maynila at karatig na mga bayan kung lalapag dito. Naglalaman ito ng libong attack spacecrafts na kasing laki ng isang tourist bus. Makabago ang kanilang mga sandata. Isang saglit na sinag mula sa kanilang blue rays ay kayang butasin ang isang piyeng kapal na bakal.

May gamit silang Cloaking Defense System na naglalaho ang kanilang mga sasakyan na kahit ang makabagong mga radars ng mundo ay hindi makikita ang kanilang pagdating. Nagtataglay din ng dafensive shield ang kanilang mga sasakyan na kahit ang pinakamalakas na missiles ng mga tao ay walang silbi sa kanila. May isa pa silang klase ng spacecraft, ang Extractor Ship. Limang kilometro ang diyametro nito. Naglalabas siya ng dilaw na sinag na may anti-gravity particles at ang bawat masinagan ay hinihigop pataas at pumapasok sa Detention Chamber ng sasakyan. Dito hinihiwalay ang mga tao sa mga hayop. Mula rito ay dalawa ang pupuntahan ng mga nabibihag. Ang Factory na kinakarne na nila at inilalagay sa mga containers na magkahiwalay ang mga laman at dugo. Ang ikalawa ay ang Sleepers Chamber. Pinatutulog nila ang mga bihag para fresh sila pagdating sa planetang Kryps. Gusto nilang kinakain ng sariwa ang kanilang mga biktima. Mas bata mas masarap sa kanila. Kaya kung mga bata o sanggol ang kanilang nabibihag ay sa Delicacy Chamber ang punta. Inaalagaan sila rito. Pinatataba at pinalalambot ang mga muscles at mga pinuno lamang nila ang may karapatang kumain sa mga bata.

The Immortals (Sequel Of Red Moon, On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon