"ZACH, kumusta ang bagong school mo? Wala bang nam-bully sayo, anak?" tanong ni Mama saakin pagkagaling ko sa bago, ko na namang eskwelahan.
"Ayos lang po, Ma. Sige po akyat na ako, Ma," matabang kong sagot kay Mama. Hindi na rin naman pa sumagot si Mama kaya dumiretso na ako sa kwarto ko. Pagkasara ko ng pinto, nagulat na lang ako nang may batang tumakbo papunta sa kama ko. Puno ng dugo ang kanyang buong katawan at basag ang kanyang mukha. Sa tingin ko ay nasa 8-9 na taong gulang na siya nang mamatay.
"A-anong ginagawa mo rito?" Kilabot, 'yan ang una kung naramdaman. Ano kayang kailangan ng batang ito saakin? Ngumiti siya sa'kin bago sumagot. Nagtaasan naman ang balahibo ko dahil doon.
"Hahaha! Sabi ko na nga ba. Nakikita mo, ako kaya sinundan kita dito."
Ngayon, naalala ko na kung saan siya nanggaling.
"Kailangan ko nang tulong mo, Zach. Gusto ko nang magpahinga, pagod na ako," seryosong sabi niya saakin. Maya-maya'y naging isang hikbi na ito at tuluyan na siyang umiyak. Nakakaawa siya. Namalayan ko na lang ang sarili kong niyayakap at pinapatahan siya.
FLASHBACK:
"Zach, anong nangyari sayo? Ang lawak nang kalsada diyan ka dumadaan sa pinaka-gilid," usisang tanong saakin ni Che, kaklase ko rito sa bago kung paaralan. Ka-ka-transfer ko lang kahapon dito sa St. Anne Academy. Isa siyang private school. Parang noong isang linggo lang nag-transfer ako sa dati kong paaralan. Tapos ito na naman. Hayss.
"Ah ma-- w-wala. Hehe trip ko lang," kinakabahan kong sagot sa kanya. Ngunit ang totoo ay iniiwasan ko ang isang bata. Hindi lang siya isang simpleng bata, isa siyang multo.
"Ang weird mo. Hahaha," natatawa niyang sagot saakin. Hindi na lang ako kumibo sa sinabi niya dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan. Baka, wala pang isang linggo ay mapilitan na naman akong magtransfer sa ibang eskwelahan.
END OF FLASHBACK..
Ako nga pala si Zach, Zacharine Ivana Del Rio. 13 years old at Grade 7 student. May pinakatatago-tago akong sekreto. Iyon ay ang nakakakita ako nang mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong tao. Hindi ko alam kong biyaya o sumpa ang kakayahan kong ito. Ngunit isa lang ang alam ko. Ang kakayan kung ito ang siyang palaging nagpapahamak saakin, kung kaya't lagi akong na-bu-bully at siya ring dahilan kung bakit namatay ang tatay ko. Simula pagkabata pa lang, nakakakita na ako ng mga multo. Kung kaya't nakasanayan ko na rin. Ngunit hindi maalis saakin ang makaramdam ng kilabot sa tuwing may multo akong nakikita o nakaka-engkwentro.
"Zack, hoy! Nakikinig ka ba?" tanong saakin ni Sandra na siyang nagpabalik saakin sa realidad sa mahabang pag-iisip ko. Bago kasi tumulay ang batang iyon na tinulungan ko papunta sa kabilang buhay, may sinabi siya saakin na nagpatindig nang husto sa mga balahibo ko.
"Lagi silang nakasunod saiyo. Nag-aantay nang tamang tiyempo, para makuha ka. Lagi kang magdasal at humingi nang proteksyon sa kanya. Mag-iingat ka, Zach salamat. Paalam."
"H-huh?" naguguluhang tanong ko.
"Sabi ni Sandra kung sasama ka raw ba mamaya. Sabado kasi bukas, maglalaro raw tayo mamaya doon sa lumang gusali sa likod ng school," paliwanag naman ni Che.
"Anong klaseng laro?"
"Ghost hunting. Haha sabi kasi ni Eric may nakita raw siyang multo doon nang minsang mapadpad siya doon. A-alamin lang natin kung totoo. Tsaka may iba pa naman tayong kasama. Sila Kris, Erl, Liz, Che, Dale, Ako at ikaw," nakangiting sagot saakin ni Sandra.
Tsk! Mga baliw, hindi nila alam kung anong sinasabi nila. Ayoko mang sumama ngunit anong sasabihin kung dahilan?
"Baka kasi hindi ako payagan ni Mama. Kayo na lang," alanganin kong sagot dito.
"Ang kj mo naman, Zach hindi naman tayo uuwi. Magpapa-iwan tayo rito sa school. Dito na tayo mag-aantay hanggang sa magdilim. I-text mo na lang si Tita na may group project tayo, kaya late kang makakauwi," suggestion naman ni Che saakin na sinang-ayonan ni Sandra. Ayoko sanang gawin, ngunit wala akong choice. Ayokong malaman nila ang kakayahan ko dahil ayokong layuan nila ako, gaya ng iba.
Kinagabihan, pumunta nga kaming pito sa lumang gusaling sinasabi nila. Sa tarangkahan palang nito'y ramdam ko na ang negatibong enerhiya. Ang lamig na mas lalong nagpapakilabot saakin. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kilabot at takot. Hindi ko maintindihan ngunit parang may mali. Sana ay makalabas pa kami rito ng buhay.
Sa 'di kalayuan may nakikita akong babaing naka-itim. Nagmamasid siya saamin. Nang magtama ang paningin naming dalawa, nginitian niya ako. Isang ngiting galing sa isang demonyo na siyang lalong nagpalakas sa takot na nararamdaman ko. Hindi lang para saakin, maging para sa mga kasama ko. Tama nga si Eric. Eric? Ngayon naaalala ko na kung sino siya. Isa rin siyang katulad ko. Dapat hindi na lang talaga ako sumama at pinigilan ko na lang sila sa plano nila. Ngayon nagsisisi na ako.
"Guys, umuwi na tayo," sabi ko sa kanila.
"Ano ka ba naman, Zack ang kj mo talaga. Wala pa nga kaming nakikitang kahit ano rito. Mamaya na," nakangusong sabi ni Liz.
"Oo nga, Zach. Ano ba kasing problema mo? Natatakot ka na ba? May nakikita ka ba?" sunod-sunod na tanong saakin ni Che. Hindi naman ako nakasagot agad sakanya. Paano ko ba sasabihing may nakikita ako at hindi lang isa, marami sila.
"Dating ano ba ang gusaling ito?" balik na tanong ko sa kanila.
"They say, this building was a private school clinic before. Ipinasara ito dahil may mga namatay daw dito. Hindi lang sila basta namatay, pinatay sila. Kung sino ang pumatay, walang nakakaalam," mahabang paliwanag ni Dale saakin. Ngayon alam ko na kung bakit madami akong nakikitang nurse at tatlong doctor, maging mga estudyante. Ngunit ang higit na nakapagtataka ay ang tatlong bulto nang mga multo na nakatayo sa pangalawang palapag nitong gusali. Kasama na ang babaing nakaitim kanina. Nakangisi sila saamin lalong-lalo na saakin.
"Guys umuwi na tayo!" pakiusap ko sa kanila.
"Ano bang nangyayari sayo, Zach? Kanina ka pa!" singhal saakin ni Che.
"Hindi niyo ba sila nakikita? Ako kitang-kita ko sila. Pinagmamasdan nila tayo. Bawat galaw natin nakikita nila. M-may tatlo sa taas. Masama ang tingin niya sa atin samantalang 'y-yong isa nakangisi siya saakin," utal-utal kong sagot sa kanila.
"N-nakikita mo sila?" namamanghang tanong ni Sandra saakin. Ngunit mababakas mo sa kanyang mukha ang takot.
"Oo. May third-eye ako," sagot ko sa kanya na hindi tumitingin dahil nasa tatlong multo ang atensyon ko. Pababa na sila ngayon ngunit hindi sila naglalakad. Nakalutang sila at 'yong isa. Diyos ko, nakalutang na naglalakad patalikod. Nakakakilabot, gusto ko nang umalis dito. Ngunit ayaw humakbang ng mga paa ko.
"H-Halina kayo. Tumakbo na tayo!" sigaw ko. Ngunit kasabay niyon ay ang pagsara ng mga pinto at bintana na nagpasindak saaming lahat. Ngayon, alam kong hindi na lang ako ang nakakakita. Maging sila dahil mababakas na sa mukha ng mga ito ang takot at kilabot. Tatakbo pa lang sana ako nang may maramdaman akong kamay na humahaplos sa batok ko. Malamig-- sobrang lamig nito na siyang nagpalambot sa mga tuhod ko.
"Saamin na ang kaluluwa mo, Zach saamin ka na. Dapat ka nang mawala sa mundong ito. Paalam, Zach. HAHAHAH," bulong saakin ng isang nakakapangilabot na tinig.
Lumingon ako sa aking likod upang makita kung sino ito. Ngunit isang kahindik-hindik na eksena ang nakita ko. Ang mga kaibigan ko, nagpapatayan sila. Pinapatay nila ang isa't-isa habang tumatawa. Baliw, nababaliw na sila.
Isang malakas na paghampas sa ulo ko ang siyang naramdaman ko. Bago ako mawalan ng malay.
---BALITA: Brutal na pagpaslang sa 7 estudyante ng St. Anne Academy, natagpuan sa isang abandonadong clinic sa likod ng nasabing paaralan. Ayon sa mga pulisya, hanggang ngayon wala pang nakikitang dahilan sa pagpasalang. Maging ang lead sa maaring salarin sa krimeng ito ay wala silang makita.
-The End.
©2021 @drei_summer
All Rights ReservedA/N: unedited.
BINABASA MO ANG
Book Of Horror: GRUESOME
Horror"BOOK OF HORROR" In one compilation. Ready yourselves! Conquer your fear!