NAGLALAKAD ako ngayon papunta sa lugar na pinag-usapan namin ni Clark kanina sa text. First anniversary kasi namin ngayon as boyfriend/girlfriend. Sabi niya sa akin kanina, dito raw kami magkita sa burol kung tanaw ang City lights sa ibaba. Habang naglalakad ako, feeling ko may taong sumusunod sa akin ngunit paglingon ko ay wala naman.
"Ano kaya 'yon?" bulong ko sa sarili.
Pagdating ko sa sinasabing lugar na iyon ni Clark ay wala namang tao o kahit ano doon. Naramdaman ko na lang, may matalim na bagay nang nakatutok sa aking leeg at alam kong maling galaw ko lang ay paniguradong magigilitan ako ng buhay rito.
"S-Sino ka? B-Bakit mo ginagawa sa akin ito?" na-uutal na tanong ko sa kung sino mang tao ang nasa likod ko ngayon. Ngunit imbes na sagutin ang tanong ko, isang malademonyong pagtawa ang pinakawalan niya bago nagsalita.
"Wala ka nang kawala ngayon, Stephanie. Kung ako sa 'yo ay tumakbo ka na. Baka sakaling mailigtas mo pa ang sarili mo," sagot nito sa akin na siyang nagbigay kilabot sa buong sistema ko.
Nakakatakot ang kanyang tinig ngunit tingin ko'y pamilyar ito. Hindi ko lang alam kung saan ko ito narinig noon. Isa pa, bakit kilala niya ako?
"Takbo, Steph!" sigaw nito sa akin na siyang nagpabalik sa katinuan ko.
Agad naman akong napabalikwas at tumakbo papalayo rito. Ngunit hindi pa man ako gan'on nakalalayo sa kanya, nang mapagtanto kong bangin pala ang kapupuntahan ko. Isang maling galaw ko lang, alam kong mahuhulog ako rito. Naririnig ko na ang mga yabag niyang papalapit sa akin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Tila napako ako sa aking kinatatayuan nang makita ko ang kanyang itsura ng harapan. Nakasuot ito ng purong itim maging ang sapatos nito. May suot rin siyang itim na jacket at may hood ito. Ang hood ding iyon ang tumatabing sa kanyang mukha upang hindi ko makita ng maayos.
Bigla naman akong nanginig sa takot nang alisin niya ang kanyang hood at masilayan ko ang kanyang mukha.
O, Diyos ko! Ang kanyang mukha..
Hindi ko alam kong maskara iyon o ano ngunit parang totoo. Pamilyar din ito sa akin.
Nakatahi ang kanyang bibig maging ang kanyang kanang mata. Ang kaliwa naman nito'y namumula dahil sa dugo. Ang natitirang parte ng kanyang mukha ay punong-puno ng bahid ng sariwang dugo. Kung anong dugo iyon? Hindi ko alam ang sagot.
Mayamaya pa'y, bahagyang inalis nito ang maskarang nakatakip sa kanyang mukha saka tumitig sa akin ng mariin.
"C-Clark," nauutal na sambit ko. Hindi ako makapaniwala.
"Surprise, babe. But I am not really Clark," nakangising tugon nito saakin.
"K-Kung gayon ay sino ka?!"
"Ako? I am the man with no name."
"I-Ikaw a-ang m-mamatay n-na i-iyon?"
Tanong ko sakanya ngunit imbes na sagutin niya ako ay muling ibinalik niya lang ang kanyang maskara bago nagsalita.
"Hindi ba't sabi ko sayo na tumakbo ka na. Ang boring mo namang kalaro. Tsk tsk tsk!"
"Ano bang kasalanan ko sayo? Wala naman akong natatandaang nagawa kong masama sayo para ganituhin mo ako. K-Kung pera lang ang kailangan mo ay marami kami niyan."
"I am so disappointed to you, babe Stephanie. Hindi ko kailangan ng pera mo," nakangisi nitong sabi habang papalapit nang papalapit sa kinatatayuan ko.
"Ako naman ngayon ang maglalaro," bulong nito sa tenga ko ng makalapit na siya sa pwesto ko. Namalayan ko na lang na pinupok niya ako sa batok dahilan para matumba at mawalan ako ng malay.
----
BINABASA MO ANG
Book Of Horror: GRUESOME
Horror"BOOK OF HORROR" In one compilation. Ready yourselves! Conquer your fear!