Chapter 3 (Feiry State)

4 0 0
                                    

Third Person Point of View

"You okay?" seryosong tanong ng isang lalaki sa bata.

"Okay lang ako kuya Greg. Hindi na po ako iiyak ulit." pilit na sagot ng bata.

"Kaya mo na bang pumasok? Gusto mo ba iuwi na kita?"

"Hindi na po. Wala naman akong sakit eh. Nakakaiyak lang po kasi yung babae kanina. Hinablot niya yung kwelyo ko tapos tinakot niya ako." she pouted.

Tumango ng seryoso si Greg. "Ano bang ginagawa mo doon kanina? Diba dapat nasa classroom ka?"

"Papasok naman po ako. Kaso nagandahan ako kay ate kaya pinuntahan ko siya." tinuran ni Aia.

Ang bata at kumalma na at maayos nang kausap. Kasalukuyan silang nasa infirmary.

"What happened then?" puno ng pag-iingat na tanong ni Greg.

Ngumiti si Aia. "Pinabasa ko yung kwento ni Cinderella sa kanya. Kaso iba yung sinasabi niya. Mahirap na tagalinis lang daw si Cinderella tapos hindi totoo ang prinsipe at prinsesa."

"Is that all?"

"Sabi niya witch daw siya, tapos susunugin niya lahat ng palasyo at papatayin lahat ng prinsipe para wala akong happy ever after."

'Childish...' Iyon ang nasambit ni Greg sa isip. He is a personnel, a very common person who happens to work at the school.

Kinalunan ay pinabalik niya sa eskwela si Aia.

"Greg! Sabay kang mag-lunch sakin mamaya?" masiglang tanong ni Nally. Enhinyera na nakadestino din sa paaralan.

"Sige." sagot nito sa malalim na boses.

Napangiti si Nally nang nakatalikod na si Greg. Hindi maitatanggi ang kakisigan ng binata, idagdag mo pa ang natural na amoy nito bilang lalaki.

Sa kabilang banda ay naglalakad si Enrique. "Greg! Good thing nakita kita. Pwedeng pakikabit itong mga posters?"

"Of course Sir." ngiti niya at tinanggap ang mga papel.

"Nag print ako kanina ng original pero nawala."

"Saan napunta?" seryosong tanong ni Jude.

"Ni-review ko sa footage, kinuha ng babaeng mukhang Koreana. Iyong may dalang branded na sasakyan. Nakita mo ba?"

Napasinghap ng marahan si Greg. Ngumiti siya. "Hindi Sir."

Tumango-tango ang principal. "Okay then
Pakidikit nalang ito sa mga poste." utos niya at nauna na.

Greg sighed. The moment he laid his eyes on her, he knew she's a very insolent and rude.

Umiling-iling siya at saka nagpatuloy sa ginagawa.

He knew it was her. Nasa isip na niya na may posibilidad na makatagpo niya ng landas ang babae, ngunit pinagdarasal niyang hindi na.

"Is she robot or what?" bulong nito habang nagdidikit ng mga poster.

Uncharismatic, her eyes is blank and her face seems to stiff to smile. She's stern and ruthless.

When the Thunder Weren't HushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon